SIMULA

1012 Words
TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE SIMULA “I may be your husband, but I will never love you like what you want me to do, Dianne Stephanie. Pinakasalan lang kita dahil iyon ang kagustuhan ni Mommy, ng mga magulang mo—kay Papa Steven at Mama Danica. I will never love someone like you.” Ambrose Miles Montenegro Miller is my husband. We got married in an arranged marriage. Bata pa lang ako ay alam ko nang si Ambrose na ang lalaking pakakasalan ko dahil iyon ang laging sinasabi sa akin ni Daddy. My parents and his parents are close friends, lalo na si Dad at si Tita Lara na Mom ni Ambrose. He’s five years older than me, pero hindi ito naging hadlang para hindi ako magkagusto sa kanya. Mabait, magalang, masunurin—iyon ang tingin ng aking mga magulang kay Ambrose. That’s why they push the wedding of us even though Ambrose only sees me as his little sister. Pero hindi kapatid ang turing ko sa kanya dahil matagal na akong may gusto sa kanya kahit na nung hindi ko pa nalaman na ikakasal ako sa kanya sa tamang panahon. He was good to me. He treated me as his younger sibling because our family was close friends. Ambrose’s smile is my weakness. Since I was a kid, I have had a crush on him. Only Artemis, Ambrose’s little sister, knows my feelings for him. After Ambrose left the Philippines and decided to continue his studies in Spain, he changed. He became the devil in disguise. He runs their businesses—the Miller Empire. Mas lalo siyang gumaling sa pamamalakad ng kanilang businesses at sobrang proud ng kanyang mga magulang sa kanya, lalo na si Tito Damon Adler na kanyang ama. Pero ang kapalit naman nito ay naging sakim siya… naging demonyo. Hindi na siya ang Ambrose na nagustuhan ko noon at ang minahal ko. Lagi niyang sinasaktan ang damdamin ko. Kahit asawa na niya ako ay hindi ko ito nararamdaman. “Anak, kumusta na si Ambrose? Ang tagal na niyang nasa Spain! Hindi pa ba uuwi ang asawa mo?” tanong sa akin ni Dad. Ilang beses ko na ring tinatakpan si Ambrose sa aking mga magulang dahil ayokong malaman nila na ang tinitingala at hinahangaan nilang si Ambrose ay isa na palang demonyo. “Busy pa po si Ambrose, Daddy. Uuwi rin naman ‘yun kapag naging okay na ang lahat,” sabi ko kay Dad at ngumiti sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumango. “Hay nako! Ang batang ‘yun talaga… nagmana talaga sa mga magulang, masyadong workaholic. Pati nga si Lara ay hindi mapigilan ang anak eh. Sabihin mo kaya sa asawa mo na miss mo na siya, Dianne? Para naman umuwi na ‘yun dito sa Pinas!” wika ni Dad. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha kaya bahagya akong yumuko at ngumiti kay Mom at Dad. “M-May importante pa po kasing gagawin doon si Ambrose, Dad. Babalitaan ko na lang po kayo kung kailan babalik ang asawa ko,” mahina kong sabi. Tumango naman si Daddy. Tinapik ni Mom ang balikat ni Dad at nagsalita siya. “Pagpasensyahan mo na ‘tong Daddy mo, Anak. Alam mo naman, masyadong malapit ‘tong Daddy mo kay Ambrose dahil nag-iisang anak na lalaki,” sabi ni Mommy at ngumiti siya sa akin. “O-Okay lang po, Mommy,” mahina kong sabi at bumalik na sa aking pagkain. Wala kasing anak na lalaki ang mga magulang ko. Babae rin ang sumunod sa akin kaya si Ambrose ang itinuturing na anak ni Dad na lalaki lalo na’t sila rin ang nagpalaki rito noon. Paano na lang kaya kung sabihin ko sa kanila na ang Ambrose na mabait at magalang ay hindi totoo? Paano kung sabihin ko sa kanila na sinasaktan ako palagi ni Ambrose? Ano kaya ang mararamdaman nila? Sigurado akong labis silang masasaktan… lalo na si Daddy Steven. “Ambrose, umuwi ka na. Hinahanap ka palagi ni Dad sa akin. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanila kung pagtatakpan ulit kita,” sabi ko kay Ambrose habang katawag ko siya ngayon. It’s been almost one month since he left the Philippines. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya run. Iniiwasan niya talaga ako. “Just tell them that I have an important project here, Stephanie. Alam mo na ang gagawin mo! Is that the reason you’re calling me right now?” Napakagat ako sa aking labi upang mapigilan ko ang aking pag-iyak ngayon. Naninikip din ang aking dibdib dahil sa sakit na aking nararamdaman. “I miss you, Ambrose,” mahina kong sabi at napapikit ako sa aking mga mata. Hindi nagsalita si Ambrose sa kabilang linya, pero hindi niya naman pinatay ang tawagan namin ngayon. Gusto ko lang malaman niya na miss na miss ko na siya… na sana ay umuwi na siya rito. Hindi man niya ako mahal, pero asawa niya pa rin ako. “Umuwi ka na, please,” muli kong sabi at tuluyan na akong napaluha. Nandito ako sa balcony ng kwarto ko at gabi na ngayon dito pero hindi ako makatulog. “Matulog ka na, Dianne Stephanie Saavedra Miller. May trabaho pa akong gagawin dito,” malamig na sabi ni Ambrose at tuluyan na niyang pinatay ang tawag. Hina akong napaupo sa may silya at napayakap sa aking sarili habang nakatingin sa kawalan. Alam ko ang dahilan kung bakit nandoon si Ambrose sa Spain at hanggang ngayon ay hindi siya umuwi rito. He’s with Jenelou Kim, his ex-girlfriend after he married me. Alam ko naman na napipilitan lang siyang magpakasal sa akin, pero kung may mahal naman siyang iba… sana hindi na lang siya pumayag na pakasalan ako. Wala naman akong ginawang masama eh. Ang natatangi ko lang ginawa ay ang mahalin siya. I want this marriage to work. Mahal na mahal ko si Ambrose... at ayokong masaktan ang mga magulang ko. Pero kung hindi na talaga, I’m willing to give up. But for now, I will make my way to tame my husband… to tame the devil billionaire.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD