Prologue

3161 Words
Prologue Azwynah Ezrania "I'm sleepy..." I yawned as I watch our professor explaining for our todays topic. I was looking at the ceiling with my sleepy eyes but my ears are attentive. Bumaling ako sa katabi kong si Jiyo na sobrang active sa pakikinig. On the other hand, ang katabi kong isa naman ay pareho ko lang na mukhang nabobored na rin. Her eyes were about to close at alam kong pinipigilan n'ya lang. Napapailing na lamang ako at muling ibinalik ang pagkakatingin sa kisame. "Do you understand?" our professor in history asked when she was done explaining in front. We all said 'yes' and that was a lie. Oh come on, I don't understand even a single thing. I understand nothing. Well, hindi ko lang talaga favorite ang subject na history because i find it boring. At kahit pa anong pilit ko sa sarili kong makinig at intindihin ang lessons ay hindi talaga gagana kung may tentasyon naman sa tabi ko, gaya ngayon. "Psst. Azwynah..." Tinawag ako ng walang hiyang katabi ko. Naiiritang nilingon ko si Sedge na pumwerteng naka upo sa tabi ko, naka taas pa ang dalawang paa sa upuan ng kaklase naming nasa harapan. Mabuti na lang at nasa pinakahulihan kami kaya hindi kita ang ginagawa nya. "Ano? kita mo nang nakikinig ako e..." pabulong kong sinabi sa kanya. Bahagya naman s'yang tumawa. "Ikaw nakikinig? sinong niloloko mo, Azwynah? Wag ako bebe ko..." umiling-iling pa sya sa sinabi. Pinandilatan ko naman sya ng mata. "Totoo naman ah, ikaw din kaya try mo makinig at nang may pumasok naman dyan sa napakalinis mong utak." Iniripan ko sya at ibinalik ang tingin sa harapan. Pinilit ko ang sariling makinig at baka mag pa-quiz na naman bigla. Mahilig pa naman sa mga unexpected quizzes si Ma'am, kaya nga etong subject na 'to ang pinagtutuonan ko ng pansin. Wow ah, pansin daw, big word ba Azwynah? Nagulat na lang ako ng may bumulong sa aking tenga. Oh God, ilayo nyo po si Sedge sa akin! "E kung ayokong makinig bebe ko, anong gagawin mo?" parang bata n'yang tanong. Inilapit ko ang bibig ko sa kaniya at bumulong. "Alam mo Sedge... use your brainless brain minsan!" Agad ko namang narinig ang mala loko n'yang pagtawa. Kung wala lang sana kami sa klase ay baka mas malakas ko iyong sinabi sa kanya. "Amazing... pero wala ako nun bebe ko..." Para kaming tangang nagbubulungan sa hulihan, mabuti na lang talaga at hindi kami napapansin doon, naku. Akala ko ay titigil na sya dahil nakuha na nya akong iniisin pero hindi pa pala. Aba, humihirit pa ang loko, pag kami talaga nahuli. Pinitik nya ang noo ko. Aba! Pinandilatan ko sya ng mata at pinitik rin sya sa noo. "Gago ka talaga!" I said and he make a face. I rolled my eyes at him, hindi ko na lang sya papansinin at itinuon ang atensyon sa unahan. Pero si Sedge ay si Sedge hindi talaga sya titigil hanggat hindi ako masagad sa kan'yang kakulitan. I think, I should exchanged seat with Jiyo? hmm, pu-pwede rin. And I'm sure that papayag itong isang katabi ko, crush ako neto e. Kinalabit ko si Jiyo na seryosong nakikinig sa lessons. Kung para sa akin ang tentasyon ay si Sedge, sa kaniya naman ay ako ang tentasyon. Wala na akong magagawa riyan, dahil alam naman nya na kapag dikit kami ni Sedge ay para kaming bombang sabay sumasabog. At isa pa, matagal na talaga kaming mag kakakilala kaya naman dikit kami sa isat-isa. Kinalabit ko ulit sya, inilapit nya naman ang kan'yang mukha sa akin pero ang tingin ay nananatili sa harapan. "Hmm?" Napaka seryoso niya naman. "Ay naku talaga etong si Jiyo, pa study hard ngayong araw ah, unbelievable..." tila kunwaring namamanghang bulong sa akin ni Sedge. Binatukan ko na. "Ikaw naman siraulo ka talaga e no?" "Alam ko..." Napapailing na lamang ako sa mga kalokohan nya. My God, I can't believe na nagagawa kong magloko sa loob pa ng klase! Gosh Sedge! I can't take this anymore. I rolled my eyes bago ako muling humarap kay Jiyo at ituloy ang planong makipagpalit sa kan'ya ng upuan. I lowered my mouth at his ear then whispered. "Jiyo, pwede bang palit muna tayo ng upuan?" "Bebe ko dito ka lang..." sabi ni Sedge sa tenga ko. Leche talaga tong lalaking to, tingin ko ang dami ko na tuloy na kasalanan sa araw na to. Hinila hila nya pa ang buhok ko, ngunit hindi ko sya pinansin. Lumingon siya sa akin at nagtaka. "Please?" pagmamaka awa ko. "Sige na Jiyo, bukas balik na ulit tayo sa dati nating upua--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si ma'am tungkol sa kinakatakutan ko. "Okay class, any questions?" she asked and again the whole class answered 'none'. Weh ba? di n'yo sure. Napairap na lamang ako. "Okay then, let's have a short quiz. Get one fourth sheet of paper and number it one to twenty." Malungkot na tumingin sa akin si Jiyo at binigyan ako ng one fourth na papel kaya wala na akong nagawa. Kinuha ko ang ballpen at nagsimula ng magsulat. Naramdaman ko na lang na may humila sa buhok ko. My eyes darted at Sedge who did it. "Bebe ko, one fourth ba?" "Oo, gago ka kasi!" Ibinigay ko sa kan'ya ang papel at saka ko sya iniripan. "Eto naman galit ka agad. Sorry na Ynah..." He reach for my right hand at nag puppy eyes pa siya! Nangunot ang noo ko sa ginawa niya. "You know what Sedge? stop it!" iritadong sabi ko sa kaniya. He pouted. "Why?" "It's not cute, you're scaring me Sedge. Don't pout at me or else..." "Or else... what?" "... I will staple your lips." "I-kiss mo na lang," sabi niya at hinampas ko siya. Natapos ang quiz at hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Actually, basic lang dapat kasi one to twenty lang, pero walang madali sa taong hindi nakikinig at isa na ako dun. Ops, nangunguna si Sedge. "Class dismissed." That was the last thing I've heard before she leave the room. Sa kabilang dako, narinig ko ang mala bruhang tawa ni Sedge habang inaayos ang kan'yang mga gamit. I secretly rolled my eyes at him dahil sa alam ko na ang gagawin nya. For sure, aasarin nya nanaman ako sa nakuhang kong puntos at sigurado ako na ikukumpara nya ito sa kanya. Ts! Lumabas ako ng classroom at nakita ko si Jiyo na naghihintay sa akin sa may pinto. Hindi n'ya napansin ang paglabas ko, nakasabit ang isang laylayan ng kan'yang bag sa kan'yang kaliwang braso. Nang makita ako ay agad s'yang naapayos ng tayo at ngumiti. Ngingiti na sana ako ng inunat ni Sedge ang buhok ko galing sa likuran. "Sedge!" Natawa sya at mabilis na umiwas sa hampas ko. Nagtago sya sa likuran ni Jiyo na walang ekspresiyon ang mukha habang nakatingin sa amin. On the other hand, Sedge give me a develish smile at lumapit s'ya sa akin. I was about to leave him when he caught my wrist and whispered something to me. Nanlaki ang mga mata ko sa kan'yang sinabi. O my God Sedge, how did you... Napatingin ako kay Jiyo na nakakunot na ang noo. Binalingan ko s'ya at kumawala sa pagkakahawak ni Sedge bago ko sya nilapitan. I tiptoed to reach his neck then pull him, good thing na nadala ko s'ya sa isahang paghila. "Jiyo..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil parin sa gulat na natuklasan ko tungkol sa kan'ya. Nakarinig ako ng pagtawa sa likuran ko and it was Sedge! Pinagtitripan n'ya ba ako? I tilted my head and glared at him. "Ano?" Si Sedge na natatawa. Umiling ako. "Totoo ba 'yong sinabi mo?" His right hand are now inside of his pocket. He stand cooly in front of me at hindi ako makapaniwala na ang gwapo niyang tingnan! Well, sabagay gwapo naman talaga si Sedge maloko nga lang. I stared at him for a second without minding the presence of Jiyo beside me. Sa kanilang dalawa si Sedge ang pinaka close ko, well madali naman talagang pakisamahan si Sedge unlike Jiyo. Si Jiyo kasi ang kabaliktaran ni Sedge. Jiyo had always wear his serious face at bihira lang s'ya magsalita pwera na lang kung kakausapin mo. Habang si Sedge naman ay kahit hindi mo kausapin ay magsasalita parin sya, hes very talkative and I like his sense of humor. Sa sobrang lutang ko habang naglalakad ay hindi ko namalayan ang sariling nakasalampak nasa sahig. What the... Nag angat ako ng tingin at kita ko ang isang bulto ng lalaking nakatayo sa harapan ko. And before I could protest, he spoke. "Sorry miss..." And that's what he said. Hindi ko makita ang kan'yang mukha dahil sa sombrerong suot n'ya at nakayuko rin siya. He offered his hand so that he could help me up. Walang pagalinlangan ko namang ipinatong ang kamay ko roon para makatayo. Pinagpagan ko ang aking palda bago nag angat ng tingin ng mapansing naglalakad na ang lalaki palayo. Natataka ko siyang tinitignang naglalakad palayo, hindi mawari kung taga rito ba siya o hindi. Wait, is he a transferee? Ngayon ko lang kasi siya nakita e... Oh well, sa laki ba naman ng school na 'to ay hindi ko pa kilala ang kalahati ng mga pumapasok dito! And I don't know if he's a transferee, or not. I shrugged about my thoughts. Eh ano bang pake ko? He's not my concern and not will be. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kinalimutan ang nangyari kanina. Naglakad ako patungo sa caféteria, well saan pa nga ako pupunta? Sa library? Probably no. You think pupunta akong library para magbasa ng libro? Ah, isang himala pag nangyari iyon. Well, what do you expect from me? After a boring lesson? Syempre sa caféteria ako didiretso para kumain at mag relax. Don't blame me, I was bored so. Nagtungo ako ron at nag order ng pwedeng kainin bago umupo. I ordered blue berry cake and Frappuccino for my snack. Nagsimula na akong kumain ng isang pamilyar na boses ang bumalot sa loob ng caféteria. "BEBE KOOOOOOOOO!" Nilingon ko ang entrance at nakita ko ang kakapasok pa lang na si Sedge at sa likod niya ay ang naka poker face na si Gyo. I feel you Jiyo, kung ako rin siguro ang nasa kalagayan mo ay mamumula na ako sa hiya. Napairap ako sa kanila at ako tumalikod ng makitang naglalakad na sila patungo sa akin. Nang naramdaman ko sila ay nagkunwari akong walang nakita. Naupo sa tabi ko si Sedge at si Jiyo naman sa katapat na upuan. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at walang tinitignan kahit isa sa kanilang dalawa. Narinig ko ang pagtikhim ni Sedge sa aking gilid pero hindi ko siya pinansin. Kumain lang ako ng hindi iniinda ang presensya ng dalawa ng biglang may umagaw sa kinakain ko. "'A'kin na 'to ah?" I glared at Sedge who did it. He smiled at me at nag peace sign pa s'ya sa'kin. Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ang frappé. Akmang iinumin ko na sana ng may umagaw na naman. "At eto 'a'kin na rin." Mariin ko s'yang binalingan ng tingin at wala na akong nagawa ng makitang sinimulan na n'yang inumin ang dapat na sa'kin. Padarag kong ibinagsak ang aking mga kamay sa mesa dahilan ng pagkaroon ng ingay at pagkagulat ni Jiyo sa aking harapan. Iniripan ko s'ya at napakamot naman s'ya sa kan'yang batok. "Ba't hindi mo sinabi sa akin?" Napaiwas naman sa ng tingin kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon n'ya. He looked at me like a lost puppy. Tinitigan ko ang bawat features sa kan'yang mukha. Ang kulay brown n'yang mga mata, makapal na kilay, mahabang pilik-mata, pink na labi, ang matangos n'yang ilong, at ang makinig n'yang balat. Maputi rin si Jiyo at matangkad kaya nga naging crush ko yan e. "Kasi ayokong mamroblema pa kayo sa problema ko ngayon," he said at agad namang napataas ang kilay ko. He cleared his throat and heaved a sigh tila ba nahihirapan s'yang sabihin iyon sa amin. "Ano?" takang tanong ko. "So ibig sabihin may problema ka nga!" pagko-konpirma ko sa narinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata at tila pa nadulas sa pagkakasabi kanina. Hindi yun ang sinabi ni Sedge! What the heck naman Jiyo! "What?" he whispered to himself na narinig ko naman. He cleared his throat. "Ano ba kasing sinabi ni Sedge sa 'yo?" he asked. "So may alam si Sedge?" naguguluhang tanong ko. Napabuntong hininga siya. Ako naman ay napailing dahil hindi ko parin makuha ang ibig niyang sabihin. I look at Sedge who was silently eating beside me, he's also attentive too. Kanina pa nga ngiting ngiti eh. Ibinalik ko ang tingin kay Jiyo ng muli siyang magsalita. I don't even know a place somewhere in Bicol. Saan ba 'yon? "Kailangan niyang lumipat ng school kahit ayaw ng mama at papa niya... pero mapilit talaga si insan kaya mom insisted na dito na lang muna siya sa amin. Sabi pa nga niya ay magwo-working student siya rito sa maynila para may maipon siya kahit papaano, sinabi niya rin na wag ko daw ipaalam kina tito at tita so we keep that as a secret." He was tapping his fingers on the table while talking. "You two should keep that as a secret pero sinabi mo sa 'min?" He smiled at me and pat my head. "Okay lang, makulit ka kaya alam mong sasabihin ko pa rin." Napanguso na lang ako para pigilan ang sarili sa pagngiti. Alam na alam nya talaga na hindi ko siya titigilan kapag hindi n'ya sinabi kaya siguro inunahan niya na ako. "Uh, yung pinsan mo..." natahimik ako. "Hm... what?" "Lalaki ba o babae? nag tataka lang ako kasi kung babae, sabi mo magw-working student siya so I bet mas mahirap iyon para sa kan-" "Lalaki siya." Napatango tango naman ako sa kan'yang sinabi. Grabe naman akala ko talaga babae, napapailing na lamang ako bumaling kay Sedge. Binatukan ko siya ng may halong inis. "Aray ko naman bebe ko," saad niya habang hinihimas ang kaniyang batok. Well, deserve mo po. "Ikaw at 'yang bunganga mo, magbabalita ka na nga lang mali at kulang kulang pa! Hay naku talaga Sedge naku naku!" Natawa naman siya sa sinabi ko. "Eh, malay ko bang mali pala yung narinig ko kanina." Binatukan ko siyang muli kaya napakamot siya sa kaniyang batok. "Kung saan saan ka kasi nagsususuot 'yan tuloy! Napaka chismoso mo kasi." "Ayaw mo nun, may thrill." Nagtaka naman si Jiyo sa aming dalawa at kinulit ako kung ano ang sinabi sa'kin ni Sedge kanina. "Ano nga?" I rolled my eyes. "Well... Sedge told me that may natitipuhan kang babae dito sa campus? Who's the lucky girl?" ngiti-ngiting tanong ko. "W-wala!" pagtatanggi niya. Natawa pa ako sa reaksyon niya dahil bahagya pa itong namula. "Utal yern?" Tumambay muna kami ng isang oras sa field sa ilalim ng isang malaking puno ng acacia habang nag kekwentuhan ng kung ano ano. Hindi ko na rin itinanong ang tungkol sa pinsan ni Jiyo at hindi naman kami nagawi sa usapan na iyon. Marami kaming napagusapan tungkol sa magiging future namin at halos lahat ng sagot ni Sedge ay puro kalokohan. "Alam mo beb..." biglang salita niya. "Hmm?" "Balang araw gusto ko maging model..." napalingon ako sa kaniya na puno ng pagtataka. Seryoso? I mean bagay nga eh. It's not that bad. Maganda at malaki ang pangangatawan niya at bagay na bagay lang sa edad niya, sakto lang. "Uh-huh. Subukan mo bagay nga eh," pagsasang ayon ko sa kaniyang sinabi. Tumingala siya na parang nag iisip. "Talaga! Gusto ko maging model yung magsusuot ng mga brief, Calvin Clein ba!" sabi niya at humagalpak sa tawa. Nakasandal ako sa kaniyang balikat at s'ya naman ay bahagyang nakasandal ang likod nito sa puno at si Jiyo naman ay nakahiga sa damuhan habang nakaunan sa aking mga hita. Kumunot ang noo ko at bahagya na 'ring nakitawa sa kaniyang kalokohan. "Wag. Baka walang bumili kapag sinuot mo... " bulong ko pa. Natawa naman siya sa sinabi ko dahil paniguradong narinig n'ya iyon. Tahimik lang kaming nagmamasid sa paligid at hindi sinadyang dumapo ang aking mga mata sa isang lalaking nakatayo. Palinga linga ito tila ba may hinahanap, pinagmasdan ko lang s'ya at nagulat ako ng nagtagpo ang mga mata namin. Nagtaka pa nga ako sa sarili kung bakit hindi ko magawang mag iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang dinaga ang puso ko ng makitang papalapit ito sa aming direksyon. Maraming naglaro sa isipan ko habang pinagmamasdan ang lalaking naglalakad papalapit sa direks'yon namin. Sinusuri ko ang kabuoan nito ng nagsuot ito ng ito na sumbrero ay saka ko natukoy kung sino iyon. Tila naging blangko ang isip ko. S'ya yung lalaking nagmamadali at nakabangga sa 'kin kanina! Teka bakit ba ako kinakabahan? Diba dapat hindi kasi hindi naman kami magkakilala. At baka, hindi talaga s' ya papunta sa direks'yon namin, baka nagkataon lang na dito yung daan nya. "Bakit?" Hindi namalayang bulong ko. "Ha? ano yon?" paguusisa ni Sedge na hindi ko pinansin. Nagtaka ako ng biglang tumayo si Jiyo galing sa pagkakahiga, pinagpagan n'ya ang kan'yang damit. Tumingin s'ya ro'n sa lalaking malapit na sa amin at nagulat ako ng makipag bumps in s'ya rito. Nagtawanan silang dalawa kaya kumawala ako, bahagya pang nagulat si Sedge na nakadandal sa akin dahil sa ginawa kong pagtayo. Napatayo na'rin si Sedge at nagulat ako sa ginawa n'ya. "Uy pare..." biglang bati n'ya sa lalaki na akala mo'y magkakilala talaga. Natawa naman ang lalaki at nakipagpalitan ito ng kamay kay Sedge. Kaso kapag minamalas nga naman sa sobrang ingay kasi netong si Sedge ay hindi ko narinig ang sinabi nung lalaki. Kahit pangalan n'ya ay hindi. Nandoon lang ako sa kanilang likod bahagyang naka krus ang mga braso sa dibdib habang pinagmamasdan sila. Actually, kanina pa kating kati ang dila ko na magtanong kung kilala ba nila at sino ba ang lalaking iyan. Kaso hindi ako makahanap ng t'yempo, isa pa para akong multo dito sa likod nila. "So ikaw pala yun! By the way, welcome to the group pare," masayang pag we-welcome ni Sedge. Hay naku, kung hindi lang talaga madaldal ang isang to. Muling natawa ang lalaki. "Uh, Salamat." "Ah, ah! May ipapakilala pa ako sayo." Nagulat ako ng biglang bumaling sa akin si Sedge at hinablot ako mula sa kinatatayuan ko. Nagpumiglas pa ako pero huli na ang lahat, nakatayo na ako sa kaniyang harapan, nahihiya. "This is Azwynah. Bebe for short," tumawa pa siya kaya pa simple ko siyang kinurot. Nakitawa naman ang lalaki kaya bahagya akong namula. Nagulat ako ng naglahad siya ng kamay. "Ivouce. Uh, Rovu for short." Tinanggap ko ang kamay n'ya at hindi pa nga nakaka recover ay nagulat ako pa sa sinabi ni Jiyo. "Ah siya nga pala yung kinuwento ko sainyo kanina. Remember kanina Azwynah? Yung pinsan ko. Siya 'yon, si Rovu." ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD