Chapter Calling card

1573 Words
PAGPATAK ng alas sais ng gabi ay kanya-kanya na kaming tayo sa aming mga upuan. Medyo hindi kami ngayon stress sa aming mga subject. Dahil wala ang dalawa naming professor. May seminar silang ina-attend-an. Kaya maaga kami pinauwi ng aming adviser. Ngayong araw nais kong puntahan si Ate Gigi sa kanyang parlor. Upang magtanong kung may bakanteng trabaho doon. Kahit tagalinis okay na iyon sa akin. Hindi naman porket sinagot na ni Alpa ang needs ni Dexter sa pag-aaral ay pababayaan ko na siya. Mas maganda pa rin kahit papaano may ambag kami sa kanya. Matapos kong magpaalam sa mga kaklase ko ay kaagad akong naunang lumabas sa aming room. Tahimik akong naglakad sa hallway hanggang sa makarating ako sa gate ng university. Ngunit ngulat ako nang biglang nagsulpotan sa harapan ko ang lima kong kaklase. “Marga, pauwi ka na ba? Gimik muna tayo. Maaga pa naman,” nakangiting yaya sa akin ni Telma. Anak mayaman siya at walang problema ang pera sa kanya. Mabait siya ngunit siraulo pagdating sa lalaki. “Oo nga naman Marga. Ngayon ka na lang ulit namin niyaya. Sama ka na. D’yan lang naman tayo sa Amason’s Cafe,” segunda naman ni Lena. Siya ang pinaka-close ko sa aking mga kaklase. Inilingan ko sila. “Gusto ko sanang sumama. Kaso may lakad ako. Pupuntahan ko si Ate Gigi, magtatanong ako kung may bakanteng trabaho do’n sa parlor niya. Alam n’yo na lumalaki ang gastusin namin.” “Sus, ang liit lang ng problema mong ’yan. Kayang-kaya kang tulungan ni Telma. ‘Diba, Tel?” singit naman ni Jan. Sa pula, sa puti ang ugali nito. Ngunit napapakinabangan naman ang pagiging tsismosa nito. Nilapitan ako ni Telma at inakbayan. Alam kong kayang-kaya niya akong tulungan. Ngunit nahihiya ako. Hanggat maari ayaw kong lumapit sa ibang tao. Gusto kong umaangat sa sarili kong kayod. Maya-maya pa at wala na akong nagawa nang akayin ako ni Telma papunta sa kanyang sasakyan. Kaagad niyang binuksan ang unahang pinto nito at doon ako pinaupo. Gustuhin ko mang tumaggi wala na akong nagawa. Bahala na nga, sa isip-isip ko. Kalahating oras lang naman ang ibinayahe namin papunta sa Amason’s Cafe. Pagkarating doon kaagad kaming inasikaso ng isang lalaking waiter. Palibhasa madalas ang mga kaklase ko doon ay vip treatment ang ibinigay sa amin ng cafe. Wala pang sampong minuto nasa harapan na namin ang aming mga in-order na pagkain. Nahihiya ako kay Telma kasi siya ang nagbayad ng lahat nang iyon. Kahit piso wala man lang akong ambag. ’Di bali kapag ako nagkamayro’n. Iti-treat ko din itong si Telma. Makabawi man lang sa panlilibre niya sa akin. “Marga, balita ko naghahanap ka raw ng trabaho?” Napatingin ako bigla kay Lena at napaisip. “Oo eh,” pag-amin ko sa kanila. Nakatungo ako at nahihiya sa kanila. Kahit alam nila ang kalagayan namin sa hacienda. “Cheer up girl! Ang liit-liit ng problema mo. Para ka ng binagsakan ng langit at lupa d’yan sa itsura mo.” Nakangiting sabi sa akin ni Telma. Itinaas pa ng hintuturo nito ang aking baba at masaya nila akong binigyan ng kani-kanilang mga ngiti. Masasabi ko talagang napakas’werte ko sa kanila. Bukod sa mababait sila. Galante pa ang mga ito. Maya-maya pa nga at sinimulan na naming kainin ang mga pagkaing in-order ni Telma. Masaya at seryoso naming pinagsalohan iyon. Pagkatapos naming kumain. Nagkayayahan ang aking mga kamag+aral na mag-bar. Hindi na ako sumama sa kanila. Dahil pupunta ako kay Ate Gigi. Naintindihan naman nila iyon. Dahil hindi talaga ako mahilig mag-bar. Minsan nga tinatawanan nila ako. Dahil masyado daw akong makaluma pagdating sa mga social life ko. Pero okay lang ’yon, atleast alam ko sa aking sarili na sa kabila ng makabagong panahon ay hawak ko pa rin ang ugaling namana ko sa aking ina. Sumakay ako ng jeep papunta sa GIGI’S AND BEAUTY SALON. Isang oras din ang naging biyahe ko bago narating iyon. Pagkarating ko roon ay may ilang customer ’s ang nakita kong ginugupitan ni Magdalena at Cloze. Kaagad kong nilapitan si Cloze at binati. Ilang beses na rin akong dinala ni Alpa dito. Kaya kilala na nila ako. Dahil sila ang mga suki ni Alpa sa tuwing nagpapa-trim ng buhok ang pamangkin kong iyon. “Magpapagupit ka ba?” malumanay na tanong sa akin ni Cloze. Inilapag nito ang gunting sa taas ng lamesita at inayos-ayos ng daliri ang buhok ng customer. “Hindi. Actually nandito ako para sana magtanong kung may bakanteng trabaho. ’Yong part time job lang,” diretsahan kong sagot kay Cloze. Nakita ko pa ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Parang hindi ito makapaniwala. Tumayo ang customer ni Cloze.at naglakad papuntang cashier. Tiningnan ako ni Cloze habang nililigpit niya ang mga gamit sa paggugupit ng buhok. Isinilid niya iyon sa isang bag. Itinabi at saka ako niyakag sa mini-sala ng salon. “Ano bang alam mong trabaho? Marunong ka ba sa ganitong trabaho?’ Umiling ako. Wala naman akong alam pagdating sa trabahong pang-salon. Ang alam ko lang siguro maggupit ng kuko. “Hindi eh.” “Amg hinahanap namin ’yong marunong sa trabahong pang-salon. Alam mo naman siguro ’yon? Alam mo na dumarami ang mga customer namin at minsan may nagpapa-home service pa.” Hindi ako nawalan ng pag-asa. Kailangan ko talaga ng trabaho para sa mga kapatid ko. “Baka po nangangailangan kayo ng tagalinis? Puwede po ako doon at habang walang linisin, mag-aral po akong maggupit at mag-rebond. Tanggapin n’yo na po ako.” Nakita ko na parang napahanga si Cloze sa pahayag ko. Sumilay kasi ang munting ngiti sa kanyang mga labi. “Okay tatanggapin kita. Ngunit sa isang kundisyon. Kailangan sa loob ng isang buwan, kahit isang trabahong salon ay dapat marunong ka na. Naiintindihan mo ba ako?” “Opo. Opo. Naintindihan ko po. Makakaasa po kayo sa akin,” masaya kong sagot. Sa sobrang saya hinawakan ko pa ang mapula-pula niyang palad at magaang pinisil. “Okay. You start tomorrow. Six to eight in the night. Iyan kasi ang kalimitang oras na marami kaming customer. Kaya mo ba ’yang oras na ’yan?” “Kayang-kaya po.” “Good. See you tomorrow.” Tumayo si Cloze at napasunod na rin ako. Magpapasalamat pa sana ako. Ngunit naglakad na si Cloze para asikasuhin ang dumating na customer. Masayang-masaya ako na lumabas ng salon. Kaagad kong pinara ang unang jeep na dumaan at sumakay. Pagdating ko ng apartment agad kong ibinalita sa mga kapatid ko ang magandang balita. Nakita ko ang saya sa mukha ng aking mga kapatid. Hindi rin nagtagal at nagpaalam ako sa mga ito. Medyo pagod din ako ngayong araw. Naghilamos lang ako at nagpalit ng damit pantulog. Saka inilatag ang pagod kong katawan sa kama. Maya-maya pa at hindi ko namalayan nakatulog na ako. SUMUNOD na mga araw ay naging excited ako sa pagpasok sa school at sa aking trabaho. Kahit maliit ang suweldo ay pinagtiyagaan ko iyon. Sayang din ang five hundred pesos. Malaking tulong din iyon sa aking kapatid na si Dexter. “Marga, sumabay ka na sa amin. Ihahatid ka na namin sa apartment mo,” sigaw ni Magdalene habang panay ang lagay ng kolorete sa mukha. Kaagad kong isinukbit ang aking backpack at lumapit sa dalawang bakla. Hindi ako tatanggihan ang alok ni Magdalena. Sayang din ang bente pesos na pamasahe sa jeep. “Okay. Let’s go!” Masayang sabi ni Cloze. Nauna itong lumabas sa amin ni Magdalena. Sandali pa at sumunod na rin kami sa kanya. Unang ini-lock ni Magdalena ang pinto sa unahan. Tinawag pa niya ang isang lalaking nagtitinda ng sreet food sa harap ng salon at nagpatulong na ibaba ang isa pang pangharang sa pinto na gawa sa yero. Matapos ’yon kaagad kaming naglakad papunta sa parking area. Sumakay kami sa sasakyan ni Cloze. “Marga, may boyfriend ka na ba?” Nagulat ako sa naging tanong sa akin ni Magdalena. Busy kasi ako sa pagsagot sa aking homework. Iniangat ko ang aking mukha at tiningnan ang dalawa. “Wala, po,” pag-amin ko. “Pero may nanliligaw?” segunda ni Cloze. “Wala rin po.” “Maganda ’yan. Unahin muna ang pag-aaral kaysa sa mga ibang bagay. Kasi ang mga lalaki nand’yan lang ’yan. Kapag may maganda kang trabaho at stable. Mayroon ding talagang nakalaan sa iyo na lalaki, na mas higit sa ating inaakala,” seryosong pahayag ni Magdalena. “Amen,” pabirong sagot ni Cloze. Sabagay tama naman talaga ang sinabi ni Magdalena. Sa panahon ngayon mas mahalaga pa rin ang may magandang trabaho. Para sa akin wala pa isipan ko ang magkaroon ng boyfriend. Hanggang crush na lang muna siguro ako ngayon. ‘Crush? Eww, tanda mo na kaya,’ kantiyaw ng aking isipan. Pati ako natawa rin sa aking sarili. Hindi ko namalayan ang paghinto ng sasakyan ni Cloze. Pagtingin ko sa paligid nakita ko ang gate ng apartment na aming tinutuluyan. Agad akong nagpasalamat sa dalawa at niligpit ang aking mga gamit. “Marga, sandali!” tawag sa akin ni Cloze. Lumapit ako sa driver seat. “Bakit po?” Nakita ko may dinukot si Cloze sa kanyang wallet at iniabot sa akin. “Kung gusto mo ng malaking kita. Puwede ka mag-aplay d’yan.” Sabay bigay ni Close sa akin ng calling card. Kinuha ko ang calling card at binasa ang nilalaman no’n. Sa sobrang curious ko sa bagay na iyon. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis ng dalawa. ‘AVALUN’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD