The Fifteenth Star

2041 Words
"Ang bango naman nito." bulong ko sa aking sarili habang nagsusumiksik sa kung anong yakap yakap ko ngayon. Kakagising ko lang pero hindi pa ako bumabangon, hindi ko rin alam kung anong oras na dahil hindi pa rin ako dumidilat. "Baka naman maubos amoy ko niyan kakasinghot mo?" tanong ng isang pamilyar boses sa akin kaya agad agad akong nagdilat ng mata nang masilayan ang mukha nito. "Good Morning prinsipe ko." pagbati nito sa akin dala ang kanyang matamis na ngiti. Kay aga aga magkakadiabetes na ako. "A-anong nangyari? E-Eugene?" tanong ko sa kanya. Ang pagkakaalala ko kasi nasa school pa at... Bigla kong naalala yung engkwentro kagabi at yung naging bakbakan namin, pati yung pagdating ni Dr Mav. Dr Mav... Agad kong tinignan ang paligid at nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang nasa bahay lang ako. Muli ay ibinalik ko ang atensyon sa lalaking katabi ko sa kama na tanging boxer shorts lang ang suot. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "T-tyaka paano ka nakapasok?" tanong ko ulit. "Hindi ba't may susi ako ng bahay niyo? Ano bang nangyayari sa prinsipe ko?" tanong nito sa akin at tyaka ako niyakap at inihiga sa kama. Bakit ako nagkakaganito? Simple lang, nagpakita si Dr Mav sa panaginip ko at sinabing tigilan na ang pagpapanggap ko na walang maalala, ginawan na daw niya ng paraan dahil nakita ko naman na daw yung bound ko at ang kailangan ko na lang daw atupagin ay maibound ang sarili sa kanya. Sinabihan niya rin ako na puntahan siya sa klinika niya dahil may mahalaga daw siyang sasabihin. "Anong tinawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Mukha naman natauhan si Eugene dahil sa aking tanong sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla at takot. "P-prinsipe ko." sambit nito. Hindi ko alam kung ito yung sagot niya o tinatawag niya ako. "B-bakit mo ako t-tinatawag na ganyan?" tanong ko sa kanya. Napahinga naman ito ng malalim at mukhang alam na nito ang nangyayari. Akala ko ay sasagot lang ito ngunit gulat ko na lang nang ipinahiga niya ako at pumaibabaw siya sa akin, hawak niya rin ang mga kamay ko sa magkabilang dulo kaya hindi ako makagalaw. "Tinatawag kitang ganyan dahil boyfriend na kita." sagot nito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Dahil mahal kita at ikaw ang prinsipe ko." dagdag niya at tyaka hinalikan ako sa noon. "At dahil nangako ako na aalagaan kita at poprotektahan sa abot ng aking makakaya." sambit niya at tyaka naggawad ng masuyong halik sa aking labi. Pagkatapos noon ay idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo. Kaysarap sa pakiramdam na ganito sa akin si Eugene. "Alam ko, ito naman mahilig pumatol." sagot ko sa kanya tyaka ko ito nginitian. Matitiis ko pa ba to? Mahal ko kaya tong lalaking to. Nagulat naman to sa naging sagot. "Ibig sabihin?" tanong nito sa akin ngunit hindi ko na pinatapos kasi nagsalita na ako. "Nakakaalala na ako, alam ko na yung mga nangyari dati, pero bumalik man ang mga alaala ko." sambit ko sa kanya. "Naaalala ko kung ano ang mga hindi magagandang bagay na ginawa mo sa akin noon." dagdag ko pa. "Sorry." paghingi niya ng tawad. Bakas talaga sa mukha niya yung lungkot, ramdam ko rin na humina na yung paghawak niya sa kamay ko kaya kinalas ko ang mga iyon para mahawakan ko ang mukha niya. "Pero mas naaalala ko yung masasayang araw na kasama kita at pinapakilig mo ako. Huwag kang mag alala dahil wala akong balak na magstick sa nakaraan, mas gusto kong dalhin ang alaala na masaya tayong magkasama." sabi ko sa kanya tyaka ko siya hinalikan sa kanya labi. Ramdam ko naman ang naging pagtugon niya sa aking paghalik. Medyo natagalan kami sa ganoong tagpo hanggang magring na ang alarm ng cellphone ko. Agad naman kaming kumalas sa paghahalikan. "Natakot talaga ako na baka mamuhi ka sa akin at isipin na nagtake advantage ako sayo noong wala kang maalala." sabi nito sa akin. "Sus, huwag ka nang matakot, kaya nga kita hinalikan sa pisngi noong araw na dinala mo ako sa clinic dahil noon pa man ay gusto na kita sa kabila ng pambubully mo sa akin noon." sabi ko sa kanya na nagpabalik na sa mga ngiti. Maya maya pa ay tumunog na ang tyan ko, naalala ko na hindi na pala ako nakakain ng hapunan dahil nagblackout ako agad. "Tara na nga at kumain na tayo prinsipe ko." pagyaya nito sa akin. "Nga pala, sinabi ko na kay ate na hindi ka makakapasok ngayon at sinabi rin ni kuya Mav na puntahan mo siya sa clinic niya ngayong araw." sabi pa niya. "Talagang pinagpaalam mo pa ako ah. Pero teka, bakit kuya tawag mo kay Dr Mav." curious kong tanong sa kanya. "Ayun ba? Akala ko ay kilala mo si kuya Mav?" tanong nito sa akin na parang naguguluhan. "Oo kilala ko siya pero ngayon lang kasi ako nakarinig na may tumawag sa kanya na kuya." sagot ko naman sa sinabi niya. "Aaahh, hindi mo ba alam na mag-asawa si kuya Mav at ang ate ko?" tanong nito sa akin na nagpalaki sa aking mga mata. "Hindi nga!!??" gulat kong tanong sa kanya. "Oo nga, kahit itanong mo pa sa kanya." pagconfirm niya na lalong nagpagulo sa aking isipan. ---- Sinunod ko naman ang sinabi ni Dr Mav na puntahan siya sa clinic niya. About naman sa mga kaibigan ko ay wala pang nakakaalam na hindi ako makakapasok, si Eugene na daw ang bahalang magsabi. Bilin ko pa sa kanya na huwag nang banggitin ang pagkawala ng malay ko kagabi at sabihin na lang na pinapatawag ako ni Dr Mav. "Oh buti nandito ka na." pambungad sa akin ng magaling na doktor pagpasok ko sa clinic niya. "Ikaw ha, marami kang hindi sinasabi sa akin." pambungad ko rin sa kanya. "Teka teka, mamaya natin pag uusapan yan." sabi nito na mukhang alam na niya ang tinutukoy ko. "Ano ba pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya. "About ito sa nangyari kagabi." sabi nito sa akin. "Ay oo nga, yung tungkol doon, nagulat na lang ako kasi nakaramdam ako ng itim na enerhiya kaya siniyasat ko yung lugar. Tapos yun na nga ang nangyari kinalaban ko yung itim na nilalang at inalis yung itim na awra doon sa puno." paglalahad ko sa kanya ng nangyari. "Kahit ako ay nahihiwagaan din sa nangyari, tinanong ko na rin yung nilalang na kinalaban mo kung paanong humantong sa ganoon pero hindi daw niya maalala." sabi ni Dr Mav. "Sa ngayon ay kailangan nating mag ingat, talasan mo ang iyong pakiramdam mas lalo't kakaiba ang enerhiyang itim na iyon." dagdag pa niya. "Kausapin mo yung kinalaban mo kagabi, pero tuwing gabi lang siya lumalabas sa bahay niya kaya kailangan mo siyang hintayin." payo nito sa akin. "Tyaka bago ko malimutan, mag ingat ka naman sa susunod, lumaban ka ng mag-isa kahapon kahit alam mong unbounded ka pa, paano kung bumagsak ka nang hindi mo pa natatalo ang kalaban? Edi tigok ka? Sa susunod ay tawagan mo ako ah?" bilin naman nito sa akin. "Opo!!!" sagot ko naman. "Ngayon, oras na para magkwento ka tungkol sa love life mo! Ikaw kung hindi ko pa nalaman kay Eugene eh hindi ko pa malalaman na asawa mo ang ate niya!" sabi ko sa kanya. "Chillax, ito na magkukwento na ako." tugon naman nito sa akin. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa dinadami dami ng ospital eh sa akin ka dinala ni Eugene? Oo at nasa ospital tayo ngayon at nandito ka sa clinic ko pero hindi ka ba nagtaka? May mas malapit na ospital doon sa bahay mo." tanong pa niya. Sa tingin niya ba eh maiisip ko pa yun? Sa dami na ng nagyari sa akin eh papasok pa ba sa isip ko yung palaisipan na yon. "Alangan naman na alamin ko pa hindi ba?" sagot ko sa kanya. "Palibhasa inuna mo ang landi bago ang isip." pambabara nito sa akin. "Basta hindi ka pa rin nagkwento." tugon ko naman. "Paano ako magkukwento eh ni anino mo hindi mahagilap dito. Nako kung hindi ka lang talaga ang prinsipe eh nginudngod na kita dyan." sabi nito sa akin. Tama nga rinig niyo, prinsipe ako ng aming planeta, kalahi ko itong si Dr Mav. May mga iilan kaming kalahi dito sa planetang Earth. Kung curious naman kayo sa abilidad ni Dr Mav, hindi obvious na magdodoktor siya kasi may kakayahan siyang magpagaling, kaya niya ring kontrolin ang hangin at isa rin siyang spirit animal bearer. May iba iba kasing uri ng kakayahan sa amin. May mga element user, attribute user na kagaya ko, spirit animal bearer at mga celestials. Yung mga element user, siguro naman alam niyo na ang kayang gawin, malalakas sila dahil nagagamit nila ang kahit anong elemento ang meron, pero kada isang nilalang, isa lang ang elemento na pwede makontrol pwere lang kung isa kang special case na kaya mo lahat. Kapag isa kang royal blood, may pag-asa na lahat ng elemento magamit mo. Sunod naman ang attribute user, nahahati sa walo ang attributes, isa o dalawa lang ang kayang maging attributes ng isang nilalang except sa akin na royal blood kaya lahat mayroon, kumplikado kaming mga attribute users dahil marami kaming pwedeng gawin ayon na rin sa attributes na pwede naming kontrolin. Ang mga spirit animal bearer naman ay yung mga nilalang na pinagpala ng kalikasa, sa totoo lang ay dito lang sa Earth nagkaroon ng ganyang uri ng skill at tanging mga nilalang lamang na nagkaroon ng ganyang kakayahan ay yung mga pinili mismo ng kalikasan. Kung ano man ang nagagawa nila ay hindi ko pa alam dahil hindi ko pa ito nasaksihan, ang tanging alam ko lang ay kung papalarin ka ay bibigyan ka pa ng kakayahan na magpagaling, nalaman ko na lang na ganyan si Dr Mav kasi sinabi niya ito sa akin noong sinasanay niya ako noon. Ang mga celestials naman ay limitado lang sa mga bounded na royal blood, makakamit ito kapag nabound na ang isang kagaya ko, at ang kalalabasan nito ay dedepende kung anong klaseng skill ang mayroon ako. "Hmmh, curious ako, kung asawa mo si mam Mylla, ibig sabihin alam niya kung ano ka talaga?" tanong ko sa kanya. "Syempre alam niya, wala namang lihiman sa aming dalawa, alam niya din na alien ako at pati ikaw." sabi nito sa akin na kinagulat ko, kung alam ni ate Mylla ay baka alam din ni Eugene. "Huwag kang mag-alala, walang alam si Eugene sa mga sikretong tinatago namin ng ate niya." sabi nito sa akin. "Sigurado ka ba dyan? Baka mamaya ay alam na ni Eugene ang lahat!" tanong ko dito dahil hindi ko pa ring maiwasang kabahan. "Kailan pa ba ako nagsinungaling sayo? Nako umalis ka na nga at naalibadbadran na ako sa presensya mo." pagtataboy nito sa akin. "Ay teka pala, ito oh." pagpigil nito sa akin at iniabot ang isang bote ng gamot. "Naalala ko na may word trigger ka pa rin, uminom ka niyan bago ka makipaglaban kapag may nakaharap kang kakaibang nilalang, pipigilan niyan ang masamang epekto ng trigger mo." sabi nito sa akin. The best talaga tong si Dr Mav, kasama nga rin pala sa skill niya ang paggawa ng panlunas na sa aking anong sakit oh sumpa pa ito. "Salamat." pagpapasalamat ko sa kanya. "Basta yung bilin ko ah? Mamayang gabi dalawin mo yung si Mariposa, siya yung nakalaban mo kagabi. Ako nang bahala kay Eugene, basta gawin mo yung inutos ko." pagpapaala nito sa mga bilin niya sa akin. "Opo." pagtugon ko na lang at umalis na sa clinic niya para makapasok na sa school dahil mahaba pa yung oras ko. Pero akala ko ay wala na itong pahabol dahil meron pa pala, talagang hinabol pa ako sa labas. "About pala sa isang attribute mo, yung operatio, malaya mo siyang magagamit kahit anong oras dahil hindi nito kailangan ng malaking amount ng enerhiya mo para magamit, iwasan mo lang gamitin ito sa massive generation dahil mapapaikli nito ang buhay niya." pahabol niya sa akin. "Opo dok." sagot ko na lang dahil madaling madali na ako. "Sige alis ka na, alam ko namang atat na atat ka nang makita si Eugene." pagtataboy ulit nito na hindi ko na pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD