--------- ***Zamera/ Amora's POV*** - Bago ako pumunta sa bahay ni Kendrick para bisitahin si Kenneth, dumaan muna ako sa isang mall para bumili ng laruan na pwede kong iregalo kay Kenneth. Excited ako, hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko. Pinalinga- linga ko ang aking mga mata sa iba't- ibang laruan na nasa harapan ko ngayon. Ito ang unang beses na bibili ako ng laruan. At natatakot ako na baka hindi magugustuhan ni Kenneth ang bibilhin ko. Sa bandang huli, napagpasyahan kong bilhin ang isang malaking robot na sa pagkaalala ko, isa itong character ng transformer, pwede din itong mag- transform para maging sasakyan. Remote control din ito. Bumili din ako ng isang remote control na toy sports car. Pinigilan ko ang sarili ko na bumili ng toy gun. Pag buhay lang si Kent, hindi ko din b

