Chapter 46 Rico Ano ang balita sa pinagawa ko sa'yo?" tanong ko kay Matteo. Nandito ako ngayon sa Bicol. Nagpatayo ako ng rest house sa dating bahay namin ni Alena. Kapag gusto ko malayo sa siyudad dito ako pumupunta. Hindi ko pa rin mag-give up-give up ang lugar na ito. Kasalukuyan narito kami sa gilid ng resthouse ni Matteo. Pinapunta ko siya rito para makapasyal din siya. "Ayon at balita ko nasa krisis ang kompanya ng ex mo. Narinig ko na nakahanap sila ng ibang supplier subalit mahal. Ibininta nila ang gasolinahan nila at binili ko iyon. Ipinangalan ko rin iyon sa kompanya mo," sagot ni Mateo sa tanong ko. "Mabuti naman kung gano'n,"tipid kong tugon sa kaniya. "Nag-open na rin ang RS lights. Malapit lang din sa pwesto ng ex mo. Sa ngayon balita ko marami pa ang customer nila s

