The Twenty First Star

2038 Words
Ilang beses na ba ako naligtas ng ni Krabby my son ngayong araw na ito? Madami dami na ata. Paano ba naman kasi, pagkauwi ko sa bahay nakaabang na yung mga kaibigan ko na pinaglihi ata sa sama ng loob. Mukha kasing nasabihan na sila ni Dr Mav na nakabalik na ako, ayun lang ay hindi ko alam kung anong sinabi niyang dahilan. Pero dahil mabait akong estudyante ng Saint Morning Academy, isabay pa na kasama ko ang cute na si Krabby na anak namin ni Eugene my love, nakaligtas ako sa nagbabadyang 1000 years sermon Warka, Tyanak and Bisugo Edition Series of 2017, Copyright, All Rights Reserve. Dami ko na nasabi pero itong anak ko nakatingin lang sa mga kaibigan kong nakapalibot sa kanya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ni Krabby pero ramdam ko na naaalibadbaran siya sa mga ito. Tinignan pa niya ako, mukhang nabasa ko ang nasa isip niya, tama nga na dinala ko siya dito at inampon dahil magkakasundo kami sa mga trip namin. Ang kapag sinabing trip ay kung paano aasarin ang mga kaibigan ko. Tumango ako sa anak ko bilang pagbibigay senyales na payag ako sa binabalak niyan gawin. Buti na lamang ay pinalabas namin na limang taong gulang pa lamang siya, ganun naman kasi talaga ang itsura niya. Maya maya pa ay biglang na lang umiyak si Krabby at tinawag ang pangalan ko. "Papa!! Papa!!" pagtawag nito sa akin. Agad ko naman siyang pinuntahan upang buhatin at ilayo sa mga kaibigan ko na nagsimula na ring magpanic nang umiyak na ang bata. "Oh bakit umiiyak ang baby ko." tanong ko dito. "Tatakot po ako!!" umiiyak na sagot sa akin ni Krabby. Tinignan ko naman yung mga kaibigan ko na parang nagtatanong ng 'anong ginawa niyo sa anak ko?' at lahat sila ay hindi makapagsalita, wala talaga silang kamalay malay na pinagtitripan lang namin sila. "Bakit naman natatakot ang baby ko?" tanong ko kay Krabby. Bago ito sumagot sa akin ay tinuro muna niya ang mga kaibigan ko at... "Pinalibutan po ako ng mga monsters!" sumbong nito sa akin. Iilang araw palang si Krabby sa amin pero marami na talagang natututunan na mga salita mula sa akin. Syempre kailangan ko siyang bigyang kaalaman upang madali niyang maaral kung paano makisalamuha sa mga tao. Muli kong binaling ang paningin sa mga kaibigan ko na mukhang nashock sa sinabi ni Krabby. Hindi ko na napigilang tumawa dahil sa pinakita nilang reaksyon. "Tignan niya sa sobrang papangit niyo natakot tong anak ko!" sambit ko sa kanila na siyang namang sinagot ni Mio. "Yang anak mo ha! Manang mana sa ama niyang pulpul!" tugon ni Mio sa akin na lalo kong ikinatawa. "Oh siya uuwi na kami, nasaan na ba si Eugene? Dapat may nagbabantay sa inyong dalawa eh, mas lalo sayo Jiro, bigla bigla ka kasing nawawala." sabi naman ni Jules na parang wala lang yung pagiging pangit niya. "Kumuha lang ng gamit niya sa kanila, dito na daw kasi titira." sagot ko naman. "Wow ha, talagang paninindigan niyo na pagiging pamilya niyo ano?" sabat agad ni Dave na akala niya ay hindi ko alam ang mga nangyayari sa kanila ng bully niya na si Greg. Aasarin ko pa sana siya nang sumabat na si Krabby sa aming usapan. "Papa gutom na ako." sabi nito sa akin. Gutumin talaga itong anak ko, pero dahil mabait akong estudyante ng Saint Morning Academy, at mahal na mahal ko tong si Krabby, syempre pakakainin ko siya. ... At dahil hindi pa rin tapos ang bakasyon, napagdesisyunan namin na ituloy ang naudlot na outing namin. Sana lang ay wala nang magparamdam na hindi maganda para hindi mapostpone ang aming lakad. "Ready ka na ba baby?" tanong ni Eugene kay Krabby na kanina pa hyper na hyper. "Yes daddy!!" sagot ni Krabby sa ama niya. Tulad ng plano dati ay nagpunta kami sa isang beach resort medyo may kalayuan sa aming lugar. Maganda naman dito, sulit ang ibinayad namin para sa ilang araw na pamamalagi namin. "Ang ganda talaga ng dagat!!!" sigaw ni Dave habang feel na feel ang hangin na tumatama sa kanya. Nasa likuran naman niya si Greg na mukhang namamangha pa sa bulinggit na kasama namin. I really wonder paano naging ganito sitwasyon nila, dati ay halos mapaiyak na ni Greg si Dave ngayon ay takot na takot si Greg na mapaiyak si Dave. Ito namang anak namin ni Eugene na si Krabby eh tulog pa rin at karga karga pa rin ng ama niya, feeling ko ay maeexcite tong anak ko kapag nagising mas lalo't nasa dagat kami. Pangarap niya daw kasi makapunta sa ganito dahil lagi itong naikukwento sa kanya ng mga kaibigan niya sa lawa. Tinungo namin ang agad ang lugar kung saan kami mamamalagi. Sa resort kasi ay pwede kang magrenta ng pent house mas lalo na kapag marami kayo. Maganda naman tutuluyan namin, isang simpleng bahay na may katamtamang laki na sapat na para sa amin. Gawa ito sa semento ngunit may mga parte dito na yari sa kahoy. Nagpunta na kami sa kanikaniyang kwarto kung saan mag-isa lang ni Mio dahil siya lang ang babae sa grupo. Kami namang tatlo nina Eugene at Krabby sa isang kwarto at sina Dave, Jules at Greg naman sa isa. "Mukhang hindi makakapuntos si pareng Greg ah." mapagbirong sambit ng lalaki sa aking tabi. "Oo nga eh, meron silang bantay." tugon ko naman. "Tara punta na tayo sa kwarto para maayos na natin ang mga gamit." pagyaya sa akin ni Eugene na agad ko rin namang sinundan. --- Maghahapon na nang maisipan naming magsilabasan sa kanya kanya naming mga kwarto. Mukhang lahat kami ay nakatulog. "Papa, Daddy, gusto kong pumunta sa tabing dagat." pagyaya sa amin ni Krabby, hila hila pa ang laylayan ng damit ni Eugene. Agad naman binuhat ng kanyang ama si Krabby at kinausap ito. "Sige baby, tara't maglaro na tayo sa labas."  sabi nito sa anak at dali dali nang lumabas. "Mukhang may kaagaw ka na sa atensyon ng labidabs mo ah." sambit ni Mio kasabay ng biglang pagsulpot nito sa gilid ko. "Ayy warka!!" gulat kong sabi kahit hindi naman talaga ako nagulat, gusto ko lang talagang asarin tong babae na ito. "Tse!! Makawarka ka sa akin. Oh anong balak mo? Iniwan ka na ng mag ama mo." sabi niya sa akin. "Hayaan mo muna sila, nakakatuwa nga silang tignan eh, hindi ko lubos akalain na magiging ganyan ang pagtanggap ni Eugene kay Krabby. Akala ko noong una ay hindi niya ito magugustuhan pero noong araw na tinawag siyang daddy ng bata, tignan mo't tuwang tuwa pa siya." litanya ko naman habang tinatanaw ang nakaraan. "Ang cute niyong tignan sa totoo lang, para na talaga kayong isang pamilya." pagpuri sa amin ng warka ko kaibigan. Habang nasa ganoong pag uusap ay siya namang pagdating ng naghahabulan na sina Dave at Greg. Si Dave kasi ay may kung anong hawak at si Greg naman ay pilit na kinukuha ito. "Ano ba Dave, akin na yan!" sambit ni Greg na pilit hinahabol ang kaibigan kong tyanak. "Patingin muna kasi! Ano bang tinatago mo dito?" tanong naman nito. "Akin na kasi!! Masasaktan ka kapag hindi mo yan binalik!" dinig kong sabi ni Greg. Doon ay nagsimulang marinig ko ng paulit ulit ang salitang masasaktan. Ang aking word trigger na siyang kahinaan ko. "Aaaaaah!!!" daing ko nang makaramdam ako ng matinding pagkirot sa aking ulo. "J-Jiro?" Pagtawag sa pangalan ko ni Mio na ngayon ay natataranta na dahil sa inaakto ko. "Jules!!! yung gamot ni Jiro!!!" utos ng kaibigan ko. "Nasaan yung gamot niya?" taranta na ring tanong ni Jules kay Mio. "Wala ka bang dala?" tanong pabalik ng Warka ko kaibigan sa Bisugo. "Wala, akala ko kasi ay may dala na kayo." sagot naman ni Jules. Tuloy pa rin ang pagsakit ng ulo ko na tila gumagapang na pababa sa aking katawan. Unti unti ay para akong napaparalisa dahil hindi na rin ako makagalaw. "Anong nangyayari sa kanya?" dinig kong tanong ni Eugene. "Papa!!!" naiiyak na sambit naman ni Krabby, ramdam ko rin ang paglapit nito sa akin. "Jiro? Prinsipe ko? Anong nangyayari sayo?" rinig kong tanong sa akin ni Eugene. Pero hindi ko na magawang sumagot, kahit paggalaw oh pagdaing sa sakit ay hindi ko na magawa. Naparalisa ang katawan ko at hindi ko alam kung anong nangyayari. Unti unti din ay nilalamon ng dilim ang aking paningin hanggang sa nawalan ako ng malay. --- Nandito ako ngayon sa isang madilim na espasyo na alam kong hindi isang ordinaryong lugar. "Jiro." pagtawag sa aking pangalan ng isang tinig na nanggaling sa aking likuran. Nilingon ko naman ito at nakita ko si Foxy na nagliliwanag sa kadiliman. "Nasaan ako?" tanong ko sa kanya. "Nandito tayo sa loob ng isang kakaibang dimensyon." sagot nito sa akin. "Kasalukuyang naglalakbay ang iyong diwa dito sa lugar na ito." dagdag pa niya. "Anong bang nangyari? Kakaiba ito sa mga naranasan ko noon nang sinumpong ako ng trigger ko." sambit ko sa kanya. "Dahil iyon sa kakaibang nilalang ngayon na sumukob sa iyo." sagot nito sa akin. "Pilit nitong inaangkin ang iyong katawan ngunit dahil agad kong nai-seal ang iyong katawan ay hindi niya ito magamit." saad niya. "Sinong nilalang ito?" tanong ko pa ulit. Kung ako itong si Foxy ay kanina pa ako nainis dahil sa daming tanong. "Hindi ko alam, ngunit kapareho ito ng enerhiyang itim na nakakalaban natin." sagot nito sa akin. Kung ganoon ay sinusubukan akong kontrolin ng itim na enerhiya. Pero paano ako nitong nalagyan ng ganito? Hindi ko naman naramdaman ang presensiya nito. "Paano ko maibabalik ang sarili ko sa dati? Paano ako makakalabas dito?" tanong ko sa kanya. "Sa ngayon ay kailangan nating hanapin ang sentro ng dilim na ito. Sa ngayon ay iyon muna ang gawin natin. Paniguradong makakaisip tayo agad nang paraan sa oras na mahanap natin nito. saad ni Foxy sa akin. Agad naman naming ginawa ang kanyang sinabi at sinimulang galugarin ang madilim na espasyong kinalalagyan namin. Salamat lang talaga sa liwanag ni Foxy ay nagagawa naming makita ang dinadaanan namin. Diretso lang ang daan namin at parang wala na itong katapusan. Unti unti rin ay nakakaramdam na ako ng panghihina. "Huwag mong hayaan na manghina ka Jiro, baka tuluyan kang makain ng dilim kapag hinayaan mo ang sarili mo na bumagsak." puna sa akin ni Foxy. "Bakit ganoon, diwa ko lang ito ngunit nakakaramdam ako ng panghihina?" tanong kong muli. "Dahil iyon sa sinusubukan ng kadilim na kainin ang buong pagkatao mo upang magkaroon ng kontrol sa katawan mo. Kaya kamang ito hindi makatuloy ay dahil sa liwanag na dala ko." sagot nito sa akin. Doon ay pumasok sa isip ko ang isang ideya upang maiwasan ang panghihina ko at malamang sa malamang ay baka mabigyan nito ng solusyon ang kasalukuyang suliranin na aking kinakaharap. "Foxy! May naisip ako!" sambit ko sa akin spirit animal. "Ano ang iyong naiisip?" tanong naman nito. "Magsanib kaya tayo?" suhestyon ko sa kanya. "Hmmh, Mukhang magandang ideya, pero bakit mo naman naisipan na magsanib tayo?" tugon naman nito. "Sa tingin ko ay mas mahihirapan ang kadiliman na lamunin ang diwa ko kung magiging isa tayo." sabi ko sa kanya. "May punto ka dyan sa iyong sinambit." sambit nito at walang pasabi ay lumundag ito sa akin. Doon ay sumanib sa diwa ko ang liwanag ni Foxy kaya unti unti ay nagbago ako ng wangis. Tulad ito nang anyo ko kapag naka spirit animal mode ako. Katulad din nang inaasahan ko ay nagliwanag din ang aking katawan. Ang senses ko rin ay lumakas. Doon rin ay nagsimula na akong makaramdam ng awra, isang malakas na enerhiya na nanggagaling kung saan. Tinignan ko ang paligid, naging malinaw na ang aking nakikita. May shade mang itim ay kita ko ang kapaligiran. Nandito pa rin ako sa penthouse ngunit ang pinagkaiba lamang ay nasa ibang dimensyon ako. Nakikita ko ang mga nangyayari sa labas ngunit sa tingin ko ay hindi nila ako nakikita. Tinignan ko ang katawan ko, nakahiga lamang ito sa aming higaan. Sa tabi ko ay ang umiiyak na sa Krabby kasama ang ama niya na hawak hawak ang aking kamay. "Tara Foxy, tapusin na natin to." sabi ko at tinungo na ang pinanggagalingan ng malakas na itim ba enerhiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD