After the show in Torture Room, all of them headed to the Station. There was food prepared for them, but Don Kingswell still kept quiet. Napansin naman iyon ng kanyang mga kasamahan.
"Masyado ka yatang tahimik, Kingswell," sita sa kanya ni Don Carrington nasa likod niya ito.
“May problema ba sa mga transaksyon mo?” it added. Naghihintay naman sila sa sagot nito,
"Wala naman. Mahina lang ang kitaan ngayon, tapos puro palpak pa ang mga baguhan kong tauhan," he would lie to cover himself so he wouldn't be found out to be against what transpired.
Tinapik naman ni Don De Niro ang kanyang balikat para patatagin ang kanyang loob.
“Malalampasan mo rin iyan. Kaya nga tayo may iba pang negosyo, para doon bumawi,” he said. Tumango naman siya bilang sagot.
Pagpasok nilang lahat sa Himpilan, umupo na sila sa kani-kanilang puwesto.
“Maraming salamat, mga kaibigan, sa inyong pagdalo. Alam kong busy kayo sa buhay, ngunit kailangan din natin minsan magtipon-tipon para pag-usapan ang ating mga negosyo. Lalo na ngayon, mainit-init ang mga balita tungkol sa nangyayaring krimen. Siyempre, labas ang eskuwelahan sa ganyang isyu kaya huwag kayong mabahala. Habang tumatagal ay nagiging maingay ang ating paaralan. Maraming pumapasok dahil sa kuryosidad kung anong nangyayari,” nakangiti at masayang sabi ni Don Everhart sa kanyang mga kaibigan.
"Speaking of problema, anong nangyayari, Don Kingswell? Kung mahina ang kitaan ngayon, paano ang hatian natin?" dagdag nitong sabi bago tumingin sa kaibigan. "Don't tell me na wala kang maibibigay? Malaking pera ang na-invest ko riyan, hindi ko pa nababawi. Kung patuloy ang mahina mong transaksyon, baka sa iba na ako makikipag-deal sa susunod," muli niyang sabi.
Umigting naman ang panga ni Don Kingswell; hindi niya talaga gusto ang tabas ng dila ni Everhart.
"Walang problema kung sa iba ka makikipag-deal, uso naman ngayon ang mag-explore. Pero siguraduhin mo lang na kaya nilang ibigay ang mga kaya ko. Dahil hindi na muli akong tumatanggap ng galing sa iba na babalik sa akin. Hindi ako taga-salo ng reject mula sa kabila," prangkang sagot niya kay Don Everhart. Kitang-kita nito kung paanong mamula ang mukha niya sa galit.
Tumikhim naman ang kanilang kasamahan dahil mukhang magkakainitan na naman silang dalawa.
“Alam mo ang patakaran ko, Don Everhart, at hindi ka malaking kawalan sa akin,” may pagbabanta sa boses nitong sabi, dahil alam niya sa kanyang sarili na maayos siyang ka-negosyo. Lahat ng kasama nito sa negosyo ay tumatagal, at si Don Everhart lang ang may lakas ng loob para itrato siyang walang kuwenta.
"Nagbibiro lang naman si Don Everhart, huwag mong masyadong seryosohin, Don Kingswell," pabirong sabi ni Monroe.
Malamig naman siyang tiningnan ng kaibigan.
"Hindi ako nakikipagbiruan. Wala namang kaso sa akin kung sa iba na siya. Alam nating lahat kung gaano siya kaligalig na tao. Kung tutuusin, ako lang ang nakatagal sa kanya, kaya wala akong pakialam kung aalis siya," seryoso nitong sagot kay Don Monroe.
Wala nang muling nagsalita pa dahil baka lalo lang magkainitan ang dalawa.
Tahimik silang kumain. Nagkatinginan naman ang mag-amang Everhart. Hindi nagustuhan ng dalaga ang pananalita ni Don Kingswell sa kanyang ama, at mukhang mahirap hawakan sa leeg ang isang tulad niya.
Matapos ang nangyari sa Torture Room at Himpilan na may konting salo-salo sa EU, dismayado na umuwi si Don Kingswell. Marami na kasing nagbago simula noong hindi na si Don Everhart ang namamahala sa University. Hindi siya sang-ayon sa bagong pamamalakad ng anak nito.
Napansin naman ni Ms. Kingswell ang pagkadismaya sa mukha ng kanyang ama.
"What's wrong, Dad? Anything unpleasant that happened in the EU?" she asked frowning as she poured water into the glass. She handed it to his father before getting one for herself.
“Hindi mo ba nabalitaan ang mga sunud-sunod na pangyayari tungkol sa namatay na estudyante ng EU?” pabalik niyang tanong sa kanyang anak.
Nagkibit-balikat naman si Ms. Kingswell dahil wala siyang pakialam kung anong nangyayari sa paaralan.
“Bago na ang patakaran ng paaralan. Ang mga pinapatay ay anak ng mga nagtraydor sa kanila,” malamig na sabi nito.
Napataas naman ng isang kilay ang dalaga.
"Kailan pa naging kasalanan ng anak ang kasalanang ginawa ng kanyang ama? Bakit, malinis bang tao si Don Everhart? Dapat din patayin ang anak niya," walang ganang sagot nito, pero may point ang kanyang sinabi.
Traydor din si Don Everhart dahil isang beses na niya itong ginawa sa kanila, at muntik nang ikasira ng organisasyong pinamumunuan niya.
“Kailangan mo nang kumilos, Azzurra. Maraming mga inosenteng bata ang madadamay kapag nagpatuloy ito,” seryoso nitong sabi sa kanyang anak.
“Dad, kung ang ipapagawa mo sa akin ay kumbinsihin ang anak ni Don Everhart, no thanks! Hindi ako nakikipag-usap sa taong sarado ang utak at hindi marunong makinig sa hinaing ng iba. Saan pa ba magmamana ang anak niya, 'di ba sa kanya rin! Kung nagkataon, pamilya nila ang malalagay sa kahihiyan!” reklamo niya na may kasamang pagkairita, dahil halos katatapos lang ng kanyang mission ay mukhang bibigyan na naman siya.
“Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Magtulungan tayo. Kailangan mong lumipat sa Everhart's University. Mas mabuti na ‘yung alam natin pareho kung anong nangyayari,” seryosong paliwanag niya sa kanyang anak.
"Nandoon na ang iba kong kasamahan, bakit kailangan pang lumipat ako roon?" may pagrereklamo niyang tanong.
"That's my order, Azzurra! Kailangan mong alamin kung ano pang nangyayari sa loob ng paaralan. At bakit nadamay ang mga nasa kabilang department. Wala pang nagsasalitang pamilya sa ngayon, dahil na rin siguro sa takot. Hindi sapat ang mga report ng iyong kasamahan. Nahihirapan silang makasagap dahil halos alam ng iba na kabilang sila sa Serpents. Ikaw, hindi ka nila kilala dahil gala kang tao. Aayusin ko ang papers mo, papasok ka sa paaralan hindi bilang isang Kingswell, 'yung walang konektado sa lahat," pinal nitong sabi sa kanyang anak.
Napahilot naman ng sentido si Azzurra dahil akala niya'y makakapagpahinga na siya.
“Ingatan mo ang iyong identity. Oras na mahuli ka, pareho tayong malilintikan. Lahat ng pinagpaguran natin ay mawawala na parang bula. Hindi pa sapat ang mga ebidensya na hawak ko, maaari pang makalusot si Don Everhart,” muling paliwanag niya kay Azzurra.
"Kailan magiging sapat? Ilang buhay pa ang mawawala para tuluyan na silang mapabagsak? Hindi lang estudyante ang napatahimik niya, pati na rin iba niyong kasamahan!" umiiling na sagot ni Azzurra.
Nadismaya rin siya sa mga nangyayari. Masyado ng magulo ang mundong ginagalawan niya. Walang permanent, dahil baka bukas ay isa sa kanila ang susunod na papatayin.
“Hindi na ako magugulat kung isang araw ay mawala ka na rin. Ano pa bang magagawa ko? ‘Di ba ililibing kita? Hindi na kailangan ng kabaong, diretso libing na para wala nang problema,” dagdag pa nitong sabi na tila problemado sa pagkamatay ng kanyang ama.
"Siraulo kang bata ka! Wala ka talagang puso, hindi mo muna iniisip na ama mo ako!" galit niyang sigaw sa dalaga.
Ngumisi lamang si Azzurra, dahilan para lalong kumulo ang kanyang dugo.
"Hindi ka puwedeng lumipat ng school hangga't wala akong sinasabi. Kailangan mong manatili sa EU. Kung kinakailangan maging mahina ka sa mga mata nila, ay gawin mo! Mission mong malaman lahat ng puwedeng gamitin para mapabagsak silang mag-ama!" Matigas niyang sabi bago talikuran ang dalaga. Naiwan naman sa kusina si Azzurra, matigas ang ulo ng kanyang anak pero maaasahan ito.
"Nakakainis naman! Ano ba ang pakialam ko kung anong patakaran mayroon sila! Nakakayamot!" reklamo niya bago sumunod palabas ng kusina.
"Dad, wala na bang ibang gagawa nito? Pagpahingahin mo naman ako, wala na ba akong karapatan para magpahinga?" habol niyang reklamo sa kanyang ama.
“Sino ba ang anak ko, Azzurra? Wala akong ibang pinagkakatiwalaan ngayon kundi ikaw. Dahil oras na trinaydor mo ako, ako mismo ang magpapatahimik sa iyo!” may pagbabanta nitong sagot.
"My god! Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko!" hindi na pinansin ni Don Kingswell ang kanyang anak. Dahil walang mangyayari kung papakinggan niya ang kaartehan ni Azzurra.
Tuluyan na itong pumanhik patungong ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Itutuloy.