Mona Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa mata ni RM. Pilit kong tinatanong sa sarili ko kung seryoso ba sya sa mga sinabi nya. Napayuko ako dahil hindi ko na kinaya ang pakikipagtitigan sa kanya. "Bakit ako?" Mahina kong tanong "Bakit naman hindi ikaw?" Sagot naman kaagad nya Napahawak ako sa aking sintido na kanina pa pumipintig sa sakit. Dinagdagan pa ni RM ang pag-iisip ko. Lalo pa syang humarap sa akin. "When the first time I saw you, I already knew that you will have a special place in my heart." Malambing ang tinig nya. Nagpatuloy sya sa pagkukwento habang nakalagay ang kanyang baba sa ibabaw ng kanyang palad. Paborito nyang itukod ang kanyang siko sa mesa. "Of course, at first I was in denial because I was deeply in love with Kendra at that time. Pero Mona, hab

