Napailing si Aleyah, pero tumayo rin. Tinanggal niya ang jacket na bigay ni Uno na suot pa rin niya kanina, at pinatong iyon sa gilid ng kama. Pinahid niya ang sariling pisngi at inayos ang buhok gamit ang mga daliri. “Best,” bulong ni Charm, sabay kindat habang nag-aayos din. “Ang swerte mo talaga. Si Mayor mismo, gusto tayong sabay kumain! Grabe, para lang akong nananaginip.” Ngumiti lang si Aleyah at tinalian niya lang ang buhok. Pagbaba nila sa hagdan, bumungad agad ang malapad na sala. Sa gitna, nakaupo si Mayor sa isang malambot na sofa, suot ang simpleng polo barong pero halatang mamahalin. “Ah, ayan na pala ang mga prinsesa,” bati niya, sabay ngiti. “Sakto, mainit pa ang pagkain. Halina kayo.” Hindi pa man sila nakakalapit, naamoy na agad nina Aleyah at Charm ang halimuyak

