Napabalikwas ako ng bangong nang magising mula sa aking pagkakatulog. Hindi kasi pamilyar yung lugar kung nasaan ako. Halos puro bato ang nasa paligid at tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw dito.
"Gising ka na pala." tinig ng isang bata na sa pagkakaalam ko ay ang nakalaban kong malaking alimango. "Ako nga pala si Krabby. Ikaw?"
Iba na ang itsura nito, mukha na siyang tao dahil wala na yung mga sungay niya at paa ng alimango.
"Jiro... Nasaan ako?" tanong ko dito. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panghihina ng aking katawan.
"Nandito ka sa bahay ko." sagot naman nito.
"Bahay mo?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi mukhang bahay tong kinaroroonan namin.
"Bakit? May problema ba sa bahay ko?" tanong nito sa akin na parang maiiyak na. Mukhang bata pa nga ito dahil sa mga inaakto nito.
"Wala naman, nakakagaan kasi ng pakarimdam yung kapaligiran." pambobola ko na lang sa kanya. Baka kasi mapaiyak ko pa.
"Talaga!?" natutuwa nitong pagkokumpirma sa akin.
Tinanguan ko na lang ito bilang pagtugon. Medyo nanghihina pa kasi talaga ako kaya kahit pagsasalita ay hirap ako.
"Ito oh." sambit nito at iniabot sa akin ng prutas na bayabas. "Kumain ka muna, alam kong hindi ka pa kumakain. Ang tagal mo rin kasing natulog."
"Gaano katagal na ba akong nakatulog?" tanong ko sa kanya.
"Mga ika-labing pitong araw mo nang tulog ngayon." payak nitong sagot sa akin na ikinalaki ng mata ko.
Halos dalawang linggo akong tulog? Ganoon ba ako kapagod para mangyari yun?
"B-bakit parang angtagal ata?" naguguluhan kong tanong.
"Siguro ay dahil sobra kang napagod noon, alam kong iniligtas mo ako sa kadiliman at alam kong ikaw ang naglinis ng palaruan ko." sagot nito sa akin.
"Lagot ako nito." bulong ko sa aking sarili.
"May problema po ba?" tanong nito sa akin.
"Oo, kailangan ko nang umuwi, paniguradong pinaghahahanap na ako ng mga kaibigan ko." sagot ko sa kanya. Nabakas ko naman ang pagbabago sa ekpesyon sa mukha ni Krabby. Parang naging mahirap ang pag alis ko.
"Aalis ka na? Iiwan mo na ako?" malungkot na tanong nito sa akin.
Nakaramdam ako ng labis na lungkot sa naging tanong niya sa akin. Sa itsura niya ngayon ay alam kong ito ang unang pagkakataon na may nakasama siya dito sa bahay niya.
"Mananatili muna ako rito para makasama ka. Pero magkwento ka muna sa akin ng tungkol sayo." sabi ko na lang sa kanya para mapasaya siya ng kaunti. Kung pwede lang kasi ay isasama ko na lang siya pero mukhang hindi pwede dahil siya ang bantay sa lawa.
"Talaga!? Sige magkukwento ako." masayang tugon sa akin.
"Ikaw ba ang bantay ng lawa kung saan kita nakita?" tanong ko sa kanya.
"Bantay? Hindi! ano ako kapre?" tila gulat pa nitong sagot sa akin.
"Kunh hindi ka bantay, paanong ikaw ang nakalaban ko sa lawa na yun?" tanong ko pa ulit sa batang ito.
"Ayun ba? Naglalaro lang kasi ako sa lawa, tapos may dumating na taong nakaitim tapos ayun na, hindi ko na maalala ang lahat." sagot nito sa akin.
Lalaking nakaitim? Siya kaya ang may pakana ng mga pagkakaroon ng itim na awra sa paligid? Kailangan kong sabihin ito agad kay Dr Mav, baka sakaling makatulong sa paglutas namin ng mga nangyayaring sakuna.
Tinignan ko si Krabby, mukhang hindi naman siya harmful at matino naman siya. Ayaw ko kasing umalis at iwanan siya dito lalo na noong makita ko ang itsura niya noong sinabi kong kailangan ko nang umuwi.
"Krabby, wala namang mangyayari sayong kakaiba kapag nalayo ka sa bahay mo hindi ba?" tanong ko sa kanya para masigurado ko na pwede ang plano ko.
"Wala, kahit saan ako mapadpad walang mangyayari sa akin, iba na lang kung may nakaitim na naman na magpapapangit sa akin." sagot nito sa akin.
Napangiti naman ako sa winika niya, kung ganoon ay maaari ko na siyang ampunin dahil wala naman palang mangyayari sa kanya.
"Ito, kailangan ko na talaga kasing umuwi talaga Krabby." sabi ko sa kanya. Agad na namang bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. "Pero uuwi lang ako kung sasama ka sa akin."
Mukhang hindi agad naintindihan ni Krabby ang sinabi ko kaya't natulala pa ito pero bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.
"Talaga isasama mo ako?" galak na galak na tanong sa akin ni Krabby.
"Oo, ayaw kasi kitang iwan dito baka balikan ka nung nakaitim. Mas mabuti na may mag aalaga sayo." tugon ko naman sa kanya.
"Salamat!" pagpapasalamat nito sa akin tyaka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Iayos mo na ang gamit mo, aalis na tayo agad. Malamang marami nang nag aalala sa pagkawala ko." utos ko naman sa kanya.
Kung tutuusin ay mukhang mahihirapan pa ako magpaliwanag sa mga kaibigan ko. Siguro ay kailangan ko muna pumunta kay Dr Mav para na rin maipakilala si Krabby at mabilhan ito ng damit na aangkop sa labas. Yung suot niya kasi ay halatang hindi pang tao.
....
"So nakalaban mo itong bibwit na ito kaya ka nawala ng halos dalawang linggo?" mapanuring tanong sa akin ni Dr Mav habang nandito kami sa clinic niya. Sakto din at nandito si ate Mylla na sobrang nakucutan kay Krabby.
Buti na lang talaga at dito kami dumiretso dahil ayon kay Dr Mav ay nasa bahay daw ang mga kaibigan ko habang naghihintay ng balita tungkol sa akin. Nalaman ko rin kay ate Mylla na halos magwala daw si Eugene nang malaman na nawawala ako. Ayun lang at wala itong magawa dahil hindi ito makaalis sa camp nila dahil hindi siya pinayagan ng papa nila.
Sakto pa at nandito din si ate Mylla dahil may nag abala na bumili ng mga bagong damit para kay Krabby na labis naman na kinatuwa ng bata. Kung titignan mo kasi ay napakacute niya lalo na noong pinaliguan ko siya dito sa ospital.
"Oo Dr Mav, nabiktima din siya ng itim na enerhiya." sagot ko naman.
Agad ko rin namang inilahad ang mga kaganapan pati na rin ang mga ikinuwento sa akin ni Krabby. Madali din namang naunawaan ni Dr Mav dahil kilala niyo naman ang doktor na ito, matinik.
"Sa ngayon ay magpahinga ka muna Jiro, tyaka.." paunawa nito at bago pa matapos ang sasabihin ay nakaramdam ako ng batok mula sa kanya. "Tawagan mo ako kapag alam mong mapapasabak ka!! Ilang beses na kitang pinaalalahanan ah!" pagsermon naman niya sa akin.
"Sorry na, nawala na sa isip ko eh." pangangatwiran mo naman.
"Mabuti na lamang ay wala masyadong nangyari sayong masama kung hindi ay baka ako ang managot sa mga elders." sabi nito sa akin.
Nasa ganoong pag uusap kami nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang napakakisig at napakagwapong nilalang na nakilala ko.
"Ate? Nasaan si..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang nahagip ng kanyang paningin ang aking kinaroroonan.
Wala naman siyang inaksayang panahon at agad lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Kumusta ka na? Anong nangyari sayo? Bakit bigla ka daw nawala?" sunud sunod na tanong nito sa akin.
Napangiti naman ako sa kanyang pinakita dahil ramdam na ramdam ko talaga ang pag-aalala nito sa akin. Sino bang hindi kikiligin kung ganito kakisig na lalaki ang manggaganito sayo?
"Papa Jiro, sino siya?" pagsingit naman ni Krabby sa amin ni Eugene.
Nabigla naman ang isa sa nakita at mukhang naguluhan sa pagsulpot ni Krabby. May napagkasunduan kasi kami ni Krabby bago ko siya dalhin dito. Naikwento kasi niya sa akin na wala na siyang nakagisnang magulang, napamulat na lamang siya mata at nandoon na siya sa kweba. Hindi rin daw niya alam kung saan siya galing. At dahil isa akong mabait na estudyante ng Saint Morning Academy, sinabi ko dito na ako na ang tatayong magulang niya, at sinabi ko rin ang tungkol kay Eugene na labis namang kinagalak ni Krabby.
Tinignan ko si Eugene, kita ko sa itsura niya na 'wala ako sa mood para sa mga bata' pero bago pa ito makapagsalita ng kakaiba sa bata ay nagsalita muli si Krabby.
"Siya na po ba si daddy Eugene ko papa?" tanong nito ulit sa akin. Tinignan kong muli si Eugene at mukhang nabigla ito sa tanong ng bata. Wala na rin yung pangit na ekpresyon nito at napalitan ng pagkamangha. Mukhang alam na nito ang magiging papel nito sa bata.
Agad naman itong yumuko sa harap ng bata nginitian ito tyaka ito binuhat at hinalikan sa pisngi nito.
"Oo, ako nga yung daddy Eugene mo, anong pangalan ng baby ko?" tanong nito sa bata.
Buti na lamang ay naturuan ko na ng ilang mga salita si Krabby na ginagamit namin. Naging madali ding naipaintindi sa kanya ito dahil na rin sa tulong ni Dr Mav gamit ang abilidad nito sa paggawa ng mga gamot oh solusyon.
"Krabby po." magalang na sagot ng bata sa kanya. Tignan mo tong batang to, kanikanina lang ay parang magkaedad lang kami mag usap tapos ngayon ay marunong nang mag po.
"Ang cute naman ng pangalan ng anak ko. Kiss mo nga si daddy." utos niya kay Krabby na sinunod naman ng bata.
Ibinaling naman ni Eugene ang atensyon sa akin at hinila ako palapit sa kanila ni Krabby.
"Tara, kakain tayo sa labas dahil hindi pa ako kumakain at mukhang gutom na rin ang anak natin." pagyaya sa akin ni Eugene na mukhang damang dama ang pagiging ama kay Krabby. Ewan ko ba sa lalaking to, basta ideya na mga ganito na involved kaming dalawa eh game na game siya. Tulad nito, nang malaman na siya ang daddy ni Krabby eh sinakyan agad dahil lang sa ako ang papa ng bata.
"Kakain tayo?" excited naman tanong ni Krabby sa daddy niya. Oo nga pala't hindi na kami nakakain ng bata, siguro'y matutuwa ito kapag nahainan ng pagkain sa aming mundo.
"Oo kaya tara na dahil gutom na si Daddy." sabi nito at hinila na ako kasama ang tinuturing naming anak.
"Baka gusto niyo kaming yayain?" sarkastikong tanong ni ate Mylla sa kapatid niya.
"Huwag ka nang umepal ate, magdedate kaming isang pamilya kaya huwag ka nang umekstra, lumabas na lang kayo ni kuya Mav ng solo hindi yang nakikisawsaw ka." suplado namang sagot ni Eugene.
Bago pa makasagot si ate Mylla ay agad naman na kaming hinila ni Eugene palabas ng clinic.
...
Tuwang tuwa si Krabby nang dalhin namin siya sa isang mall na sikat na sikat dito sa aming lugar. Napakalaki kasi nito at masasabing lahat ng lawaran na makukuha mo dito ay 'instagramable'. Kumaen kami sa isang kilalang fastfood dito sa bansa at tulad sa inaasahan ay labis na nagustuhan ni Krabby ang pagkain. Aba't nakatatlong chicken ito at umorder pa ng sundae. Ito namang si Eugene ay halatang inisspoil ang bata, halatang tuwang tuwa siya sa biglang pagsulpot ng bata kahit noong una ay balak nitong supladuhan ito.
"Busog na ba ang baby namin?" tanong ni Eugene kay Krabby.
Tumango naman bilang pagtugon si Krabby, mukhang busog na busog ito kaya halos hindi na makapagsalita.
Kinuha na rin namin ang pagkakataon na ito upang makanuod kami ng sine. Ito ang unang pagkakataon namin bilang isang pamilya. Nakakawili pa at kitang kita kung gaano kainosente si Krabby sa mga ganitong bagay. Natutuwa ako dahil ngayon pa lamang ay naipapadama na namin sa kanya ang pagkakaroon ng mga magulang.
"Mukhang napagod ata ang anak natin." sambit ni Eugene habang buhat buhat si Krabby na tulog na tulog ito.
"Oo nga eh, ayan at tulog na." tugon ko naman sa sinabi niya.
"Alam mo, alalang alala ako nang malaman na nawawala ka, hindi lang ako makaalis agad dahil pinigilan ako ni papa. Tapos mabibigla na lang ako pagbalik mo may kasama ka nang bata. Pero noong tinawag nito akong daddy, labis na galak ang nadama ko. Oo bata pa tayo pero hindi naman siguro masama kung bubuo tayo ng pamilya ng ganito kaaga." litanya niya sa akin na kinangiti ko naman.
"Sa totoo lang ay may kakaibang tumusok sa aking puso nang makita ko si Krabby na nag iisa lamang. Kaya hindi na ako nag atubili na kunin siya dahil alam kong kailangan na kailangan niya ng mag aalaga sa kanya. Kaya Eugene, gusto ko sanang magkasama nating palakihin ang anak natin." sabi ko naman sa kanya.
Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Makakaasa ka, makakaasa kayo ng anak natin na magiging masaya ang pamilya natin. Pangako." pagbibitiw niya ng pangako tyaka ako binigyan ng masuyong halik sa aking mga labi.