Kazandro's 1st date

3160 Words
Kahit hinang hina, pinilit ko paring maglakad papasok ng mansyon. makikita sa paligid ang ilang mga tauhan ni kuya na may mga hawak na malalaking baril. Hinarang nila ako at ang mga kasama ko sa pintuan. "Ano ba?! ako to! kapatid ako ni kuya Kazandro!" "Alam po namin madam. pero mahigpit na ipinag-uutos sa amin na huwag mag papasok ng kahit na sino" "Anong wag?! pinatay na ni kuya si Ali! tapos na ang pagpatay nya. ano pang saysay na pigilan nyo akong pumasok?" Nagtinginan ang dalawang tauhan at tumabi para makadaan ako at ang mga kasamahan ko. nanginginig kong tinulak ang pinto. Akmang papasok na ako nang biglang may nagpaputok ng baril. hindi galing sa loob ng bahay o sa mga tauhan ni kuya ang putok ng baril kundi nanggaling sa mga kalalakihang bigla na lamang pumasok sa mansyon. kaagad ko silang nakilala. mga tauhan sila ni Ali. nataranta ulit ako. dumapa ako habang umiiyak. si Jem at si Jeremy naman ay hindi na malaman kung ano ang gagawin kung tatago ba o tatakbo. si Althea naman at si George ay litong lito na sa mga nangyayari. Kung saan-saan tumatama ang mga bala ng mga baril. napaka ingay ng paligid. may bigla bigla nalang bumubulagta sa harapan at sa likuran namin. maririnig ang sigawan ng mga galit na tauhan at ang iyakan ng mga kasambahay na sina ate Gayeng, ate Clara at ate Mica na pararehong nakaupo sa sahig habang magkakayakap. Gumapang naman ako na parang isang sanggol. kailangan kong puntahan kung saan mang silid ng mansyon na ito naroroon si Ali. baka pwede ko pa syang iligtas o baka pwede pa akong humingi ng tulong sa hospital na magpadala dito ng ambulansya para sagipin ang buhay ni Ali. pero naisip ko rin na mga pulis na muna siguro ang dapat kong tawagan para mahinto na ang labanan. kaya lang naisip ko ang pwedeng mangyari kapag tumawag ako ng mga pulis. paano nalang kung malaman ng mga pulis na may mga ibinebentang mga droga at mga baril si kuya? hay naku po.... ewan! gulong gulo na ang isipan ko! sana matamaan nalang ako ng ligaw na bala! Nakapasok na ako ng bahay. tumayo na ako at nagmadaling pinuntahan ang office ni kuya. mukha namang walang naganap dito dahil nasa ayos naman ang lahat na para bang kalilinis lang at hindi manlang napasukan ng kahit na langgam. "Saan ka pupunta?" halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si kuya hawak ang malaking baril. galit syang nakatingin sa akin. "K-kuya si Ali? mali ang ginawa mo! hindi mo dapat sya pinatay! hindi sya ang pumatay sa mga magulang natin! nagmamadaling sabi ko. "Hindi ko sya pinatay. papatayin palang" nagmamadali syang naglakad palayo na parang wala lang ang lahat. na para bang isang baboy lamang na papatayin si Ali. sinundan ko sya. "Kuya ano ba?! makinig ka naman sa akin! maling tao ang— Ali?? oh my gosh!" Pumasok kami sa isang silid kung saan napaka kalat ng paligid. makikita kung saan-saan ang mga libro na punit-punit na, mga kagamitan na basag na at mga kagamitang mukhang tinamaan ng mga bala ng baril. Nakita ko si Ali na nakaupo sa isang silya habang nakatali ang kanyang mga kamay at mga paa. may mga sugat sya sa mukha na halatang sinuntok sya ni kuya o kaya naman ng mga tauhan ni kuya. "Kuya, anong ginawa mo sa kanya?!" nilapitan ko si Ali na mukhang hinang hina na. "Lumayo ka sa kanya Jerralyn! lumayo ka!" "Kuya ano ba?! nababaliw kana ba? pwede bang pakinggan mo muna ang sasabihin ko?!" "Wala akong panahong makinig sa kung ano mang sasabihin mo Jerralyn! lumayo ka dyan sa tabi nya!" Nakatutok na ang malaking baril ni kuya kay Ali pero humarang ako. "Alis!" sigaw ni kuya na galit na galit. "Kuya makinig ka! hindi si Ali ang pumatay kay daddy! iba ang pumatay—" "Paano mo nalamang pinatay si daddy?" "Patapusin mo muna ako kuya please!" hinang hina na ako at inis na inis na kay kuya. "Ali, ang tita mong si madam Velasco ang may kagagawan ng lahat" kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng short na suot ko. may mga biak na ito dahil sa mga pinagdaanan ko papunta dito. mabuti na lamang ay gumagana pa. plinay ko ang voice reord na ini-record ko. Ilang minuto ang nakalipas bago magsalita si kuya. "Nasaan ang taong yan? nasaan?!!" nanginginig na ngayon sa galit si kuya na handang handang sugurin si madam Velasco. "Sya??!" gulat na gulat naman si Ali sa natuklasan Kinalagan ko ang pagkakatali sa mga kamay at sa mga paa ni Ali. awang awa ako sa kanya dahil nadamay pa sya sa galit ni kuya. nanghihinang tumayo si Ali at sinundan si kuya palabas ng bahay. mabuti nalang hindi sya gaanong pinuruhan ni kuya kaya naman nakakapaglakad pa sya. "Itigil nyo yan!" sabay na sigaw ng dalawa sa kanilang mga tauhan na hanggang ngayon ay nagpapalitan parin ng mga putok ng baril. lito man dahil bakit biglang nagkaayos na ngayon ang pinuno sa dalawang pangkat, kaagad na tumahimik ang lahat. maririnig na lamang ang ingay ng kambal na takot na takot. "Oh my gosh! akala ko katapusan ko na!" maiyak-iyak sa takot ang dalawa. "Hayup sya! demonyo sya! paano nya ito sa akin at sa mga magulang ko nagawa?! lahat ng mga tauhan ko!, doon tayo sa lugar ni Velasco!" galit na galit na sigaw ni Ali sa mga tauhan nya "Saka na tayo magtutuos sa pagpapahirap mo sa akin nang walang dahilan." dagdag nya kay kuya. "Sasama ako at ang mga tauhan ko. pinatay rin nya ang ama namin ni Jerralyn. Ang mga tauhan ko!, sasama tayo sa kanila! manatili ka dito Jerralyn. naiintindihan mo ba?" "Opo kuya" Mukhang malaking gulo to. pero nakahinga narin ako ng maluwag sa wakas. mabuti nalang naabutan ko pang buhay si Ali. Nang umalis na si kuya at si Ali kasama ng mga tauhan nila dala ang malalaking mga baril sakay ng kanilang mga sasakyan, napahiga ako sa sahig sa sobrang pagod at sa tuwa. Katulad ko, para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang tatlong mga kasambahay na sina ate Clara, ate Gayeng at si ate Mica. mukha namang na war shock ang magkambal na si Jem at si Jeremy. magkayakap naman ang nasa secret relationship na si Althea, na mukhang kalmado parin at si George na mura ng mura. "Damn! f**k! muntikan na tayong mamatay kanina! what the hell is going on? what the hell is wrong with them?!" "Ate Gayeng, pahingi naman kami ng maiinom.." pakiusap ko kay ate Gayeng. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari ngayon sa mansyon ni madam Velasco. Pinagdadasal ko nalang na sana ligtas na makauwi si kuya at si Ali pati narin ang mga tauhan nila. Maraming gumugulo sa isipan ko ngayon. Ano na kayang nangyari kay Vica, Albert at sa tatlo kong mga bodyguard na sina kuya Berto, kuya Chito at kay Frank? nakaalis na kaya sila dun? natalo kaya nila si madam Velasco at ang mga tauhan nito? sana naman walang nabaril kina Albert, Vica at sa tatlo kong bodyguards.. kahit naman nalaman kong trinaydor ako ni Vica ay kaibigan ko parin naman sya. syempre nag aalala parin naman ako sa kanya at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya kahit pa nagalit ako. Teka— nasa hotel pa kaya sila ngayon? edi ibig sabihin walang naabutang Velasco si kuya at si Ali dun sa bahay ni madam Velasco! Ang bobo ko talaga! bakit ba hindi ko yun sinabi sa kanilang dalawa? kasalanan nila to eh! basta-basta nalang silang sumusugod! pero at least mapapatay nila ang mga tauhan doon ni madam Velasco. sigurado akong maraming tauhan si madam Velasco sa mansyon nya. mayaman na si madam Velasco dahil sa pagiging direktor nya. bakit kailangan nya pang kunin ang kayamanan ni Ali? hayyy... iba talaga ang nagagawa ng pera... ginagawang sakim ang mga tao. Sigurado naman akong may mga pulis na na dumating sa hotel na iyon. sana hindi nakatakas si madam Velasco at ang lima nyang mga tauhan.. nabaril nga pala ang isa sa lima nyang mga tauhan. hindi ko ba alam pero naaawa ako. "Kumalma ka nga Jerralyn. nahihilo na kami sayo" kalmadong puna ni Althea. Na-realise ko na pabalik-balik na pala ako ng lakad sa kusina. huminto ako at bumuntong hininga. nahihilo ako. "Sa tingin nyo, okay lang kaya sila? kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari kay kuya at kay Ali." "Wag kang mag-alala madam. magaling makipaglaban ang kuya Kazandro mo. ewan ko lang dun sa isa.." singit ni ate Clara "Magaling rin yun nuh!" biglang sigaw ko na ikinalingon naman nilang lahat sa akin. may nakakainis namang mga ngiti sa mga labi ng dalawang kambal na ngayon ay nilalantakan ang nilutong spaghetti ni ate Gayeng. Habang nag kwe-kwentuhan kaming walo sa kusina, makikita naman sa bintana ang ilang mga tao na naglilinis ng bakuran na nasira dahil sa naganap na labanan isa't may kalahating oras ang nakakaraan. May mga may kapit ng dustpan, walis, hallow blocks, pintura at kung ano-ano pang mga kagamitang muling magpapaganda ng mansyon. "Sino nga po pala sya madam? boyfriend mo po?" "H-hindi ah! ahm.. (Nakita ko ang mukha ng magkambal na may expression na dini-deny ah?!) O-oo. boyfriend ko nga sya" nahihiyang pag-aminko. hindi naman dahil sa dini-deny ko ang relasyon namin... kaya lang, baka kasi sabihin nila kay kuya. Napaka istrikto at protective pa naman ng kapatid kong yun... palibhasa walang love life. Maya maya'y nakita namin sina kuya at si Ali kasunod ng mga tauhan nila na kapapasok lang sa loob ng mansyon. Mukha naman silang hindi nabaril o nasugatan manlang. mukha nga silang hindi manlang nanggaling sa labanan pero mga mukha silang dismayado. Sinalubong namin sila "Anong nangyari kuya?" tanong ko nang makalapit. "s**t! nakatakas sila!" "H-ha?? paanong nangyari? si madam Velasco nasaan?" "Hindi namin alam. hindi namin sya naabutan sa mansyon nya. wala sya dun" sagot ni Ali na dinaramdam parin ang mga sugat na natamo kay kuya. "Si Vica??" kaagad kong tinawagan si Vica naka tatlong tawag ako pero hindi nya parin sinasagot. sa ikaapat na beses ay sinagot nya na ang tawag ko. "Beshie? kumusta ka? nasaan ka ngayon? nasaan na kayo?" Umiiyak sya nang sagutin nya ako ["Hello beshie... Im really really really sorry... hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nagpadala sa inggit at sa babaeng yun... I'm so so sorry"] "Sssshhhh tahan na beshie. tahan na. okay ka lang ba? si Albert? yung tatlong bodyguards nasaan?" ["Okay lang kami beshie. kaya lang sorry kasi nakatakas si madam Velasco. napatay ng mga bodyguard mo at ni Albert ang apat na mga tauhan ni madam Velasco pero dumating pa ang ibang mga tauhan bago dumating ang mga pulis kaya naitakas nila si madam Velasco"] "Hay naku... demonyo talaga sya! hindi ko akalaing sya pala ang may kasalanan ng lahat ng ito! Wait— may sugat ka ba? nabaril ka ba? eh sina kuya Berto? si Albert kumusta?" ["Nasugatan lang ako beshie. nadapa kasi ako. nabaril sa balikat si Frank. nabaril naman si kuya Chito sa paa. mabuti walang tama si kuya Berto. kaya nga lang si Albert... nabaril sya sa tagiliran. isinugod na sya sa hospital kaya magiging okay narin sya."] "Hayyy... sana nga. mabuti naman hindi kayo masyadong napuruhan. nasaan ka ngayon?" ["Andito kaming lahat sa hospital"] "Pupuntahan ko kayo dyan mamaya" ["Wag na beshie. okay lang naman kami. magpahinga kana. sigurado akong pagod ka rin"] binaba nya na ang tawag. Nakahinga naman ako ng maluwag pero alam kong hindi parin dapat magpaka komportable lalo pa't nakatakas ang pangkat ni madam Velasco. Ilang buwan ang nakaraan mula sa nakakapagod na araw na iyon ay bumalik ang buhay ko sa normal. hindi na masyadong istrikto si kuya sa akin. pwede na akong lumabas ng mansyon kahit na kailan ko gusto kahit wala akong kasamang bodyguards. Yes namromroblema parin kami dahil maaaring bumalik sa kahit na anong araw si madam Velasco at ang mga tauhan nya pero wanted naman sila dito sa buong bansa at hindi sila maaaring makapasok dito nang hindi nahuhuli ng mga pulis. Hindi parin naman tinitigil ni kuya atni Ali ang paghahanap kay madam Velasco at sa mga tauhan nito kahit sa ibang bansa pa sila nagtatago. bumalik naman sa mansyon si Vica at bumalik ang dati naming pagkakaibigan na para bang walang kahit na anong nangyari. malaya rin kaming nagkikita ni Ali pero mukhang mainit parin ang ulo ni kuya at ni Ali sa isat-isa. siguro dahil sa nangyari noong nakaraan. binugbog lang naman ni kuya si Ali nang hindi inaalam kung sino ang totoong may kasalanan at sinira lang naman ng mga tauhan ni Ali ang paburito ni kuyang fountain na may dolphin statue. pugot na ang ulo ng dolphin statue kaya hindi na ito nakakapagbuga ng tubig. iyon pa naman ang gustong gusto ni kuya. "Kuya!" tawag ko kay kuya. busy sya sa pagbabasa ng newspaper sa garden habang nakaupo sa rocking chair at may suot na eyeglasses. unti nalang magmumukha na syang matandang hukluban "Oh?" walang ganang tanong nya na hindi manlang ako nilingon. "Mag di-date kami mamaya ni Ali" "Wag kang magsuot ng maikling damit" Alam ko na na sasabihin nya to. "Okay... kuya... wait— sumama ka kaya sa amin?" "What?" sa wakas napalingon ko rin sya "Ano namang gagawin ko sa date nyo? magbabayad?" "Hahanapan kita ng ka-date!" masayang sabi ko "Tigilan mo ako. busy ako ngayon" "Kuya naman eh! palagi ka nalang busy! akala ko ba nagawa mo na ang lahat ng dapat mong gawin sa linggong to? nai-deliver mo na ang lahat ng baril at droga? nakita kita kahapon at ang mga tauhan mo!" Hindi nya ako pinansin. ibinalik nya ang paningin at ang atensyon sa newspaper. "Kuya naman! kailangan mo rin ng love life! kuya, palagi ka nalang business,—" "Okay. Okay!" Nasa mall kami ngayon ni Ali kasama si kuya. "Parating naraw sya in 10 minutes" "Seryoso ba talaga kayong dalawa dito? sabi ko na nga bang mali ang desisyon kong sumama sa inyo" "Kuya, ilang taon ka na ba? 25 years old kana at isa ka paring NGSB! "NGSB?? anong NGSB?" masungit na tanong ni kuya habang nagsisindi ng sigarilyo "No girlfriend since birth!" natawa naman si Ali sa sinabi ko "Ano namang nakakatawa?" inis na tanong ni kuya "Bro, kahit isang beses hindi ka pa nagka girlfriend?" "Eh ano naman?" marahas nyang ibinuga ang usok ng sigarilyo "Excuse sir, bawal po ang manigarilyo dito" sita ng guwardiya na naubo pa sa usok ng sigarilyo ni kuya. Inis namang itinapon ni kuya ang sigarilyo sa katabing basurahan. "Dapat kasi dun nalang tayo sa mall ko pumunta. doon pwedeng manigarilyo. wait— hanggang anong oras ba natin syang hihintayin?" "Oh sorry guys I'm late" Isang babae ang dumating. Ilang segundong hindi nakapagsalita si kuya. Ang babaeng ito ang perpekto para sa kuya ko! maganda sya. maamo ang mukha nya, matangkad, blonde hair, mukha namang mabait pero mukhang prangka at ang sexy pa! Isa syang amerikana! mukha syang model ha... mukhang magkakasundo kami nito. kaya lang mukhang palaging duduguin ang ilong ko... "Oh. Ahm.. its Okay" nahihiyang napahimas ng batok si kuya. pinagpapawisan sya. "Paano ba yan kuya? may sarili kaming date. maiwan na namin kayo. bye" nakangiti kaming kumaway palayo ni Ali sa dalawa. "Ang ganda nya ha?" "Mas maganda ka" Kazandro's POV Hindi ko mapigilang pagpawisan. hindi ko ba alam kung bakit pero tuwing tinitingnan ko sya, hindi ko mapigilang ngumiti at— bwisit! namumula ako! tuwing kakausapin nya ako... saan ba nagtago ang maangas na Kazandro?? bakit parang daig ko pa ngayon ang kaibigang bakla ni Jerralyn? "Are you okay? youre sweating..." "Oh. ahm... its just too hot here" "Oh yeah? but theres aircons—" "Let's go outside?" yaya ko. Iba ang babaeng to.. marami na akong nakausap na magagandang babae at mga foreigners pero iba sya... "Okay sure. I really dont like much here" saka sya ngumiti. Nang makalabas na kami ng mall, nakakita kami ng nagbebenta ng ice cream. yep. ang cheap nito. kaya ko syang ibili ng kahit na anong gusto nya pero sa ngayon, hindi ako makapag-isip ng matino. "Do you like ice creams?" "Yeah. my favourite. specially the chocolate flavour" Bumili kami ng tig-isang chocolate Ice cream. hindi ako magaling sa pakikipag-kwentuhan sa mga babae kaya medyo... sa tingin ko naboboring na sya akin. dinala ko sya sa park. mahangin dito at may mga batang naglalaro kasama ang mga magulang nila at mga magkasintahang nag di-date. Umupo sya sa bech. noong una ay nahihiya pa akong tumabi sa kanya. pero ang sabi nya, wag na daw akong mahiya kaya naman... sino ba naman ang tatanggi sa kasing ganda nya? She's perfect. pero hindi ko pa nga pala naitatanong kung anong pangalan nya. "Ahm... I forgot to ask your name?" "Oh yeah. im Nicka. iym Ali's friend" "Beautiful name. it suits you. Im Kazandro" "Cool name.. like you" ngumiti sya ng pagkaganda ganda at bago ko paman mapigilan ang sarili ko, tumulo na ang laway ko. "Damn! that was so embarassing! siguradong hindi na sya papayag na ilabas ko ulit sya! letseng buhay to.." "Kuya, okay lang yan! unang beses mo palang naman eh!" natatawang sabi ni Jerralyn. "First and last!" nakauwi na ako ngayon pero sariwa parin sa isipan ko kung anong kahihiyan ang nangyari sa akin kanina. "Wait— nasaan yang si Ali?" tanong ko "Ano namang kinalaman ni Ali?" tanong nya na para bang may balak akong saktan ang ugok nyang boyfriend "Hihingi lang ako ng tips" pinagsisihan ko kaagad ang sinabi ko "Oh no. hindi. hindi ako hihingi ng kahit na ano sa ugok na yun" tumawa naman si Jerralyn "Wag mo nga akong asarin!" "Akala ko ba kuya ayaw mo sa mga gantong bagay? bakit ang weird mo naman yata? at hihingi ka pa ng tips kay Ali?" tumawa ulit sya. Bwisit. ang kapatid ko at ang ugok nyang boyfriend. Jerralyn's POV Ngayon ko lang nakitang ganto ka-weird si kuya. napapadalas ang pagtatanong nya sa akin kung ano ba ang gusto ng mga babae, kung anong gusto ng mga babae sa lalaki, gusto ba ng mga babae na maporma, simple o astig ang dating.. anong mga gusto at mga ayaw ng mga babae... ano bang mas gusto ng mga babae kung chocolate ba o flowers... o gusto nila ng pareho? At imbes na newspaper ang madalas na kapit nya tulad noon, mga malilit na libro na ang madalas nyang binabasa at ang mga title ay; 'How to get girls' heart', 'How to be a nice man in front of a girl', 'How to make girls' smile' at 'How to stop drolling' palagi nya ring inaayos ang buhok nya at tinatanong ako kung okay na ba kahit may salamin naman. Madalas namang nandito sa mansyon si Ali para tulungan si kuya, "What's girls' dislikes? they don't like weirdos" o— asarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD