CARMELA Nang makarating ako sa kusina ay nakahanda na ang almusal namin. Napansin kong may isang pumpon ng daffodils sa ibabaw ng lamesa. Nang tumalikod si Daevon ay kinuha ko ito at inamoy. Binalik ko rin kaagad ng makita kong nakatingin siya sa akin. "Good morning," aniya. "Morning," malamig kong tugon. Kailan ba siya uuwi? Kapag nagtagal siya dito sa bahay ay baka ma-attach si Fedirich sa kaniya. Nag-aalala lang ako at baka sa huli ay hindi niya kami kayang panindigan. Handa naman akong makipag-ayos sa kaniya pero titignan ko muna kung sincere ba talaga siya sa akin. "Puntahan ko muna ang anak natin at baka gising na siya," paalam niya. Napangiti na lang ako bigla sa sinabi niya. Worth it ba talaga siyang bigyan ng second chance? Wala namang mawawala sa akin kung pagbibigy

