Ang Isinumpang Diwata Veras P.O.V. "Veras? Ano i-ito?" Sabay kaming napalingon ni Sergio sa likurang gawi namin at nakita ko sila Deseo at Lujuria. Nagtataka ang kanilang mga itsura at hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Habang ako naman ay biglang nanlamig at agad lumukob sa buo kong katawan ang takot at pangamba. Agad kong hinawakan nang mahigpit sa braso si Sergio upang protektahan ang lalaki sa anumang mangyayari. "Veras? Anong nangyayari? Sino sila?" nagtataka na tanong ni Sergio sa akin. "Paano mo ito nagawa Veras? Nagtaksil ka? Alam mo ba ang kabayaran sa ginawa mong 'to?!" galit na tanong ni Deseo sa akin. Sa ilang taong pagiging magkaibigan namin ay hindi ko pa nakita kung paano magalit si Deseo. Masyado siyang mabait at mapagkumbaba. Lagi-lagi lamang ngumingiti

