AN: Thank you for reading :)) I really appreciate your kindness in reading my story.
-----***
"Hoy! Kendra baklush." parang nilayasan ako ng sarili kong kaluluwa sa lakas ng tili ni Avon sa akin habang palapit siya. Jusmiyo talaga tong bakla na ito parang nakalunok ng megaphone kung makasigaw
Papasok na ako ngayon sa management department namin sa loob ng Iralde Hotel Enterprises. Actually maraming branches at business ang Iralde Entreprises. Mayroong malls, resorts and hotels. At nadestino ako sa isa sa prestiges hotel nila as a Sales representative.
"Baklushh...." salubong ko sa kanya ng nakangiti sabay beso beso. Pangsocialite lang ang peg ng lola niyo.
"Gaga late ka na!" with matching batok pa sa akin. Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Baklush alam mo namang sobrang traffic sa may intersection ng Dasmariñas eh." sabi ko sabay hampas sa balikat niya ng mahina.
Pero ang totoo talaga ay natagalan ako sa pagkilos kakaisip ko kay mister hunky papalicious. Iniisip ko kung may abs ba siya o kaya naman ay daks siya. Lihim akong napangiti sa iniisip ko. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil dun.
Oh my God! What was I thinking!
"Kendra nagbablush ka."
"Ha-?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Sabi ko nagkukulay kamatis ka dyan! Ano bang iniisip mo at namumula yang pisngi mo?" tanong nito. "Don't tell me na- Oh my God! Oh my God! Are you f*cking falling inlove with me, Mare!? I can't believe it! Hindi tayo talo!" naghehisterikal na sabi ng baklang ito sa akin.
"Hala siya! Hoy, Avon! Don't be so full of yourself bakla! Alam kong hindi tayo talo! And besides hindi pa ako mauubusan ng lalaki 'no!" syempre kasi andiyan pa si hunky papalicious ko.
Inirapan niya lang ako.
"Just make sure of that ha? You know naman I have my baby Bruce na." tinitigan ko lang siya at lihim na napangisi. Ang arte kasi talaga ng baklang 'to, si Bruce lang naman kasi ang long time boyfriend nito na ibinabahay na niya, three years to be exact.
"Syempre naman 'no! Marami pa akong lalandiin na boys sa mundo! Real men with cold cash." napahagikhik ako.
"Jusmio ka Kendra, ibubugaw mo pa ata yang perlas mo eh. Nakakadiri naman 'yang pangarap mo bakla." halata sa mukha nito ang pandidiri dahil bahagya pa itong napangiwi at nangasim ang mukha.
Tumawa ako sa reaksyon niya. Inirapan niya lang ako ng sobra dahil dun. Sigurado nga ako na kung nakakamatay lang ang pag-irap nito malamang bumulagta na ako dito.
"My God Avon! I'm just kidding! Huwag kang mag overreact, Okay? Charot lang yun, I won't do that unless I really need to." hindi ko pa rin mapigilan ang tawa ko sa reaksyon ng baklang ito.
"Hay naku Amorlita Kendrafaye! Umalis ka na nga dito at pumunta ka na sa cubicle mo. Baka maapektuhan pa ang trabaho ko dahil dyan sa kalandian mo." winasiwas pa niya ang kamay niya para itaboy ako.
"Grabe makataboy ha." reklamo ko. "Parang hindi BFF, my goodness!" parang si nanay lang eh, makatawag sa buo kong pangalan.
"Che! Bago ko pala makalimutan bakla, speaking of real men with cold cash na sinasabi mo, darating daw ung anak ng may-ari ng Iralde Enterprises ngayon. Ang mabuti pa ay ayusin mo na yung cubicle mo at baka mawalan ka pa kaagad ng trabaho." sabi nito.
"Okay. Salamat sa impormasyon nakatulong talaga sa akin. Nagkaroon ako ng idea kung sinong lalandiin." nangising sabi ko.
"Maiwan na nga kita dyan bakla, punta muna ako sa rest room at kailangan kong magretouch. Naiistress ang beauty ng lola mo sa mga pinagsasabi mo." sabay talikod sa akin at naglakad palayo ng pakembot-kembot pa ang balakang.
Tumalikod na din ako at nagmamadali na pumunta sa cubicle ko para tapusin ang report ko na deadline na bukas. Baka masabon ako kapag hindi ko 'to maipasa bago ang deadline. Besides, kailangan ko din magpabango sa mga matataas na officials ng company namin just incase lang naman, you know para naman mapromote. Sisipsip ganun, speaking of sipsip nagegreenminded pa ata ako at ang walang hiyang mukha ni mr. Hunky papalicious ang nakikita ko sa utak ko.
Kendrafaye stop what's running in your stupid mind. It's not good! It's a mortal sin!
Erase! Eraseee! Bakit ba kasi siya pumasok sa utak ko all of a sudden! Tigang ba ako or what! I'm pretty sure hindi ako tigang kasi I am still a f*cking virgin.
Eh bakit pinagnanasaan ko siya in my innocent mind? What's going on in my useless provacative mind!? I can't believe it.
"Hey! Hey! You! Are you even listening to me!?"
Someone's snap his fingers sa tapat mismo ng mukha ko! Aba't ang kapal din naman ng mukha nun, snapping his dirty fingers in my beautiful face. Napakurap kurap ako dahil sa ginawa niya. Biglang bumalik ang ulirat ko at naputol ang mga POV sa utak ko tungkol kay hunky papalicious. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa mokong na ito kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung bakulaw na 'yon. Nanggigigil akong tumayo para harapin ang siraulong 'to. He just ruined my effin daylight dreaming.
"Are you f*cking stu-" napatigil ako sa pagsasalita at tiningnan ang mga katrabaho ko dahil nakakapagtaka na lahat ng nasa opisina ay tahimik at nakatingin lang sa amin.
Tiningnan ko si Avon para magkaroon ng hint kung anong mayroon at bakit tahimik silang lahat. Nginuso-ngusuan lang ako ng gaga habang panay ang iling.
Dahan-dahan kong binaling ang ulo ko sa lalaking nasa harap ko. Napalunok ako ng makita ko si Mrs. Cherry, one of my seniors, at ang mukha ng kulogong pumutol sa pagdidaydream ko.
Mr. Hunky Papalicious....
It was him! Walang iba kundi ang lalaking pinag-iisipan ko ng kahalayan. Ngayon ay kaharap ko pa mismo dito sa desk ko at seryosong nakatingin sa akin.
"Ahmmm.. W-what c-can I do for you?" nauutal kong sabi. Ugh! Bakit ko ba tinanong kung anong magagawa ko para sa kanya? Nasisiraan na ata ako ng ulo.
In that very moment gusto ko ng lang hukayin ang sarili kong libingan at ilibing ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Nagiging brutal na ang takbo ng isip ko dahil sa mga pinaggagagawa ko. Damn! I'm such a stupid b***h!
"Unless you miss what I said Ms. Suico, this is Mr. Devon Luciano Iralde, son of Chairman Kian. And his gonna handle this department."
Hala! Nakakaumay naman! Si Mr. Hunky papalicious ko pala ay ang anak ng chairman ng Iralde Enterprises. My God!
Inikot ko ang paningin ko sa mga kasamahan ko at aksidenteng napadako ang mata ko kay Mr.Devon. Nakagat ko tuloy ang pang ibabang labi ko dahil parang gusto ko ng umiyak dahil naspecial mention pa talaga ako.
My precious dream na mapromote mukhang dadalhin lang pala ng hangin dahil sa kaistupidahan ko.
" I want her to be my secretary if thats alright with you Mrs. Cherry," sabi nito sa buong boses. Lalaking lalaki, parang nahulog ata ang panty ko ng narinig ko ang boses niya. Grabe! Sobrang masculine.
I know naman na narinig ko na ang boses niya nung nakipag away ako pero mas masculine talaga ung dating ng boses niya ngayon. And did I heard it right? Gusto niya akong maging secretary?
Am I really going to be his secretary? OMG! Kinikilig ako! Napatingin ako kay Avon na ngayon ay kilig na kilig din na nakangisi sa akin.
"Sure thing Mr. Iralde, anything for you." nakangiting sabi ni Mrs. Cherry at tiningnan ako ng may kasama pang kindat.
"Cut the Mr. Iralde thing Mrs. Cherry just call me Devon that woud be much appreciated." sabay talikod, "I want her in my office right now." pahabol pa nito.
Naiwan akong nakatulala at nanlalamig sa kahihiyan. Hinakbang ko ang paa ko but everything went black.