JENNY'S POV:
MAGHAPON akong nagkulong sa silid. I was too lazy to go out, so I just decided to stay in my room the whole day. Dinadalhan naman ako ni nanay ng pagkain sa silid. Kaya sa balcony ako kumakain at mas mahangin doon. Maluwag ang balcony dito sa second floor ng mansion. Para itong open living room na may ilang sofa, throw pillows at mesa. Masarap nga tumambay doon at malakas ang hangin. Idagdag pang maganda ang view.
“Wala pa ba ang ninong?” I asked nanay.
It's already seven in the evening. Kumakain na ako ng hapunan pero hindi ko pa nakikita ang ninong na dumating. I was a bit curious about how my ninong’s looks. Ang sabi ng daddy, byudo ang ninong. May mag-ina ito dati pero namatay ang mag-ina niya dahil sa car accident nilang pamilya noon.
Hindi na raw ulit ito nagpakasal. Kaya wala itong kinakasama ngayon. Naka-focus na lamang siya sa pagma-manage ng hacienda niya at sa negosyo niya sa bayan. If I'm not mistaken, he's turning 40’s this year now.
“Wala pa siya, señorita. Mamayang alasdyes pa si boss darating. May kailangan ka po ba sa kanya?” she answered.
Umiling ako. Nagpatuloy sa pagkain. “Wala po. Seems like he's too busy din naman. Ayokong makaistorbo sa kanya. I'm welcome naman to stay here, ‘di ba, Nanay?” I replied.
Alanganin siyang ngumiti nang lingunin ko ito. “Ah, e. . . hindi ka naman istorbo sa ninong mo kung gusto mo siyang hintayin, señorita. Saka, welcome po kayo dito sa hacienda. Inihahabilin nga kayo ng ninong niyo sa amin e.” Sagot nito.
Tumango-tango ako. Nagpatuloy sa pagkain. Nakatayo naman sila nanay at ibang katulong sa gilid ko at pinagsisilbihan ako.
Pagkatapos kong kumain, tumambay na muna ako sa sala. May malaking flat screen TV naman ang ninong dito. Hindi pa naman ako inaantok kaya nanood na muna ako sa TV. Wala din namang saysay ang iPad at cellphone ko dahil walang internet o maski signal dito.
Napapanguso akong nakahilata sa mahabang sofa. Palipat-lipat ang chanel ng pinapanood ko at wala akong matipuhan. Hanggang madako ako sa isang paranormal story tungkol sa aswang na umaatake sa gabi!
Napalunok ako at pinanood ito. Naalala ko naman ang kwento ng mga katulong sa mansion. Kung saan may mga aswang daw sa mga liblib na probinsya. I don't want to believe that story. Pero base sa interview ng mga taong nakakita daw sa aswang ay totoo ang mga ito!
“Seriously? May mga aswang talaga?” I murmured. Kinilabutan akong napayakap sa sarili. “Oh my God. Wala naman sigurong aswang dito sa hacienda noh? Kahit liblib dito. . . mukha namang tao ang lahat ng nandidito.”
Para akong maiiyak na inabot ang solo blanket at nagkumot sa sarili. Nakakainis. Nababagot na nga ako dito e. Mag-aalala pa ako sa mga aswang na ‘yan! Tumatayo ang mga balahibo ko at hindi kayang panoorin ang palabas. Kaya inilipat ko ulit ang chanel sa isang c-drama.
“Gosh! He's so handsome!”
Napairit ako na nawala ang kaba nang si Xu Kai ang palabas sa c-drama! Kinikilig akong umayos sa pagkakahiga habang nanonood. Kahit paano, nawala na ang takot ko tungkol sa mga aswang na ‘yan. Napakagwapo kaya ni Xu Kai!
"Señorita, gusto mo ba ng tsaa?" nanay asked me.
"Sige po, Nay." I replied without looking at her.
Naka-focus ako sa palabas. Faling into Your Smile. It's a chinese drama at si Xu Kai ang leading man. Naramdaman ko naman si nanay na bumalik. May inilapag na tea sa mesa katabi ko.
"Uhm, señorita, inumin mo ito habang mainit-init pa ha?" she reminds me.
"Opo. Salamat, Nay." I simply answered.
Yumuko pa siya bago umalis kaya naiwan ulit akong mag-isa ng sala. Nanonood.
SIMON'S POV:
MAAGA akong umalis ng hacienda dahil marami akong naiwang trabaho sa office. Mapagkakatiwalaan ko naman ang mga tao sa hacienda. Alam kong hindi nila pababayaan ang inaanak kong naroon ngayon.
Si Jenny Madrigal.
Highschool best friend kami ni Noah Madrigal. Ang ama nito. Pareho kaming naging abala sa trabaho pagkatapos mag-aral kaya minsanan na lang kaming magkita.
Inabisuhan na ako ng kaibigan ko na sutil ang anak niya. Kaya niya ipinadala dito sa Davao para mapatino ko. He wants me to teach his daughter. Kung paano makisalamuha sa ibang tao at maging sa gawaing bahay. Mabait naman daw ang anak niya. Medyo maldita at maarte lang daw talaga.
Naiiling na lamang ako na dumating si Bell kanina dito. Ang isa sa mga katulong sa mansion. Nagsumbong ito na sinungitan sila ni Jenny kanina. Pinababa niya pa dito sa bayan ang katulong ko para lang ibili siya ng cake at kape!
"What's up, dude?"
"Hi, dude. How are you?" tanong ni Noah na tumawag sa akin.
Napahilot ako sa noo. Isinandal na muna ang likuran at nangangalay na ang katawan ko na maghapong nakaupo sa swivel chair ko dito sa opisina.
"As usual, maghapon sa opisina, dude." Sagot ko.
He chuckled. "Kumusta ang anak ko d'yan, dude? Hindi naman ba nagbibigay ng sakit sa ulo?" he asked.
Napangisi ako. Naiiling na hinihilot ang sentido.
"Actually, nagsisimula na siyang maging sakit sa ulo, dude. Damn, pinababa ba naman dito sa bayan ang katulong sa mansion para ibili siya ng kape niya at cake. Sinusungitan niya raw ang mga katulong ko, dude." Natatawang pagkukwento ko.
Napahagikhik naman ito. "Pasensiya ka na, dude. Mapapatino mo iyan. Spoiled kasi sila sa akin. Tingin ko naman ay mapapasunod mo siya lalo na't walang internet sa hacienda. Wala siyang ibang pagkaka abalahan doon," sagot nito na tiyak kong naiiling sa ugali ng anak niya.
"Maganda naman sa hacienda, dude. Hayaan mo, ngayong linggo lang naman ako tambak sa trabaho e. Pagkatapos nito, pwede na akong mamalagi sa mansion at doon na magtrabaho. Madadala ko pa si Jenny sa mga kalapit na hacienda dito para maipasyal ko siya at hindi mainip." Sagot ko.
"Pagpasensiyahan mo na talaga ang inaanak mo, dude. Malaki naman ang tiwala ko sa'yong mapapatino mo ang isang iyan. Subukan mo rin siyang turuan sa mga gawain d'yan sa farm mo, dude. Hwag mo siyang i-baby at baby na 'yan dito. Para naman matuto siya habang nand'yan siya sa poder mo," saad nito na bakas ang kaseryosohan sa boses.
"Walang anuman, dude. Hwag mo nang alalahanin si Jenny. Hindi ko naman iyon pababayaan dito e. Saka, walang mananakit sa anak mo dito. Kaya wala kang dapat ipangamba." Sagot ko dito.
"Salamat, dude. Salamat talaga."
PASADO alasdyes na nang makarating ako sa mansion. Tahimik na ang paligid at natutulog na rin ang mga trabahador.
"Naku, magandang gabi, Boss Simon. Gusto mo bang kumain?" bungad ni Manang Virginia sa akin na mapagbuksan ako ng pintuan.
"Magandang gabi rin po, manang. Okay lang ako. Magpahinga na kayo--"
Natigilan ako sa pagsasalita na mapansing nakabukas ang TV. May nakahiga sa sofa na mukhang nakatulog na.
"Si Jenny--"
"Opo, boss. Si señorita nga po 'yan. Naku, nakatulog na nga habang nanonood e. Mukhang hinihintay niya kayo. Tinanong niya kayo kaninang umaga at hindi na kayo naabutan. Ay, nagrereklamo po ang inaanak niyo, boss. Naku, maingay daw ang mga panabong mo. Nadidistorbo ang pagtulog niya. Gusto ngang ipaluto ang mga panabong mo e." Pagkukwento nito na ikinakurap-kurap ko.
Natawa ito na naiiling. "Alam mo boss, medyo maldita siya pero magalang naman siyang makipag-usap sa mga matatanda. Sa tingin ko, kaya nating patinuin ang isang iyan." Dagdag pa nito na tinapik ako sa balikat.
I smiled of what she said. Tiyak ko rin namang mabait na bata si Jenny. Dahil likas na mabait ang mga magulang nito. Kilalang humble at down to earth ang pamilya Madrigal. Kaya kahit nagsusungit si Jenny, nakatitiyak akong may mabuti itong puso.
"Sige po, manang. Ako na ang bahala sa alaga natin. Magpahinga na po kayo. Salamat sa pag-aalaga kay Jenny ha?" tugon ko na ikinatango at ngiti nito.
Lumapit ako sa gawi ni Jenny. I turned off the TV and lights. Napangiti ako na maingat itong kinarga.
"Uhmm," reklamo pa nito na nagsumiksik sa dibdib ko.
"Did you wait for me?" bulong ko habang paakyat kami sa hagdanan.
I smiled and kiss her on her forehead. Napalunok pa ako at bumilis ang t***k ng puso na ma-realized ang ginawa ko.
I kiss her!
Dinala ko ito sa kanyang silid. Maingat na ibinaba sa kama. Inabot ko ang kumot nito at kinumutan ito hanggang leeg. Naupo ako sa gilid ng kama. Napatitig sa maamo niyang mukha. Damn. Kung hindi ko lang siya inaanak e. . . liligawan ko siya.
"Goodnight, sleepyhead. Pasensiya ka na, late na naman akong nakauwi. Hindi tuloy tayo nagkakausap. Abala lang si ninong sa trabaho," bulong ko na hinaplos siya sa pisngi.
Kaagad akong nagbawi ng kamay na makadama ng kakaibang emosyong lumukob sa aking dibdib. Napalunok ako na nakamata ditong payapang nahihimbing.
"Damn. She's like an angel peacefully sleeping on my bed." I murmured.
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Tila may sariling pag-iisip ang kamay ko na muling inabot ito at magaang hinaplos ang malambot at makinis niyang pisngi. Para akong nahihipnotismo na yumukong hinagkan siya sa noo na ikinadilat ko at natauhan sa aking nagawa!
"Damn. What's happening to me?"