****** JERIC POV ******
Lahat kami halos hindi makagalaw halatang galit na galit talaga si Ms.Devon
"I said Kneel !!!!!"- galit na sabi nya kay Lady Marie
Hindi agad nakapag salita si Lady Marie dahil na din siguro sa takot
Sino ba naman ang hindi matatakot kung ganito magalit si Ms.Devon isama mo na din ang malaki nyang Oso na pweding kumain sayo Ano mang oras !!!
"Sa pag kakaalam ko ako Lang ang naging Thompson! Si miya ay mula parin sa Isla ng Devon!! At dahil devon parin ako, ako Lang May karapatan saktan sya !!! AT SINO KAYONG MGA THOMPSON PARA PAHIRAP AN NG GANITO ANG KANANG KAMAY KO!!!!!!!!"- galit na galit na sigaw ni Ms.Devon
Biglang ngumiti si Lady Marie
"Nasa Isla sya ng Thompson kaya malaya kaming gawin kung ano gusto namin sa kanya "- nakangiting sabi ni Lady Marie halatang inaasar nya si Ms.Devon
Huminga ng malalim si Ms. Devon halatang pinipigilan nya ang kanyang sarili
Tinuro nya si Lady Marie
At biglang lumapit ang oso nya kay Lady marie
Nanlaki ang aming mga mata
Napaatras si Lady Marie
"A-anong ginagawa mo!!! Ilayo mo sya sa akin !!"- sabi ni lady marie na halatang takot
Ngumiti si Ms.Devon
"Malaya ko rin gawin kung anong gusto ko "- she coldly said
"Isa akong maharlika!! Kapag May nangyari sa akin tapos na ang maliligayang araw mo sa Isla ng mga Thompson!"- sabi ni lady Marie
Magkakagulo nga kapag May nangyari sa kanya
Siguradong hindi palalampasin ni Master Jake!
"Luhod "-sabi ni Ms.Devon
"Mas mataas ang posisyon mo sa akin bilang lady pero hindi parin sapat para luhodan ka!!! Kailangan muna maging lord ni Logan!!!" -galit na sabi ni Lady Marie
Kapag naging lord na si logan magiging mas mataas na sa lahat ang pagiging Lady ni Ms.Devon pero dahil hindi pa hindi muna sya pweding luhodan ng ibang Lady ng isla ng Thompson
Palapit na ng palapit ang oso ni Ms.Devon
Agad na tinutok ni Lady Marie ang b***l nya sa oso
"Papatayin ko sya !"- sabi ni lady Marie
Agad na sinugod sya ng oso kaya agad nyang nabitawan ang b***l
Biglang nilabas ng mga taohan ni Lady Marie ang kanilang b***l at agad na tinutok sa Oso at mabilis na binaril ang Oso
Nanlaki ang mata ko ng biglang tumalon si Ms.Devon at mabalis na nilabas ang kanyang KATANA na laging nakadikit sa likod nya at mabilis na sinalo ang bala gamit ang katana na tatama sana sa oso..
Agad na Napatingin si Ms.Devon kay Miya
Parang nag uusap ang kanilang mga mata
Agad na tumango si Miya at mabilis na nilatigo ang mga kamay ng taohan ni Lady Marie dahilan upang mabitawan nila ang kanilang baril
Tumingin si Miya kay Ms.Devon na parang nag uusap nanaman ang kanilang mga mata
Tumango si Ms.Devon
Kaya mabilis na nilatigo ni Miya ang mga taohan ni Lady Marie
Napatingin si Ms.Devon kay Lady Marie habang nakapatong sa kanya ang Oso
Halatang takot na takot si Lady Marie
Halos hindi makagalaw sa takot si Lady Marie habang nakatingin sa oso
"Ms.Devon Tama na "- matapang na sabi ko
Napatingin sa akin si Ms.Devon
Parang pinagpapawisan na yata ako
" Ito na ang huling besis na saktan mo ang isa sa mga sinasakupan ko "- sabi ni Ms.Devon
Kay lady Marie
"Mr.Blacky come to mommy "- sabi ni Ms.Devo n sa oso
Ehhh??? mommy????
Blacky?? Brown ang kulay e?
Tapos Mr.??? Diba babae yung oso nya ???
Minsan talaga baliktad ang utak ni Ms.Devon
Lumapit naman ang oso kay Ms.Devon
Nagulat kami ng biglang tinutok ni lady Marie ang b***l nya kay Ms.Devon
Pero mabilis na nilatigo ni Miya ang kanyang kamay para mabitawan nya ang b***l at sabay sipa sa Tuhod ni Lady Marie dahilan para mapa Luhod sya
Ngumiti si Ms.Devon
"O diba madali Lang ang lumuhod "-nakangiting sabi ni Ms.Devon
Napatingin kami sa pinto ng biglang bumukas
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung sino ang dumating
Lagot na
"What happened here "- Cold na pagkakasabi ni Master Jake
Napatingin si Master Jake kay Lady Marie na naka luhod sa harap ni Ms.Devon
Naku!!!!!!
"Stand up " - sabi ni master Jake kay Lady Marie
Agad naman na tumayo si Lady Marie
"Jake "- tawag ni Lady Marie na parang umiiyak at nag papaawa
"Gusto ko Lang naman parusahan ang kanang kamay nya dahil binangga nya ako ng malakas pero tung si Young Lady kiana ito agad ang ginawa sa akin at sa mga taohan natin.... At -at s*******n nya akong pina luhod sa kanya hindi nya na ginalang ang pagiging Lady ko sa Isla na to !!!"- umiiyak na sabi ni Lady Marie
Sus ! Nilatigo mo Lang naman ang kanang kamay nya !!!
Biglang nandilim ang mukha ni Master Jake
Patay na..
Mabilis na lumapit sya kay Ms.Devon at hinawakan ng mahigpit ang Braso ni Ms.Devon
Nakatingin Lang sa kanya si Ms.Devon ng Seryoso
Tinulak sya ng malakas ni Master Jake at sabay tutok ng b***l nya kay Ms.Devon
Lalapit sana ang Oso ni Ms.Devon ngunit mabilis na binaril ni Master Jake ang Oso
"Mr.Blacky!!!!"- sigaw ni Ms.Devon
Agad tumayo si Ms.Devon at mabilis na nilabas ang katana nya ngunit mabilis na sinipa ni Master Jake ang kamay nya
Biglang dumilim ang mukha ni Ms.Devon
"Miya Tumawag ka ng Doctor para gamotin si Mr.Blacky "- malamig na sabi ni Ms.Devon kay Miya
"Kapag namatay ang Oso ko ano kaya ang magiging kapalit???? Kakayanin nyo kaya ang galit ko??"- malamig na sabi nya
Hindi nagsalita si Master Jake naka tutok parin ang b***l nya kay Ms.Devon
"Bitiwan mo ang b***l mo "- biglang sabi ni Logan
Logan???
Double Dead na talaga
Napatingin si Ms.Devon sa kanya kaya agad na kuminang ang mga mata ni Ms.Devon
Tsk!!!
"Babe!!! Huhu inaapi nila ako dito!!! Binaril nya ang Oso ko huhu Babe help me babe baka mapatay ko ang kapatid mo huhu "- parang bata na sabi nya
Ikaw talaga Ms.Devon !!!
"Bitiwan mo ang b***l mo "- warning na pag-uulit ni Logan
Malakas si Master Jake pero hindi nyo Lang alam kung Gaano kalakas si Logan
Minsan na sila naglaban at natalo ni Logan si Master Jake at dun ako nag umpisang matakot kay Logan
Mabait Lang talaga si Logan kaya hindi nya talaga pinapakita kung ano ang kaya nyang gawin ayaw nya ng g**o
Binitiwan ni Master Jake ang b***l nya
"Wag na wag na ulit kayong tatapak sa mansion ko "- malamig na sabi ni Master Jake
Lumapit si Logan kay Ms.Devon
"Tara na "- sabi ni logan sabay hawak sa kamay ni Ms.Devon
********KIANA POV*******
Kung hindi dumating si My Loves baka mapatay ko lahat ng Tao sa Mansion ng Marie nayun!!
Hmmmp!! Naiinis talaga ako sa mag asawa na yon !!!
Nakatingin Lang ako kay logan habang hila nya ang kamay ko
Bigla akong napahinto
Kaya Napatingin sya sa akin
"Si Mr.Blacky!!!"- sabi ko
"Wag kang mag alala pinatawag ko na ang taohan natin para kunin ang bangkay nya "- sabi nya sa akin
Tiningnan ko sya ng masama
"Hindi pa patay ang Oso ko!! Ayusin mo ang pananalita mo logan!!!!"- inis na sabi ko
Narinig ko ang pag tawa nya ng mahina
Pinitik nya ang Noo ko
"Ilang araw ka palang dito sa Isla puro g**o na ang binigay mo sa akin ! Haist!"- sabi nya
Sumimangot ako
"Kasalanan ng Marie na yun !"- inis na sabi ko
"Tsk... Isa kang Thompson kaya bawas bawasan mo ang ugali ng isang Devon pahalagahan mo din ang Taohan ng mga Thompson "- sabi nya sabay lakad ulit
Bigla akong napa isip...
Napatingin ako kay Logan dahil ang layo nya na
"Babe wait!!!!"- sigaw ko
*******
" Aray Young lady masakit!!"- Daing ni miya
Ginagamot ko kasi ngayon ang sugat nya
"Ah talaga?? Masakit ba?"- sabi ko sabay diin ng gamot
"Araaaay huhu Young Lady "- halos maiyak na sabi nya
Tsk
"Kung hindi kalang sana lampa hindi mo sana nabangga ang Bruha na yun!!!"- sabi ko sa kanya
Sumimangot sya
"Kung hindi ka tumakas sa amin hindi sana kita hahanapin at hindi ko mababangga ang bruha na yun "- sabi nya
Diniinan ko lalo
"Sumasagot ka pa!"- sabi ko sabay Diin
"Araaaaaaaaaaaaay huhu "- Daing nya
********
Gabi na
Pumasok ako sa kwarto namin ni Logan habang hawak ang gatas na tinimpla ko para sa kanya
Napatingin sya sa akin
"Babe o "- sabi ko sabay abot ng gatas
Nakatingin Lang sya sa akin ng Seryoso
"Wala na akong tiwala sayo baka Ano naman ang nilagay mo dyan "- sabi nya
I pout
"Napaka Judgemental mo !"- naka simangot na sabi ko
"Akin na nga !"- sabi nya
Yiiiii...ngumiti ako sabay abot ng gatas
"Kung pwedi Lang iwasan mo Si Kuya at si Lady Marie wag kana ulit makipag away sa kanila "- sabi nya
Tsk
Anong akala nya sa akin ? Isang bata na nakikipag away?
Wag Lang nila akong uunahan dahil hindi ko na palalampasin
Tumango nalang ako para wala na syang masabi
Ilang minuto muna ang hinintay ko bago nag tagumpay ang plano ko sa kanya
Biglang napa hawak si Logan sa Ano nya ..Bwahaha
Napatingin sya sa akin ng masama
"Ano nanaman ang nilagay mo !!!"- galit na parang hirap na hirap na sabi nya
Yeeeees!!!!!!
****FLASHBACK****
"Young Lady !!! Ano nanaman to !!!ayaw ko !!!!hindi nyo ba nakikita !! Ang dami kong sugat nanghihina pa ang katawan ko !!"- pagrereklamo nya
Tiningnan ko sya ng masama
"Ano ba miya !! Kaya mo na !! Sige na pumunta kana sa Black Island at bilhin mo na ang pinapabili ko !!"- inis na sabi ko
Padabog na umalis sya
Pagkatapos ng ilang oras bumalik na din si miya habang nakasimangot
"O !! Ayan na !! Nilapastangan mo ang pagka babae ko !!"- sabi nya sabay abot ng gamot
Gamot Lang naman na pangpagana sa Kama ..Yeees Sir!!!!!!hahaha
Gamot na nakakagalit!!! Yesss Sir!!!
Gamot na hindi nya kayang pigilan!!!Yess Sir!!!
Gamot na magbibigay ng Tagapag mana nya !!! Yess Sir !!!
"Kapag pumasok na ako sa kwarto Siguradohin mo na hindi kami makakalabas "- sabi ko
Tumango si Miya
"Fighting!"- sabi nya
Kaya ngumiti ako
"Fighting!!"- sabi ko din
** EnD of FLaSHBACK **
"Ang Ano ?? Wala akong nilagay sa gatas mo "- sabi ko
Lumapit ako sa kanya
"Galit ka ba ?? Minsan kailangan mo din I labas ang sama ng Loob mo babe "- sabi ko sabay lapit sa kanya
"Wag kang lumapit !"- sabi nya sa akin
Kaya mas lalo akong ngumiti
Kumindat ako sa kanya sabay kagat sa aking labi
"Come to me baby "- sabi ko sabay patong sa kanya
"Kiana!!!"- hirap na hirap na sabi nya
Ngumiti ako at sabay halik sa labi nya at hindi nag tagal gumanti na din sya ng halik sabay ikot Para sya na ang nasa ibabaw ko
Yeeeesss Sir!!!!!
Hinalikan nya ang leeg ko kaya agad na napapikit ako .. This is it!!!!!
Bigla akong napadilat ng May naramdaman ako kaya mabilis na tinulak ko si Logan
"Why???"- nagtatakang sabi nya
Mabilis na pumasok ako sa CR at tiningnan ang dapat tingnan
Waaaaaaaa!!!!! Magkakaron pala ako ngayon!!!
Sinampal ko ang sarili ko !!!!
"Bakit mo nakalimutan na magkaka regla ka pala ngayon?!!!"- sabi ko sa sarili ko sabay turo sa salamin
Nagulat ako ng May kumatok sa pinto ng CR
Kaya binuksan ko ng kunti ang pinto
"Hehe Babe meron pala ako ngayon "- sabi ko sabay mabilis na sinara ang pinto
Huhu..... Noooooo Sir?!
"KIANA!!!!!!!!!!!!"- Rinig kong sigaw nya na parang hirap na hirap
Huhu....Mukang dito ako matutulog sa CR ngayon
***** MIYA POV*****
Narinig ko ang pag sigaw ni Young master
Sa wakas nag tagumpay na din Si young lady
"Anong ginagawa mo sa harap ng kwarto ni logan?"- biglang tanong ni Jeric sa akin
Tinaasan ko sya ng kilay
"Wala kang paki alam!"- pagtataray ko
"Teka? Diba dapat Ikaw yung tanongin ko kung bakit ka nandito ng ganitong oras???"- Tanong ko sa kanya
Bigla syang May inabot
"Gamitin mo ang gamot na yan upang mapabilis ang pag galing ng sugat mo "- sabi nya sa akin sabay abot ng gamot
Napatingin ako sa kanya
Hindi pa pala ako nagpa pasalamat sa ginawa nya sa mansion ng Bruha
"Salamat.....Salamat din sa ginawa mo kanina "- sabi ko
Napakunot ang Noo nya
"Ha ??? Hindi naman para sayo yun e para yun sa Isla dahil Siguradong hindi palalampasin ni Ms.Devon ang Isla nato kapag may nangyari sayo "- sabi nya
Kaya biglang umusok ang ilong ko
"Ah ganon ba !!! Sige sayo na Yang gamot mo "- sabi ko sabay alis
Hayop na yun !! Pahiya ako dun ah
******
Kinabukasan
Nakita ko si Young Lady na nakasimangot
"Young Lady congrats sa Mission mo "- sabi ko
Huminga sya ng malalim
"Meron pala ako kagabi "- sabi nya
Natawa ako kaya tiningnan nya ako ng masama
"Ah meron pa naman next time diba "- sabi ko
Umiling sya
"Huhu wala nang tiwala si logan sa akin yung pagkain na nilito ko hindi nya kinain kahit Anong ibigay ko ayaw nyang tanggapin at Huhu ayaw nya akong makita!! Iniiwasan nya nanaman ako "- halos maiya na sabi nya
Tumawa nanaman ako kaya tiningnan nya nanaman ako ng masama
"Kamusta na si Mr.Blacky??"- tanong nya sa akin
"Ok na sya Young Lady "- sagot ko
"Mabuti naman dahil kung hindi baka Ano pa ang magawa ko "- sabi nya
Ngumiti ako kay young lady
"Kailan po tayo babalik ng Isla ng Devon upang mag bigay respeto sa mga magulang nyo "- Tanong ko kay young lady
"Hindi ko alam kay logan "- simpleng sagot nya
Halatang wala talaga sya sa Mood
Napatingin kami sa mga Taohan ng bigla silang lumapit
"Young Lady pinapatawag kayo sa mansion ng lord"- sabi ng isang taohan
Tumango si Young Lady at sumunod sa mga taohan upang pumunta sa mansion lord
********
Nandito kami sa mansion ng lord habang nakaluhod
Nandito din ang Bruha at Si master Jake na naka luhod din
Habang magkatabi din naka luhod si Young lady at Young master habang ako ay nasa likod nila
"Nabalitaan ko ang nangyari sa mansion ni Jake....Lady Marie hindi natin taohan ang kanang kamay ni Young Lady kiana Para parusahan mo nang ganon at Young Lady Kiana nasa Isla ka ng Thompson kaya matoto kang respetohin ang mga batas dito Ikaw magiging Susunod na Lady dito kaya matoto kang sumunod sa patakaran dito "- seryosong sabi ng lord
Napatingin ang lord kina master Jake at Young master
"At kayong dalawa pangaralan nyo ng mabuti ang inyong mga asawa "- sabi ng lord sa kanila
"At dahil bago palang dito si Young Lady kiana hindi ko muna paparusahan at kay Lady Marie naman Ito ay huling warning ko sa iyo...pwedi na kayong tumayo"- sabi ng lord
Tatayo na sana kami ng biglang May nag salita
"Luhod!"- seryosong sabi ng matandang babae
"Grandma?"- Rinig kong bulong ni young master
"Ma?? Kailan ka pa dumating?"- nagtatakang tanong ng lord
Tiningnan sya ng masama ni Grandma raw
" Nag bakasyon Lang ako ! At pag balik ko ipinakasal mo na ang tagapag mana ng Isla nato!! At ilang araw palang nandito ito agad ang nangyari! "- galit na sabi ng Ina ng lord
Tiningnan nya ng mabuti si young Lady
"Itsura palang halatang ikaw ang magdadala ng g**o sa Isla namin!"- Galit na sabi nya kay young lady
Hindi nag salita si Young Lady
"Ma mabait naman na bata si Young Lady kiana bagohan palang sya kaya hindi pa sya sanay sa patakaran natin "- biglang sabi ni Lady Fatima
"Isa ka pa !!! Isa ka rin sa mga lumalabag sa batas ng Isla!! Hindi ko akalain na mamanahin pala ni Logan ang kanyang Ama!! Mag aasawa rin ng sakit sa ulo!!!!"- sabi ng Ina ng lord sabay tingin naman kay Lady Marie
"Bakit Hindi nyo gayahin si Lady Marie!!! Ganito dapat ang ugali na isang Lady ng Thompson!...Tumayo na kayo ni Jake Lady Marie "- sabi ng Ina ng lord
Agad na tumayo si Master Jake at Bruha
Kung ganyan Lang din naman ang ugali ng Lady ng Thompson..Wag nalang!! Baka sya pa ang magiging dahilan ng pag bagsak ng isla nato
"Nasa Isla kayo ng Thompson kaya Devon kaman o Thompson kailangan nyong sundin ang mga patakaran dito!! At sa ayaw at sa gusto mo wala kayong magagawa kung paparusahan namin kayo o hindi!!!!"- galit na sabi nya
Nakakainis!!
"Hindi ko palalampasin ang ginawa ng asawa mo Logan!! .....ikulong nyo sya ng tatlong araw sa Gubat!!!!"- sabi ng Ina ng lord
Nanlaki ang mga mata namin
"Ma!"- galit na sabi ni Lady Fatima
"Ako parin ang May pinaka mataas na posisyon dito kaya sundin nyo ang utos ko !!!"- sabi nya sabay alis
Agad naman kinuha si Young lady ng taohan upang ikulong sa gubat
"Wag kayong mag alala young Lady pupuntahan ko kayo mamaya "- bulong ko sa kanya
Napatingin ako kay young master dahil hindi man lang nagsalita
Hahayaan nya nalang bang makulong doon nang mag isa ang Young Lady ko !!!!
*******KIANA POV****
Nandito ako ngayon sa gubat habang naka kulong sa isang kulongan na halos wala man lang ako makita
Huhu ..Tatlong araw akong makukulong dito????!!
Gusto ko sana mang laban ngunit naalala ko sinabi ni logan
Isa na pala akong Thompson kaya wala akong magagawa kundi sundin ang patakaran nila
Ilang oras na ako dito pero hindi parin dumating si miya akala ko ba pupuntahan nya ako dito?!
Napatingin ako sa pinto dahil parang May bumubukas
Sabi ko na nga ba hindi ako hahayaan ni miya e
Pag bukas nakita ko agad si Miya
"Young Lady "- sabi nya sa akin
Ngumiti ako sa kanya
"Sasamahan mo ako dito?"- nakangiting sabi ko
"Ha??? Sasamahan pa ba kita young Lady ??? Akala ko dadalawin Lang kita e ...dinalhan kita ng unan at kumot tapos mga pagkain mo tapos ilaw mo dahil wala daw ilaw dito "- sabi nya sa akin
Tiningnan ko sya ng masama
"Hindi mo ako sasamahan?"- Tanong ko
"Young Lady huhu hindi pa magaling ang sugat ko kaya hindi pa kayang tanggapin ng katawan ko ang panibagong parusa pero wag kayong mag alala bukas ok na ako bukas pwedi ko na kayong samahan at tanggapin ang parusa pagkatapos "- sabi nya
Sumimangot ako
"Alis!"- sabi ko
"Ehhh!! Young lady naman e !!"- sabi nya
"Alis sabi !!"- galit na sabi ko
Kaya mabilis na umalis sya
Tsk.miya !!!
Napangiti ako dahil bumukas ulit ang pinto
Sabi na e hindi ako matiis ng miya ko ..
Nanlaki ang mga mata ko
"Babe!!"- nakangiting sabi ko kay Logan
"Itatanan mo na ba ako ??"- nakangiting tanong ko
Pinitik nya ang Noo ko
"Asawa na kita kaya bakit pa kita itatanan?"- sabi nya
Bigla akong namula
"So sasamahan mo ako dito?"- nakangiting tanong ko
"Hindi "- sagot nya
Sumimangot ako ..Tsk wala kang pinag kaiba kay Miya!!
Napatingin ako sa kanya ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko
Sabay hila sa akin palabas
"Young master hindi po pweding lumabas si Young lady "- pag pipigil ng Taohan
Napatingin si Logan sa akin at mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko
"Tara Takbo!!!!"- sabi nya sabay hila sa akin at mabilis kaming tumakbo
Habang hinahabol kami ng mga Taohan
Napangiti ako .....