Chapter 1
Sylvia Luna POV
I'm Sylvia Luna S. Martinez, kilala bilang isang architect na gumuguhit ng mga building, nagde-design ng mga bahay. Kilala rin ang pamilya namin sa pagiging architect at engineer; ang iba naman sa aking mga kapatid ay doktor, ang iba ay abogado at pulis. Meron akong kaibigan mula pagkabata pa lang, si Clarity Eleinne A. Laurent, isa siyang lawyer at sabi niya sa akin ay may boyfriend siya na hindi ko pa nakikita, never niyang pinakilala sa aming mga kaibigan niya. Si Clarity ang nakakaalam ng mga sikreto ko. Nang mag-vibrate ang phone ko, tumatawag si Clarity.
"Oh, Clarity, napatawag ka?" tanong ko dito.
"Bestie, alam mo naman 'di ba, simula no'ng pumunta tayo sa birthday party ni Elise, araw-araw kang nakakatanggap ng mga text, calls, gifts, message from stalker," sabi niya sa akin.
"Yes, I know," sabi ko naman. Naalala ko no'ng pumunta kami sa birthday party ni Elise Devine Vasquez, our college friend, may isang imahe ng lalaki akong napansin. Hindi ko kilala kung sino 'yon o kung ano ba siya at kung ano ba talaga ang alam niya sa buhay ko. Ang sabi niya lang ay Blaise ang pangalan niya. Nakakakilabot ang mga sinabi niya no'ng araw na 'yon. Simula din no'n, may natatanggap na akong mga text, calls, gifts, message sa unknown guy, or should I say stalker? Lahat na lang din ng pinupuntahan kong lugar, parang may nagmamasid sa akin, sa mga kilos ko.
"Hoy, nandiyan ka pa ba?" basag katahimikan na sabi ni Clarity sa akin.
"Andito pa ako, bakit?" sabi ko naman.
"Meron kasi akong natanggap mula do'n sa stalker mo na message, na huwag daw akong makikialam sa kanya, dahil maski daw 'yung mga lihim ko alam niya. Nakakatakot talaga, Sylvia," sabi naman niya.
"Seriously?" tanong ko.
"Oo, may natanggap ka ba ulit galing sa kanya?" sabi naman niya sa akin. Oo, meron kanina lang bago ka tumawag.
"Oo, best, may natanggap ulit akong message, at larawan ko mula sa kanya," sabi ko naman.
"Ano namang message 'yon?" sabi niya naman.
"Nakalagay kasi, 'Sylvia Luna, kahit saan ka man magpunta o magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kita. You are mine,' from B.L." basa ko naman sa sulat. At 'yung larawan ko naman ay kakakuha lang nito, for sure malapit sa bintana dito sa aking office. Grabe na ito, ano bang klaseng tao siya? Hindi kaya siya 'yung lalaki sa birthday party?
"Sylvia, natatakot ako para sa'yo at para na rin sa sarili ko. 'Yung mga mensahe niya talaga, para siyang nagbabanta din sa akin, ang daming pumapasok sa isip ko, bakit niya kaya ito ginagawa at sino ba siya?" sabi naman ni Clarity.
"Hindi ko rin alam, Clarity, eh. At sorry, Clarity, at nadamay ka pa dito. Hindi ko naman ginusto na madamay ka dito sa gulo," sabi ko naman.
"Hindi mo kasalanan, pero kailangan din nating magtulungan. Hindi kita pababayaan, kaibigan kita, eh, at poprotektahan kita," sabi niya naman sa akin.
"Salamat, Clarity, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka," sabi ko naman sa kanya.
"Magkasama natin itong haharapin kung sino man 'yung stalker mo na 'yon. Basta mag-ingat ka lagi ha at huwag kang aalis na mag-isa," sabi niya naman sa akin.
"Sige, Clarity, bye bye na, may dapat pa akong tapusin dito, eh," sabi ko naman at pinatay ko na ang tawag at nagsimula na ulit tapusin ang sinimulan ko ditong trabaho.
The work feels meaningless now. How can I focus when someone is watching me in every corner? 'Yung litrato at ang message niya na 'yon. Lahat ng iyon ay nagpapahiwatig na malapit lang siya dito.
I need to find him kahit saan mang sulok ng mundo. I'm Sylvia Luna S. Martinez for nothing. I will do everything para malaman ko kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin. Nag-decide naman akong ligpitin ang mga papers at ang design na ginuguhit ko dahil pupuntahan ko si Elise Devine Vasquez sa kanyang penthouse. Nagsimula na akong magmaneho papunta sa penthouse ni Elise nang biglang may napansin akong kotse na sumusunod sa akin. Malapit na sana ako sa penthouse ni Elise kung wala lang sumusunod na kotse. I'll try everything para iligaw ang kotseng sumusunod sa akin. Liko sa kanan, liko sa kaliwa, ayan ang ginawa ko para lang maligaw 'yung kotseng sumusunod sa akin. Kaso nga lang, magaling talaga 'yung sumusunod na 'yon at hindi niya hinahayaang makawala ako. Ano ba 'yan, sino ba itong lintik na sumusunod sa akin? Parang ayaw niyang malaman ko ang totoo kung sino ba 'yung lalaki sa party ni Elise.
Nang biglang binunggo ng driver ng kotse na sumusunod sa akin ang likod ng kotse ko, kaya naman bumunggo ako sa bato. Nasa malapit na pala ako sa bangin, s**t na 'yan, sino ba itong taong sumusunod sa akin? Nagsimula nang mag-apoy ang likod ng kotse ko kaya nagpa-panic na ako para makaalis sa driver seat na ito. Punyeta naman, kung minamalas ka nga naman, oh.
Nang biglang lumapit sa harapan ko ang isang lalaki na may suot na maskara, kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung nagmamaneho ng kotseng sumusunod sa akin. Tinulungan niya akong makaalis sa driver seat na ito sa kotse ko. Ano ba talaga ito, nakakalito na. Siya ang dahilan kung bakit ako napahamak ngayon at ngayon tinulungan niya akong makawala sa pagkakaupo sa driver seat na ito sa kotse ko dahil ano mang oras ay sasabog na ang kotse ko. Akay-akay niya ako at nahihirapan akong makalakad nang biglang may panyo siyang inilagay sa ilong ko na dahilan para mahilo ako sa amoy na 'yon.
"Sleep now, you can't escape from me, this is just the beginning, Sylvia, you're mine now," sabi naman ng lalaking nakamaskara sa akin bago ako mawalan ng malay.