CHAPTER 3: GOODBYES ARE NOT THE END, IT'S ACTUALLY THE STARTS OF YOUR JOURNEY.

1121 Words
"Anak, ilang araw ka ng hindi lumalabas ng kwarto mo. magkakasakit ka niyan, ilang araw ka na ring walang kain," Saad ni papa sa labas ng kwarto ko, ilang araw na no'ng namatay si mama. Wala pang nakakaalam kung sino ang pumatay sakanya kahit mga pulis, masyado silang magagaling dahil wala man lang finger print na makuha sa mga possible na p'wedi nilang hawakan sa bahay. Tumahimik na sa labas ng kwarto ko, baka pumasok na si papa sa kwarto nila. Tumayo ako at kinuha 'yong susi na nasa study table ko, inabot 'to sa'kin ni mama bago siya mawalan ng hininga. Pinagmasdan ko 'yong susi, susi siyang may krona sa hawakan. key crown kumbaga. Tumayo ako para hanapin si papa, itatanong ko kung para saan ito at kung alam niya kung bakit inabot sa'kin ni mama 'to. Gano'n ba 'to ka importante para ibigay 'to ni mama sa'kin bago siya mawala? Lumabas na 'ko sa kwarto at naglakad na patungo sa pintuan nila papa. "pa..." naputol ang sasabihin ko ng "Hindi ko pa alam kung kailan! Masyado siyang nasasaktan sa pagka-wala ni adiara!" Rinig ko na saad ni papa sa kausap niya ata sa cellphone niya. "Malapit na rin naman ang kaarawan niya, before the day of her 18th birthday. sasabihan ko na siya," Dagdag niya "But, I don't know where adiara put the key," Tinignan ko naman ang hawak kong susi na ibinigay ni mama, para saan ka ba talaga? Sinara ko na ang pituan, baka makita ako ni papa at mapagalitan pa 'ko. tatalikod na sana ako at magsisimula ng maglakad... "Nathalie?" Sinasabi ko na nga ba, yswa. "H-Hi p-pa?" Nauutal na saad ko at sapilitang ngumiti. "What are you doing here? are you okay? do you want to eat?" sunod-sunod na tanong niya, Umiling na lang ako bilang sagot. "Then, do you need something?" Tanong niya ulit, itatanong ko na ba?Sige na nga. "P-Pa, mama gave me this key the day she died," Sabay pakita ko ng susi na nasa kamay ko. "Did she said something about that key?" He ask. "N-Nope," Saad ko "Tumingin lang siya sa pintuan na nasa kwarto niyo, t-then..." Namuo ang luha sa mga mata ko. "Shh, it's okay," Saad ni papa at niyakap ako. "Sigurado panahon na rin para malaman mo ang totoo nath," Dugtong ni papa kaya kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya sa mata. "H-Huh?Anong totoo pa?" tanong ko. "Mag impake ka muna ng mga gamit mo," Utos niya kaya nagtaka ako, Anong gagawin bakit mag iimpake? Hindi pa 'ko nakakapag salita ng pumasok na agad si papa sa kwarto nila. haysssssst! bakit ba 'ko mag iimpake para saan, ang lalim ng eyebags ko baka may makakita sa'kin sa labas. Tumakbo ako sa kwarto ko at humarap sa salamin. "WAHHHHHHHH!!!" Ang lalim ng eyebags ko huhu baka ma turn off 'yong kapit bahay namin na pogi, WAAAAAAAAAHHH MAMA "Nathalie, nakapag ayos ka na ba?" Tanong ni papa kaya tumakbo at binuksan ang pinto. "Ngayon na ba talaga pa? Tignan mo 'yong eyebags ko pa oh, ang lalim baka may makakita sa'kin sa labas sabihin ang pangit ko huhu," Saad ko habang kunwari ay pinupunasan ang mga luha sa mata ko. "Oo nga ano? Wala ka bang make-up?" Tanong ni papa, napa-isip naman ako. ano gagawin niya sa make-up? Tumaas ang kilay ko. "Make-up para matago 'yang lalim ng eyebags mo, alam ko dahil babae rin ang mama," Saad niya, defensive naman wala pa ngang sinasabi e tinaasan lang ng kilay. "Maligo ka na nga roon nathalie, ang baho mo," Dugtong niya. "Sama mo naman pa, hindi mo na ba 'ko mahal?" Sabay pa-cute sakanya. "Maligo ka na o papapuntahan ko rito 'yong kapit bahay natin na gusto mo para utusan kang mali..." Hindi pa natatapos ni papa sasabihin niya ng mabilis pa sa kabayo akong tumakbo sa CR. "Papa, wag mo siya tawagin ah ito na naliligo na 'ko"  Narinig ko ang halakhak ni papa sa labas, argh bwisit! Minadali ko na ang pag ligo ko para may time pa 'ko mag ayos ng mga gamit at sarili ko, ayokong lumabas ng gan'to parang pinabayaan ako sa itsura ko yswa. Natapos na 'ko maligo kaya sinimulan ko ng mag impake, kaunti lang ang dadalhin ko baka p'wedi naman bumili roon. pagtapos ko mag-ayos ng mga gamit ko ay pinatuyo ko na agad ang buhok ko at nag make-up na rin para mabilis. "Are you done Nathalie?" Tanong ni papa pagka pasok pa lang sa kwarto ko. "Yeah, ang bilis ko natapos papa," Pagrereklamo ko, hindi ko nagawa ng maayos mga skin care ko sa pagmamadali. "It's been three hours Nathalie, anong mabilis roon?" Taas kilay na tanong ni papa kaya napakamot ako sa ulo, parang 30 minutes lang 'yong three hours grabe naman 'yon. "Ay hehe," Pagpapa-cute ko. "Asaan na mga gamit mo?" Tanong niya. "Ayon po," Sagot ko habang tinuturo 'yong tatlong maleta na malalaki, Pumasok naman si papa at kinuha ang mga maleta ko. "Kaunti lang ang dinala ko pa, saglit lang naman siguro tayo roon?" Lumaki ang mata ni papa sa sinabi ko. "A-Ano? Kaunti? Kaunti pa 'yan sayo parang nandyan na pati closet mo nath," Saad ni papa. "Grabe ka naman pa, kaunti nga lang 'yan e five pairs of shoes lang ang dinala ko," Reklamo ko naman. "Ay ewan ko sayo nath, p'wedi ka naman bumili sa pupuntahan natin. Tara na!" utos ni papa, sabay labas na sa kwarto ko kaya sumunod agad ako sakanya. Ang bilis niya mag lakad nasa sasakyan agad siya. "Pumasok ka na, malayo ang pupuntahan natin," Tumango na lang ako at pumasok nasa loob. "Did you bring the key?" Tanong ni papa ng pagka pasok nya, kinuha ko ang susi sa bulsa ko at pinakita sakanya. Tumango siya naman siya tapos nagsimula ng mag maneho. Kinuha ko ang phone ko sa bag ko, at pinindot ang on bottom. Ilang araw na din no'ng huli ko itong binuksan, no'ng mawala si mama parang nawalan ako ng gana sa lahat kaya pati pag gamit ng phone for the announcement sa school hindi ko na magawang tignan. Buti na lang nandito si papa para ipaalam sa'kin mga nangyayari sa school. Pagka bukas ng phone ko ah sandamakmak na messages ang bumungad sa'kin, ang unang message ay tristan "Kumusta ka na?" u ok?" sumunod naman ang mga prof sa school, friendly kasi masyado kaya halos close ko lahat ng teacher sa school. gano'n lang din nangangamusta at nagtatanong kung ok or kailan ako papasok. Tuwing naalala ko 'yong nangyari nanghihina ako, pinatay ko na ang phone ko dahil matutulog muna ako baka sakaling lumiit anh lalim ng eyebags ko dapat fresh ako tignan. Pumikit ako at unti-unti ng nilamon nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD