Chapter 26

2069 Words

Mona Maaga pa rin akong nagising kahit na wala akong masyadong tulog. Dalawang oras lang siguro ang itinulog ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Ito yata ang epekto ng alak na ininom ko kagabi at dinagdagan pa ng hindi ako nakatulog ng maayos. Mukhang ako pa lang ang gising ngayong umaga. Tulog pa ang lahat. Tulog pa sina Trebor at Kendra. Paano ako papasok nito? Ang sabi ni Trebor ay sya na ang maghahatid at sundo sa akin sa Universidad ngunit dahil pare-pareho kaming mga puyat kagabi at hanggang ngayon natutulog pa sya. Wala rin yatang balak pumasok si Kendra ngayon, napasarap ang tulog nya  sa piling ng kanyang boyfriend. Naghanda na ako ng aking sarili. Kahit anong mangyari ay kailangan kong pumasok ngayon. Kahit wala akong tulog ay hindi sapat na dahilan iyon upang hindi ako pumaso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD