LILY POV "Weh? Baka sinasabi mo lang ito kasi mahal mo pa siya?" "Ewan ko sayo Lily. Gusto mo ba na isang araw lang ay makapag move on na ako kaagad sa aming relasyon ha? Ang labo nitong kausap. Ang mabuti pa, i destruct mo muna ang papa mo. Yayain mo siya sa ibang lugar. Basta ayaw kong makikita niya akong umuwi. Mag start ako kaagad ng kotse ko." May bigla tuloy akong naalala. "Hoy speaking of that, dinala mo ang kotse mo at naka park lang sa labas so it only means na wala kang lusot kay Dad. No choice ka, need mong magpakita sa kanya. Halika, ako ang bahala sayo kapag binastos ka nito." Magkasalungat pa rin ang mga kilay ni Jack. "Lily, gawan mo na lang ng paraan. Tinulungan na nga kitang hanapin yung sinasabi mong kwintas eh. Hinde n'ya rin naman kilala kung ano ang sasakyan ko k

