CHAPTER IV [A Great Tease]

1852 Words
SANTILLIAN SERIES "Unseen Love" [Gabrielle Santillian]     DOORBELL sa unit n'ya ang nagpahinto ng kanyang ginagawa, naghihiwa s'ya ng salad ng oras na iyon, kaya hawak pa nya ang bowl ng salad at kutsilyo, wala naman syang inaasahang darating maliban sa matalik na kaibigang si Arthur. Ni hindi na nga nya pinag-abalahang silipin at tingnan kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan, binuksan nya lang iyon at sabay tumalikod.   "Ilock mo muna ang pintuan, pakibaba na rin ng mga papeles sa table at sumunod ka sa kusina, pinagluto kita. Kailangan mo akong damayan sa kalungkutan ko ngayon. Ang walang hiyang Gabrielle na iyon matapos akong paasahin tapos ganito lang pala ang kahihinatnan ng lahat! Matangkad lang naman sa akin ang nakita nya at kulay mais ang buhok ah pero sa ganda, mas lamang naman ako doon. Nakakainis s'ya Arhur I hate him! Athur ba't--?" Paanong nangyari na si Gabrielle ang nasa harapan nya ngayon?   "Anong ginagawa mo dito? Si Arthur?! Narinig mo ang mga--?" Halos sunod-sunod na naitanong ni Brice at nakatingin naman sa kanya si Gabrielle.   Her natural beauty, naka ponytail lang ang buhok nito na sabog-sabog pa ang ilang buhok sa mukha, wearing a shorts with spagetti strap sleeveless, ang pawis nitu sa leeg na animo'y kasing bango ng fresh cologne scent, at ang maamo nitong mata pati malalantik na pilik mata. She's totally a goddess of real beauty. Pero hindi naman sa ganoon tumitingin si Gabrielle. Waveryly is a good and educated woman na syang nagustuhan nya, simple at malambing kaya mahal nya eto. Parang natulala sya sa mga pinagsasabi ng kababata nya. May sama nga ng loob eto sa kanya.   "I ask Arthur na ako nalang ang magdadala ng mga papeles na kailangan mo, I just wanted to talk to you na rin kase. Ayokong magalit ka sa akin." Panimula ni Gabrielle. Sa sinabi nito tila naman nailang si Brice.   Totoo umasa sya at totoo na labis-labis ang sakit na kanyang nadarama ngayon, kinalimutan at binaliwala nalang nito ang pangako. Kung para sa lalaki isa lang biro iyon, sya isinumpa na nya sa sarili na si Gabrielle ang kanyang mapapangasawa noon pa man.   "Anong sasabihin mo?" Si Brice na bigla namang nagseryoso ng oras na iyon.   "Brice mga bata pa tayo noon, at hindi pa natin alam ang mga pangyayari at gusto natin, ikaw ang kaibigan ko diba dapat ikaw ang makakaunawa sa akin, mahal ko si Waverly and soon magpapakasal na kami." Gabrielle pause for a while at tinatansya nya kung anong reaksyon ng kaibigan. "Wala akong obligasyon na magpaliwanag, but I admitted I feel like I'm guilty. Pero hindi ka naman talaga umasa sa pinangako ko diba? Kase isip bata pa tayo noon, and I'm hoping also na magkaroon ka ng sarili mong lovelife." Again Gabrielle pause parang may mali ata sa sinabi nya.   "Maari ka ng makaalis. Kagaya ng sinabi mo wala kang obligasyon so alis na, ngayon na Gabrielle Santillian!" Ngunit di naman natinag si Gabrielle.   "Alis sabi eh!" She's out of control. Patong-patong na atraso ng Gabrielle nato sa kanya. Umiling-iling nalang si Gabrielle at lumabas naman ng unit ni Brice.     Hinayaan nalang muna ni Gabrielle ang kaibigan, pasasaan ba at lilipas din naman ang galit nito sa kanya. Pero si Brice instead na magmukmok at isipin ang lahat, she stand at mas inayos nya ang sarili. Edukada din naman sya ah, at maganda at mas lalo pa syang gaganda ngayon lalo na at nakita na nya ang kanyang inspirasyon. "Di pa naman sila kasal kaya may chance pa sya kay Gabrielle" iyon ang nasa kanyang isipan.   ***   Habang papasok sya ng Building ng mga Santillian, taas noo ang kanyang lakad, wearing her three inch heels and mini skirt office suit. Nag-iba sya ng taste ngayon sa pang opisina nyang attire, kung dati eh beloe the knee ang kanyang palda mas umiksi pa ngayon ng apat na pulgada, she want to be sexy in front of Gabrielle.   "Good morning Ma'am! Mukang inspirado tayo ngayon ah." Puna sa kanya ni Elena head ng accounting.   "Konte lang, for a change, medyo napag iiwanan na daw kase ako." Ganting biro naman ni Brice.   "Ay naku pak na pak ang ganda nyo Ma'am, isa pa maganda naman talaga kayo eh, kahit nga na basahan ata ang isuot nyo lilitaw pa rin ang ganda nyo." Papuri ng dalaga ding si Elena.   "Naku mukang may urgent kang kailangang papirmahan kaya binobola mo ako." Nagkatawanan pa silang dalawa.   Papunta na ng meeting si Elena habang si Brice sumaglit lang sa opisina may kailangan kase syang ipakita pa kay Gabrielle bago eto magpunta sa meeting.   "Good Morning sir!" Bati nya dito ng pormal, na tila ba walang nangyari ng nagdaang araw.   Di naman agad nakasagot si Gabrielle, nakatingin sya sa bagong dating na si Brice. Parang iba ata ang awra nitu kumpara kahapon, she's really hot today, eto ang naglalaro sa kanyang isipan. A red lipstick, wearing a mini skirt, but suit on her fit and her coat, mabuti nalang at hindi nakalitaw ang kanyang leabage.   "Good morning." Tipid namang tugon ni Gabrielle na sinundan pa nito ng tingin ang dalaga ng maupo sa kanyang upuan.   Hindi naman lingid kay Brice ang mga titig ng kababata sa kanya ngayon, kaya ng tumalikod sya bahagya pa syang nangingiti sa klase ng titig ni Gabrielle sa kanya, she doesn't care kung anong iisipin ng lalaki sa kanya, basta para sa dalaga gusto nya ang mga titig sa kanya ngayon ni Gabrielle.   "Are you ready, kailangan na natin magtungo sa meeting." Sabay tumayo si Brice at lumapit eto sa table ni Gabrielle. "Here are some files, kailangan mo yan kapag nag present ka ngayon, siguro naman eh nabasa mo na ang iba pang kailangan mo para ngayong umaga. After the meeting I'll give you all the schedule na kailangan mo." Mahabang paliwanag ni Brice habang inaabot nito ang files.   "Okay. Let's go.'' Iyon lang ang sinabi ni Gabrielle at nagpatiuna na etong tumayo.   Natatawa naman si Brice sa inasal ng kababata, di nya malaman tuloy ngayon kung may ketong ba sya at nilalayuan sya nito.   "Tingnan natin Arielle kung hanggang saan mo kaya akong iwasan!" Nakangiti din namang turan sa sarili ni Brice sabay kinuha nitu ang bag nya at iba pang papeles na kakailanganin nya.   Sa pagdating ni Gabrielle ng Pilipinas trabaho ang kanyang inasikaso, ang kanilang negosyo ang pinagtuunan nya ng pansin, sa bawat araw na lumilipas palaging si Brice ang nakakasama nya at madalang din naman ang pagkikita nila ni Waverly, nauunawaan naman ni Waverly ang nobyo sa pagiging abala nito, at kapag sya naman ang may panahon dinadalaw naman nya eto sa unit kapag walang pasok. Sa cellphone naman sila madalas na nag-uusap na magkasintahan. Ang pagkakaibigan nina Brice at Gabrielle mas yumabong, ngunit para kay Gabrielle kaibigan lang ang turing nya kay Brice, pero ang dalaga hindi pa rin naman eto nawawalan ng pag-asa na madudugtungan ang kanilang naputol noon lalo na at sila naman ngayon ang palaging magkatabi.   "Darating si Mama from state, and may maliit na salu-salo sa bahay nina Papa, you can come If you're free." Anyaya naman ni Gabrielle dito.   "Subukan ko, sinabi na rin naman sa akin ni Ninong kaya lang may lakad kase ako sa araw na iyon, but if possible on my schedule I'll try, if not makikipagkita nalang ako kay ninang some other time.." Tugon naman ni Brice.   "Okay. Ihatid na kita now, sira ang sasakyan mo diba?" Pagmamagandang loob naman ni Gabrielle.   "Sige okay lang, gusto mo ako ihatid eh, alangan naman tumanggi pa ako." Nakangiti namang tugon ni Brice.   Habang nasa daan papuntang unit ni Brice, panay pa rin naman ang kwentuhan nila kahit na palagi naman sila nagkikita, but mostly works ang pinag-uusapan nila. Nang makaramdam ng gutom ang binata, huminto muna sila sa isang fastfood chain. Nagulat pa si Brice ng nagnamiobra pabalik si Gabrielle na para bang may nakita etong kung ano. Sinundan naman ni Brice ang mga tingin ni Gabrielle kung saan iyon, dalawang tao ang nakita nyang tinutumbok ng mata ni Gabrielle isang babae at isang lalaki. Nakayakap pa ang babae sa lalaki habang si lalaki panay naman ang himas sa bandang pwetan ng babae. Nakatalikod ang babae kaya naman hindi mamukhaan ni Brice. Pero si Gabrielle ng makita nya eto tila nanlilisik ang mga mata ng binata nag-aapoy sa galit.     Naka kunot ang noo ni Brice ng umalis sila doon sa lugar na iyon, walang imik si Gabrielle at mabilis na pinaharurot ang sasakyang, at huminto sila sa isang open bar malapit sa may Makati bay, hindi sya hinatid ng lalaki sa kanyang unit. Pero galit si Gabrielle nakikita nya iyon sa muka nito, ng makita nya ang dalawang taong magkayap na iyon doon nagsimulang magbago ang mood ng lalaki.   "Anong gagawin natin dito?" Tanong naman ni Brice sa lalaki.   "Samahan mo lang ako, umiinom ka naman di ba? Di samahan mo na rin akong uminom. Kaibigan kita so obligasyon mong damayan ako ngayon." Wika ng binata sabay senenyasan nito ang waiter na lumapit sa kanila.   "Oo umiinom ako pero kapag may pasok kinabukasan hindi. Mauna nalang ako sayo umuwi." Sabay tayo naman ni Brice ngunit, hinila agad ni Gabrielle ang kamay nitu kaya balik sya sa kinauupuan nya kanina.   "Maupo ka nalang muna sabi." Mahina lang iyon ngunit madiin naman ang utos nito.   "Sige na nga mapilit ka eh.. Ano ba kaseng problema mo?" tanong naman ng dalaga sabay hila ng plato ng hiniwang prutas.   Hindi naman sinagot ni Gabrielle kaibigan. Habang pinapanood ni Brice ang lalaki na sunod-sunod ang tungga ng alak nitu, napapainom na rin tuloy sya, tahimik lang si Gabrielle habang umiinom, na kinaiinis naman ni Brice dahil muka syang tanga na pilit iniisip kung ano talaga ang tumatakbo sa isipan ng lalaki.   "Hay mabuti nalang at umiinom ka kundi mapapanis ang laway mo dyan. Para tayong mga uhaw sa alak nito mga naka pang opisina pa tayo tapos nandito tayo sa labas umiinom." Si Brice muli ang nagsalita. Ngunit tahimik lang si Gabrielle.   Nakakarami na sila at namumula na rin ang binata, mukang tinamaan na ata eto nagsasalita na at bumuka na ang bibig, napatawa pa tuloy si Brice sa isiping nagiging madaldal pala eto kapag naka inom na. Minsan pa tinawag ng binata ang waiter para umorder uli ng inomin nila ngunit sya na ang tumanggi at pinigilan ang waiter.   "Kailangan na nating umuwi, may pasok pa tayo." Wika naman ni Brice.   "Ayos lang noh, tayo ang boss don kaya walang problema." Tugon naman ni Gabrielle.   "No. Let's go home. Ako nalang ang magmamaneho." Tumayo na rin si Gabrielle para pigilin ang dalaga, ngunit si Brice ang magdadala sa kanilang dalawa, mas maraming nainom si Gabrielle kumpara sa kanya.   "Brice inom pa tayo. I want to forget everything, just now." Ngunit inaalalayan na ni Brice ang binata sa sasakyan nagpatulong din sya sa gwardya para ihatid sila sa sasakyan dahil mabigat ang binata.   Nang nasa loob na ng sasakyan si Brice, hindi naman nya alam kung saan ang condo ni Gabrielle kaya nagdisisyon syang sa mansyon nalang ng mga Santillian nya dadalhin eto.     ¤¤¤¤        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD