TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 62 LASING DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. PAANO KO BA sasabihin kay Ambrose na nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Jenelou? Mukhang hindi ko talaga sila mapaglalayo dahil may strong connection sila sa isa’t isa, lalo na’t kasama ni Ambrose si Jen sa mga transaction nito sa trabaho nila sa mafia. Pwede bang ako na lang ang gumawa nito? Kaya ko naman itong mapag-aralan eh. Paunti-unti ay natanggap ko na rin naman kung anong klaseng tao si Ambrose at kung ano ang mga pinaggagawa niya. Kaya ko naman itong matutunan. “Kanina ka pa tahimik diyan, Dianne?” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata ng magsalita si Artemis. Nandito na naman siya sa bahay namin ni Ambrose. At as usual kapag napapadalaw siya dito, wala na naman si Ambrose at nasa work siy

