Kabanata UNO

2004 Words
MARIE Mahaba na ang pila ng mga aplekanting mag-aapply nang dumating ako sa gusali na iyon. Simpling maluwag na bulaklaking blouse na tinernuhan ko ng itim na paldang hanggang bukong-bukong ang haba. Hinayaan ko rin na nakalugay ang napaka- kulot kong buhok. Inayos ko sa pagkakalagay at tinaas ng kaunti sa nose bridge ang suot kong makapal na salamin sa mga mata. Isang beses ko pang prinaktis ang magandang ngiti sa labi bago pasadahan muli ng tingin ang pangalan ng building na iyon. Madrigal Corporation. Hiring ngayon sa iba't ibang sektor ang kompanya. At nais ko sanang sumubok na mag-apply bilang isa sa office staffs rito. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho ay 'di ako magtsatsagang mag-antay sa napakahaba na pila na ito. But I have no choice, kailangan kong magtiis. Shocks! Ang haba talaga ng pila at may mahigit limampo na 'ata ang naroon nang pagdating ko. At sa kamalas-malasan ako pa ang nasa pinakahuli! Dala ang resume at ilang requirements ay matsaga akong nag-antay sa pilahan. Naagaw ng aking pansin ang dalawang babaeng nag-uusap sa aking unahan. Pawang magaganda ang mga ito at matatangkad. Parang pang modelo nga ang mga katawan at gayak ng mga ito. "Sana ako ang makuha. Kahit walang dayoff ok lang. Kung s'ya naman ang kasama ko araw at gabi 'di ba? Kahit ako pa magpaligo sa kanya at magbihis walang problema! Sobrang gwapo na alaga plus malaking sahod!" anang tila bulating binudburan ng asin ang babae sa sobrang kilig. "Sana isa sa'tin ang makuhang yaya n'on, galingan mo sa interview ha? Nako isang Linggo akong nag-practise magluto no!" ang pagmamalaking sabi naman ng isa. Naguguluhan man ay hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Pero napansin ko lang... Bakit karamihan sa mga aplikante ay puro magaganda at may ilan naman na matatanda na? 'Yong tipong nasa 40 to 50 na ang edad? Well, nakita ko lang sa newspapers ang nasabing kompanya. Sabi roon ay hiring ito sa ibat ibang sektor. Ano 'yon mag-aapply silang cook? Ang gaganda nila a, at parang pawang may mga pinag-aralan pa. That's a bit strange... Baka malaki talaga ang alok na sahod. Well, nakita kong nakalagay roon. Good salary offer. Kaya possible. Napakayaman nila e. Shit. Mahaba-habang hintayan ito. Kumakalam na ang tiyan ko sa gutom, dapat pala nagdala ako ng makakain kahit cookies man lang. Binuksan ko ang aking bag at sinipat kung may naitago akong kahit candy man lang. Hmmmp. Damn it. Wala! Pero atleast may tubig akong dala pang pawi rin ng uhaw at gutom ito. Sobrang yaman talaga siguro ng pamilyang 'to ang gara ng gusali pang Alta-syudad talaga e. Kumikinang na paligid ang makikita sa bawat sulok nito. Ang mga chandelier, hmm... Bongga! Ang mga impleyadong karamihan ay naka business suit. Mukhang alanganin ang porma ko dito a. Karamihan sa mga nakapila at mga dumaraan ay napapatingin sa'kin at napapangisi. Taas noo ko rin silang tiningnan. But who cares? Confident naman ako na kahit ganito itsura ko, makakakuha pa rin ako ng trabaho at kung hindi man sa kompanyang ito, e, 'di maghanap sa iba. Kung 'di ko lang alam na malaki ang inaalok na pasahod baka kanina pa ako kumaripas paalis sa sobrang gutom. Pero andito na ako e, sayang naman walang masama kung subukan malay natin matanggap ako kahit taga gawa lang ng kape at taga linis sa opisina. Kung malaki ang pasahod aba, papatusin ko talaga! Hindi na masama. Sobrang gutom na talaga ako nag-iingay na ang tiyan ko. Pero konte na lang besh, turn mo na! Ang bulong at pagpapalakas ko sa aking sarili. Pangako self, after nito kakain ka nang bonggang-bongga! Napadila pa ako sa sariling labi habang iniisip ko na ang mga kakainin ko mamaya. Mag-alas tres na nang makapasok ako sa opisina ng naturang interviewer. Nadatnan ko sa loob ang isang may edad nang babae na printeng nakaupo sa kanyang swivel chair. Pinasadahan ako ng tingin at sinenyasan upang maupo. Sa edad nito'y makikita pa rin ang kagandahan nito lalo noong kanyang kabataan. Ang awra at kilos nito'y sumisigaw ng karangyaan. Medyo mukha itong istrikta ngunit hindi naman nakakatakot. Matiim itong nakatingin sa'kin partikular sa aking mukha, dahilan para makaramdam ako ng medyo pagka-ilang. Tinanong ako ng ilang mga bagay. Medyo nawe-weird-duhan pa nga ako dahil tinanong niya ako kung marunong ako ng mga gawaing bahay lalo na ang magluto, linis, plantsa at laba. Dahil ba sa suot ko, kaya akala ng ginang ay katulong ang ina-apply-an ko? What the heck! Bigla kong naalala ang dalawang babaeng kasunuran ko. Ang usapan nila. Baka nga sa kitchen department ang bagsak ko nito. Baka ilalagak sila sa mga hotels na pagmamay-ari ng mga ito, ganon? "Tatawagan na lang kita, kung tanggap ka. Honestly, dalawa kayong aplekanting pinagpipilian ko sa isang posisyon." Ang malumanay na sabi nito. "Eh, Ma'am hindi nyo ba ako tatanungin kung ano na ang mga naging experiences ko sa trabaho, my skills etc? Nakalagay naman d'yan sa resume ko pero po normally sa interview e, tinatanong ang mga bagay na iyon 'di po ba ma'am? " Ang alanganin kong tanong sa ginang na matamang lang na nakatitig sa aking mukha. "Ano bang ina-apply-an mo dito hija?" ang seryoso nitong tanong. "Office staff po ma'am," ang alanganin kong sagot. Nakita ko pa ang bahagya nitong pagkagulat at ang pagpasada ulit nito ng tingin sa aking kabuuan. "Sa ganyang ayos?" parang hindi ito makapaniwala. Napaawang rin ang labi ko at nahiya. "Hiring ngayon sa departamento ng anak ko, pero kung doon ka mag-a-apply hindi ko alam kung makakakuha ka ng trabaho. I know the taste of my son, hija." Ang makahulugan nitong sabi. "Hindi kita ilalagay bilang office staff kung sakali. May iba akong offer para sayo but give me a little time to decide, just wait for my call. I will let you know this week, if you're hired or not." ** Pinanggigilan ko ang hita ng manok na aking in-order sa isang kilalang fast food restaurant. Grabe ang gutom ko. Kasabay ng pagnguya ay ang pagbalik tanaw sa mga sinabi ng ginang na siyang nag-interview sa'kin. She wants me to be her son's personal yaya? What the fvcking heck talaga. Pero infairness, maganda ang offer ng ginang. Malaki ang sweldo bukod sa may oras lang ako ng trabaho. Sunday to Friday ang trabaho. Stay in, but I'm free to go wherever I want on Saturday at babalik na rin ako Sunday ng umaga. Libre lahat. Pagkain, tulugan, saan ka pa 'di ba? Ang sweldo? Tumataginting na 30k every month mas malaki pa kaysa sa sinasahod ng isang normal na employee sa isang kompanya. Nakalimutan ko lang itanong kung ilang taon na kaya 'yong anak, normal ba na bata or may kapansanan? Bakit 'yong mga magagandang babae kanina sa pila na naririnig ko e, parang mga kilig na kilig? I got curious... Pero aaminin kong interesado ako sa trabahong iyon. Sanay naman ako sa gawaing bahay. Alam ko rin naman magluto at handa ko rin e-improve pa ang sarili ko sa larangan iyon. Pagdating sa aking appartment na inuupahan ay agad kong binuksan ang aking laptop. I typed. Madrigal Corporation. Nagmamay-ari sila ng malaking shipping company, airlines, hotels at oil company. Hindi mabilang na gas stations sa bansa ang pagmamay-ari nila. Wow... I searched the owner of the Madrigal Corp. And I was surprised. It was no other than Senator Recardo Madrigal and Mina Recaforte Madrigal. May dalawang anak na lalake ang mga ito. Napalunok ako... It sounds so familiar to me. Bukod d'yan ay wala na akong nakikita na karagdagang impormasyon. UNO "Kumusta naman ang pa-interview ni tita sa magiging yaya mo? Balita ko araw-araw mahaba ang pila a?" ngising asong tanong ni Matthew. "May mga modelo pa raw pare na pumila, dapat talaga ikaw ang pipili para naman masaya," aniCarl at sinundan pa ng malutong na tawa. "Tang*na nyo nawala lang ako ng ilang buwan pagbalik ko naging monggoloid na kayo ni Vince?" si Noah na kababalik lang nito noong nakaraan Linggo mula sa Canada. Ito ang personal na nag-aasikaso at pinapadala ni Kiel sa iba nitong mga negosyo lalo na ang mga nabase sa ibang bansa. Tulad ng bagong patayo nitong hotel sa England at Canada. Si mama lang naman ang may kagustuhan sa idea na 'yon. Lagi itong nagagalit sa'kin tuwing pumupunta sa unit ko at sobrang gulo raw. May napunta naman cleaner isang beses sa isang Linggo pero nagagalit pa rin si mama. Hindi pa rin ito kontento sa nakikitang situwasyon sa condo ko. Noong nakaraang araw ay nagalit ulit ito sa 'kin. Nang madatnan nitong magulo ang aking unit at maabutan ang tatlong babaeng hubad na natutulog sa kama ko. Yeah right, I had extremely s*x from the other night. Sa kamalas-malasan e, naabutan pa ng aking ina ang tagpong 'yon. My dad was so furious at me too, nang malaman ang nangyari. Mas lalong naging pursigido si mama na ihanap ako ng katulong. Hindi lang para sa gawaing bahay kun 'di para bantayan rin ako at e-report lahat ng mga katarantaduhang ginagawa ko. Noong una'y nakumbinsi ko si papa na tutulan ang ideyang 'yon ni mama. Matagal na kase nitong gusto na kumuha ng katulong na siyang makakasama ko sa unit ko noon pa na agad ko naman tinutulan. At first, dad is at my side, kinausap ko ito para kumbinsihin si mama na h'wag na niyang gawin 'yon. That I'm old enough, nangako rin akong magiging masinop at maingat. Pero after ng kinasangkutan kong iskandalo isang taon na ang nakakaraan ay hindi maganda ang naging relasyon ko sa aking mga magulang. Nailagay ko sa malaking kahihiyan ang pangalan ni dad. Kumalat ang s*x vedio ko kasama ang dalawang babae. Pinag peyestahan iyon sa social media. Mabuti na lamang at nagawan ni dad ng paraan para matigil na iyon sa pagkalat at pinabura at block din ang vedio na iyon sa social media. Nilimitahan din ako ni daddy, financially. Inaamin ko naman na kung hindi sa family business namin ay walang-wala talaga ako. Hindi ako katulad ng mga kaibigan kong nagbabanat talaga ng buto paramapaunlad ang sariling negosyo. Binawi ni dad sa 'kin ang posisyon ko sa kompanya dahil puro pangbubulakbol lang daw ang ginagawa ko. And he said that, I dont deserved the position. Halos buwan-buwan din akong nagpapalit ng sekretarya dahil 'di ako nakakaiwas sa pang-aakit nila at nauuwi lang lahat from secretary to sexcretary. Kaya binigay nito ang pinakamataas na posisyon sa nakababata kong kapatid. Nag-umpisa na rin akong makatanggap ng mga threats na hindi ko alam kung saan nanggagaling, kaya bantay sarado rin ako sa mga body guard na kinuha ni papa para sa aking siguridad. "Kung kailan tumanda kayo tsaka kayo nagroon ng yaya." Ani Kiel na bagong dating. Bagong gupit din at mukhang nagpapapogi ang gago! palibhasa e, dumating na si Althea kaya nawala na ang pagiging ermitanyo nito. "Tingnan mo kung paano magsalita 'tong gagung 'to, baka nakakalimutan mong kami ang naging yaya mong gagu ka mula nang umalis si Althea at ngayon andito na siya e, lakas na ng loob mo ah!" tiningnan ko ito ng masama. Tinawanan lang ako ng gago at binato ng unan. "Nakausap ko ang mama ko this morning there are two candidates na daw siyang pinagpipilian.Isang matanda, at isang dalaga. I have no choice. Ayaw kong gatunangan ang galit nila sa 'kin," ang matabang kong paliwanag at tinungga ang bote ng alak. "Sana naman bro 'yong bata ang mapili ni tita bilang yaya mo, I can't imagine bro, na habang nasa ibabaw ka ng mga babae mo at bumabayo pawis na pawis e, 'yong matandang yaya ang nagpupunas ng pawis mo! " pang-aasar ni Vince na kinatawa ng mga gagu! Balibhasa kase ay maganda ang katulong na binigay ng mommy nito kaya ganun na lang kalakas kung mang-asar. "Siya nga pala, isasama ko si Althea sa darating na birthday party ni papa at anniversary ng Mondragon Corp. Just to let you know." Ani Matthew na tumingin kay Kiel at Noah. Napangisi ako sa reaksyon ni Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD