KABANATA TATLUMPO'T TATLO THIRD PERSON P O V Paggising Nila Kinabukasan ay nagulat pa si Tess dahil may mga Taong naglilinis sa Bahay Nila at nagpapalit ng mga Kurtina habang nagmamando ang Mama N'ya ng mga dapat gawin. "'Ma!? Hindi Ko po alam na nag- hire pala Kayo para maglinis Dito sa Bahay." takang tanong ng Dalaga sa Ina, paglabas Nila ni Conrad ng Kwarto. Naka- pantulog pa Silang Damit dahil balak Muna N'ya kasing magluto ng Almusal Nila bago maligo at mag- prepare para sa pamamanhikan ng Pamilya ng Binata. "Eh, hindi Ako ang nag- hire sa Kanila. Nagising na nga lang Ako at may nag-do- doorbell. Pina- punta daw Sila Dito ni Conrad." tugon ng Mama N'ya na napa- tingin sa Binatang nasa likuran N'ya "Mahal!? Ikaw ba nagpa- punta sa Kanila?!" baling naman ng Dalaga sa Fiance N'ya

