Announcement

2703 Words
Magmula noong kung ano-anong nangyari sa buhay ko ay nakalimutan ko na mamuhay sa sarili kong buhay. I mean, hindi ko na nagagawa ang mga bagay na madalas kong ginagawa dati. Ang pumasok sa school, magpinta at magsulat ng mga kwento. I really really miss to do the things I used to do before. Ngayong bumalik na ang lahat sa normal, malaya na akong gawin ang mga bagay na iyon. "Beshie! nandyan na sila!!" In excitement, muntikan ko pang maikalat ang pintura sa canvas. nagpipinta ako ngayon ng bulaklak. May nag order kasi sa akin. It's a sunny day. Tahimik ang paligid at perpekto para gawin ang lahat ng mga kailangan kong gawin. at bukod pa dyan, simula sa araw na ito, dito na maninirahan kasama ko ang pamilyang kumupkop sa akin. Lumabas ako sa isang silid na ginawa ko na na art studio. Tumakbo ako papuntang sala para salubungin sila. "Ma, pa, Brianna!' masigla ko silang niyakap isa-isa at hinalikan sa pingi. "Na-miss ko kayo! kumusta na?' I am so happy. Thanks kay kuya dahil sa kanya mismo itong ideya. napansin nya kasing medyo tumatamlay ako these past few days. "Wow ate! totoo nga ang sabi ni ate Vica na ang ganda ganda at ang lawak nga ng mansyon mo!" tuwang tuwang pinagmasdan ni Brianna ang paligid "Kaya lang ate, anyare dun sa fountain?" "Ahm.. long story" "Ma, pa, dito ang kwarto nyo. mag pahinga na kayo at wag kayong mahiyang magsabi kung may kailangan kayo" ipinasok ng dalawang tauhan ang mga kagamitan nina mama at papa sa loob ng isang kwarto na good for couple kung saan nasa 2nd floor. may malaking bintana na matatanaw ang magandang tanawin sa labas at may kama na kulay blue. mapresko sa loob ng kwarto at halos kulay asul lahat ang makikita. pinili ko talaga itong kwartong ito para sa kanilang dalawa dahil according to the psychologists, napapanatili ng color blue ang blood pressure ng tao. may malaki ring cabinet na may ilan ng mga damit para sa kanila at bookshelf na kasing taas ng cabinet na naglalaman ng ibat-ibang klase ng libro, newspapers at magazines na magugustuhan nilang basahin. "Sundan mo ako Brianna. ituturo ko naman sayo ang kwarto mo na kasunod naman ng kwarto ko' parehas kaming napatili "Ako na kuya ang magdadala ng bag ni Brianna" Kinuha ko ang backpack ni Brianna sa isa sa tauhan. "Wait— nasaan nga pala si kuya?" tanong ko nang ma-realise na hindi ko pa sya nakikita simula kaninang umaga. "Maaga po syang umalis para sa business" yun lang ang sinabi nya at bumaba na sya. hindi ko pwedeng pahabain pa ang usapan dahil baka maibanggit ko pa ang tungkol sa business ni kuya sa harapan ni Brianna. "Andito na tayo... sa kwarto mo!" isa itong malaking kwarto for teenage girl. babaeng babae si Brianna kung kumilos, manamit at babaeng babae rin ang mga kagamitan na gusto nya kaya naman halos pink lahat ang makikita sa kwarto na ito. binilhan ko rin sya ng pink dresses at girly stuffs tulad na lamang ng mga suklay, make ups, lipsticks, liptints, accessories, bags, boots, sandals, nail polishes at kung ano-ano pa. makikita sa gitna ng kwarto ang isang study table na may laptop at mga libro. "Wow ate! wala akong ibang masabi kundi, wow ang ganda!" niyakap nya ako "Alam ko.. alam ko.. magpahinga kana. kung may iba ka pang kailangan, magsabi ka lang" binuksan ko ang bintana ng kwarto ni Brianna bago umalis. pumunta ako sa kusina para magluto. "Op op op! anong gagawin mo madam?" tanong ni ate Gayeng "Naku ako na po ang magluluto madam!" prisinta naman ni ate Mica "Ano ba kayo okay lang! gusto ko lang ipagluto kayong lahat" dahil sa pagmamapilit ko, walang nagawa ang tatlong kasambahay. Nagluto ako ng paella, spaghetti, pancit, bihon at adobo. nagsaing narin ako ng anim na kilo para sa aming lahat. "Hello Ali? busy ka ba ngayon?" tinawagan ko si Ali ["Hindi naman masyado. bakit mo naitanong?"] nakakarinig ako ng ingay ng pag ta-type sa computer. "Alam kong may trabaho ka ngayon. okay lang naman kung busy ka ngayon" ["Ayos lang. tatapusin ko ito ngayon ng maaga"] "Okay.. invite sana kita na dito mag lunch?" ["Sure. tatapusin ko lang tong ginagawa ko"] binaba ko na ang tawag. si kuya kaya? I dialed his phone number. Hindi nya sinagot ng unang tawag ko maging ang pangalawang tawag ko. busy nga talaga siguro sya. pero dahil likas na makulit ako, tinawagan ko ulit sya. ["Ano bang sadya mo?"] inis na tanong ni kuya "Kuya nagluto ako—" ["Good. marunong kana"] 'Kuya!! I mean, dito kana mag lunch. dumating na sina mama, papa at si Brianna. ipapakilala kita sa kanila" ["Okay. sige. sure"] "In-invite ko kuya si Ali ["At bakit? andyan nanaman yung ugok na yun?!— pwedeng... i-invite ko rin si Nicka?"] "Oo naman kuya " Unang dumating si Ali sakay ng magara nyang sasakyan as usual. hinalikan nya ako sa kanang pisngi "Miss mo ako?" "Always" ngumisi sya "Same baby. asan ugok mong kuya?" "Nasa trabaho pa sya. Ate Mica, Ate Gayeng, pwede pong pakitawag na si mama, papa at si Brianna?" "Sige po madam" "Oh! dito narin sila nakatira?" masayang naitanong ni Ali "Yepz" Pagkababa na pagkababa ng tatlo kasama nina ate Gayeng at ate Mica, kaagad nilang nakilala si Ali dahil nakita na nila si Ali isang beses noong magpunta sya sa dati naming bahay. Noong araw na una nyang binanggit ang 'I love you' "Ate sya ba yung lalaking pumunta dati sa bahay? boyfriend mo ba sya?" "Ikaw talaga Brianna ang bilis ng dila mo" pabiro ko syang binatukan "Ang gwapo nya ha? parang ako lang" singit ni papa sa usapan na naupo na at nilantakan ang pagkaing inilagay ni ate Mica sa harapan nya. "Ang kapal naman ng mukha mo! mukha kangang tikbalang noong una kitang nakita!" tawanan kaming lahat sa pang-aasar ni mama kay papa. umupo na si mama at si Brianna katabi ni papa. sinandukan rin sila ng pagkain ni ate Mica. Ako naman ang nagsandok ng pagkain ko at ni Ali. "Ang sarap ah? sinong nagluto?" tanong ni Ali na ganado sa pagkain "Ako" nahihiyang sabi ko "Hmm.. pwede na.. pwede na kitang asawahin" maririnig naman ang tilian sa paligid "Asawahin na ano? ang bata bata pa ng kapatid ko para asawahin" singit naman sa usapan ng kararating na si kuya kasama ang magandang amerikana na si Nicka. "Hi" nahihiyang bati ni Nicka. masaya ko syang kinausap "Hi Nicka! Im Jerralyn. Kazandro's young sister and they are the family who raised me. mama, papa and Brianna" ngumiti ng pagkaganda ganda si Nicka "Hi everyone. I'm Nicka and its really nice to meet you all" pinaghanda sya ng makakain ni kuya at pinaghanda nya narin ng makakain ang sarili nya. Pinakilala ko rin si kuya kina mama, papa at kay Brianna. nagpasalamat si kuya sa kanila sa pag-alaga nila sa akin "Ahm... ako naman.. may gusto nga pala akong sabihin sa inyo" kuya cleared his troat. "Ako at si Nicka—" "We're getting married!" masayang pagpatuloy ni Nicka. "A-ano?? pero kuya, hindi mo pa nga sa akin sinasabi na kayo na pala! ikakasal na kayo??" "Jerralyn, pasensya na. alam kong nagtatampo ka... pero ano namang masama? tulad nga ng sabi mo sa akin dati, I need a love life at ito nanga sya!" masayang hinalikan ni kuya sa pisngi si Nicka. "Oo nga kuya sinabi ko nga yun. pero, hindi pa ako handang ikasal ka! paano naman ako? iiwan mo na ako?" hikbi ko "Jerralyn, ano ka ba? hindi naman sa ganun... hindi pa naman kami ngayon kasal eh. marami pa tayong oras para sa brother and sister's bonding" "Hindi ko lang alam kuya. parati ka ngang busy sa trabaho mo eh. minsan nalang tayong mag-usap at magka sabay sa pagkain. at ngayon, magpapakasal kana?" lumakad ako palayo. sinubukan akong sundan ni Ali pero narinig kong sabi ni Nicka, "Give her time to think about it" Hindi ako lumabas ng kwarto ko hanggang dinner. Nagtatampo ako kay kuya. hindi ko pa sya nakakabonding ng kaming dalawa lang! 21 years ko syang hindi nakasama! 21 years na hindi ko alam na may kuya pala ako at hindi paman isang taon ang tumatagal nang malaman kong kuya ko sya ay saka naman sya magpapakasal? Unfair naman yata yun! paano na kung ikasal sya? hindi pa nga lang sya kinakasal hindi nya na ako nabibigyan ng oras. paano pa kapag ikinasal na sya? kasalanan ko to eh. dapat pala hindi ko muna ipinakilala sa babae si kuya.. Maya maya'y may kumatok sa pinto "Jerralyn..." si kuya. hindi naman ako umimik "Ano ka ba naman... sige na buksan mo ang pinto.." lambing ni kuya pero hindi parin ako umimik. "Alam kong andyan ka. pasensya na kung nasurpresa kita kanina. hindi ko naman gustong saktan ka. I'm sorry" "Okay lang kuya. ikaw naman ang mga karapatang magdesisyon sa bagay na iyan. ang akin lang, sana hindi ka sa akin mawalan ng oras" "Please buksan mo na muna ang pinto" apat na beses syang kumatok. "Okay.." binuksan ko ang pinto para makapasok sya at bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama. "Kapag nag asawa na ako, ititigil ko na ang negosyo ko and that means, magkakaroon na akong sapat na oras at dahil dun, madalas na tayong magkasama" "Talaga kuya?? pero— paano naman ang negosyo mo? sino na ang magpapatakbo?" Napabuntong hininga sya. "Hmm... kung gusto mong pamahalaan, then it's yours. kung ayaw mo naman, okay lang. I have enough money. kahit pa hanggang grand daughters and sons natin ay may tira parin sa mga pera ko astig na pagkakasabi ni kuya "Kaya kahit hindi na ako magtrabaho. kahit hindi ka narin magtrabaho at mag-asawa—" "Kuya naman! thats unfair!" reklamo ko na naisip kaagad ang relasyon namin ni Ali tumawa sya "Nagbibiro lang naman ako." "Ahm... kuya? bakit parang.. parang ang bilis nyo naman yata ni Nicka?" "Ganun talaga siguro... kapag nahanap mo na yung para sayo, wag mo nang pakawalan pa" "Ang chessy mo kuya ha? parang nung nakaraan lang ayaw mo ng love life" "Syempre hindi naman ako papayag na ikaw lang ang meron" pareho kaming natawa "Wait kuya--- nasaan na si Nicka?" "Ihinatid ko na sya sa bahay nila. ops— naalala ko— ano nga palang plano mo? birthday mo na sa sunod na linggo!" "Ah— oo nga pala. uuwi kaya si mom?" si mom talaga ang una kong naisip. Gusto kong makilala ang totoo kong ina sa mismong kaarawan ko. "Yes. uuwi sya. actually nakausap ko sya kahapon" "Talaga?? anong sabi nya? bakit ako hindi nya manlang tawagan?" "Wag kang malungkot. ano nga palang gusto mo? big birthday party?" "Hindi kuya. kahit na simple lang basta kasama kita, si mama, papa at si Brianna at si mom! yun lang masaya na ako" "Oh. yeah. tama. eh ang negosyo? may plano ka bang patakbuhin? gusto mo ba?" "Ahm.. hindi ako sigurado tungkol dyan kuya eh. ahm.. kuya? magbago kaya tayo ng business? yung.. legal?" "Legal? ano namang klaseng legal na negosyo ang gusto mo?" Kaagad na pumasok sa isipan ko ang art and books. napangiti tuloy ako hanggang tainga "Kasi kuya... gusto ko sanang magpatayo ng national bookstore? kung okay lang naman kuya sayo" ngumiti sya at ginulo ang buhok ko "Of course. bakit naman hindi? mabuti ngang may sarili kang negosyo. wag kang umasa dyan sa ugok na si Ali. tingin ko dun kuripot" natawa ako "Grabe ka naman kuya! hindi naman kuripot si Ali" Kinabukasan ay ginising ako ng ingay ng mga tawanan sa labas ng kwarto ko. papikit-pikit kong binuksan ang pinto at isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. "Trixie?? anong ginagawa mo dito?" "Ahm... can i talk to you in private?" "Oo naman. pero— magsisipilyo lang muna ako" Kalmado kaming pumunta sa garden pero nang kami nalang dalawa ay humagulhol na sya ng iyak "A-anong nangyari?? bakit ka umiiyak?" hindi ko alam kung paano ko sya patatahanin. ang lakas ng mga hikbi nya. "Jerralyn kasi... si Mico.." Oo nga pala. muntikan ko nang makalimutan na kapatid ko sa ama si Mico. Naikwento ko na ang tungkol sa bagay na ito kay kuya at kay Ali pati narin kay Vica. "Bakit? ano bang nangyari kay Mico?" lalong lumakas ang pag-iyak nya. "Kasi... kasi si Mico.. umalis na sya. pumunta na syang ibang bansa nang wala manlang sinasabi sa akin..." Ibang bansa?? hindi kaya sinundan nya doon ang ina nya? "Saang bansa?" "Hindi ko alam!!! (mukha syang nakakaawa) paano nya to sa akin nagawa? how dare him?! kahit paalam wala? wala lang ba talaga ako sa kanya?" "Sssshhh... tahan na... maybe may rason sya" I said patting her on her back. "Rason?? kung bakit bigla nalang nya akong iniwan? kahit ano pang rason nya, hindi ko sya mapapatawad! pagkatapos ng nangyari sa amin noong bakasyon iiwan nya lang ako?" "Wait— what?? may... may nangyari sa inyo? b-buntis ka Trixie??" Bigla tuloy pumasok sa isipan ko ang nangyari rin sa amin ni Ali. Paano nalang kung— paano nalang kung mabuntis rin ako? Oh no... Hindi pa ako handa!!!!! nagsisimula na akong mag panic. "Ayos ka lang?" tanong nya sa akin na para bang ako pa ang mas problemado kesa sa kanya. "O-oo naman! oo naman okay na okay lang ako.." Paano nalang kung mabuntis nga ako? hindi ko pa manlang natutupad ang pangarap kong makapagpatayo ng national bookstore may dinadala na akong bata sa sinapupununan ko. Tapos pinagbabawalan kong ikasal si kuya yun pala ako ang mauunang ikasal dahil nga buntis ako.. "Sigurado ka? okay ka lang? bakit parang balisa ka? look— youre sweating—" "W-wala to. G-galit lang rin ako kay Mico. wag kang mag-alala. susubukankong contact-kin sya. tutulungan kita" "Thank you so much Jerralyn' sabi nya habang pinupunasan ang mga luha "Wala yun. teka— buntis ka ba talaga?" "Oo. ganun naman talaga diba? kapag may nangyari sa inyo.. kapag pinasok.." "Oh no.. Kailangan ko syang kausapin!" "Kausapin sino?" Walang sabi-sabi ko syang iniwan sa garden. bumalik ako sa kwarto ko at kaagad hinanap ang phone ko. nang makita ko sa itaas ng cabinet, kaagad kong tinawagan si Ali. "A-Ali?" nanginginig ako sa kaba habang ini-imagine ang pwedeng maging reaction ni kuya kapag nalamang buntis nanga ako kahit hindi pa manlang ako hinaharap ni Ali sa altar ["Yes? napatawag ka?"] "K-kasi..ano kasi.. naaalala mo pa ba yung gabing may nangyari sa atin? sa bakasyon?" ["Oo naman. syempre. tandang tanda"] natatawang sagot nya "K-kasi... sure ka? natatandaan mo lahat? I-itatanong ko lang kasi... kung... pinasok mo ba?" humalakhak sya ng tawa "Ano ba?! nagtatanong ako ng maayos!" ["So what kung pinasok ko nga? gusto mo bang ulitin natin?"] natatawang pang-aasar nya "Seryoso ako! sagutin mo nalang kasi!" humalakhak nanaman sya ng tawa Ano bang nakakatawa sa tanong ko? ["Yes. pinasok ko nga!"] Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Paano nalang kung malaman ni kuya? Ang bobo ko talaga!!!!! siguradong magagalit sa akin si kuya— wait— si mom!!!! ["Jerralyn? andyan ka pa ba?"] seryosong tanong nya "K-kasi..." umiiyak na ako ["Bakit ka umiiyak? ano namang problema kung pinasok ko?"] lalong lumakas ang pag-iyak ko "Whats going on?" bigla na lamang pumasok sa kwarto ko si kuya na para bang may sunog "Kuyaaaaaa" humahagulhol na ako ng iyak "Sino yang kausap mo sa phone? si Ali ba yan? hayup sya! anong ginawa nya sayo? akin nanga yang phone— HOY! hoy Ali! hayup ka! bakit mo pinaiyak 'tong kapatid ko? hayup ka! pumunta ka dito! magtutuos tayo!" Patuloy parin ako sa pag-iyak kaya lalong nagalit si kuya kay Ali. pinatayan nya na ng tawag si Ali "Hayup sya! pupuntahan ko sya sa mansyon nya—" Bago ko paman mapigilan ang OA kong kapatid, nakalabas na sya ng kwarto ko at maya maya lang ay nakarinig na ako ng sasakyang umaandar palayo. Tinawagan ko ulit si Ali "Nasaan ka? nasa mansyon ka ba ngayon? umalis ka na dyan! parating na si kuya!" "A-ano bang nangyayari?" "Akala nya kasi sinaktan mo ako-- pinasok mo ba talaga?" "Bakit ba? anong problema?" natataranta na sya "Buntis na ako!!!!" umiyak ulit ako ng malakas habang humalakhak naman sya ng tawa. "Nag condom ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD