Kabanata VII: Ang Mga Bagong Katulong

2352 Words
THE PRINCESSES   Sa dining room during breakfast...   One week later after the dinner with Queen Prima.   "Mga anak," panimula ng hari habang tahimik silang kumakain.   "Yes, Dad?" sagot ng triplets. They were still eating pero ang mga mata ay nakasulyap sa Amang Hari.   "I heard that Lolita was having a hard time checking on you one by one and attending your needs individually." Napatingin ang tatlo sa assistant maid na nakatayo sa tabi ni Chona. Nasa gilid sila ng dining room at nakabantay sa kumakain na royal family. Nakatikas pahinga lang ang binanggit ng Hari na parang walang narinig. "With that, I have hired another two assistant maid or court lady for each of you."   Hindi sumagot ang tatlo. Wala din namang mangyayari kung magrerebelde sila sa gusto ng Hari.   "Is that them?" tanong ni Princess Lorna na nakaturo ang bread knife sa dalawa pang katabi ni Lolita.   Sinundan ng tingin ng Hari ang itinuro ng anak. Ganoon din ang ginawa ng dalawang kapatid.   "Oo." Bahagyang yumuko ang dalawang itinuro ni Lorna. Simbolo iyon ng paggalang nila sa royal family. Bumalik naman sa pagkain ang hari. "That's Regina and Mona. From now on, you will have your individual court ladies. Lolita will be personally attending Aida. Regina will take care of you Lorna and Mona for Fe. Every needs or wants nyo, ask them directly."   "Okay," sabay na sagot ng tatlo at nagpatuloy sa pagkain.   Ano pa nga bang magagawa nila? Sa isipan nila'y mas mabuti na lang na may tig-isa silang court lady kaysa lagi silang naghihintay kay Lolita para tuparin ang mga demands nila.   Natapos ang agahan ng pamilya at bumalik na sila sa kanya-kanyang kwarto. Nakasunod sa mga prinsesa ang kanya-kanya nilang court ladies at dalawa pang assistant ng mga ito.   May every day schedule ang mga prinsesa. Alas nuwebe ng umaga hanggang tanghali ay mag-aaral sila kasama ng royal tutor. Tapos magreresume ng after lunch. Their class ends three in the afternoon, then after three they can do whatever they want. Six in the evening is the dinner. Then the princess can do everything they want again except kung may ipapagawa o iuutos ang hari sa mga ito.   Sunday was their break from studying. Around this time, iba-iba din ang ginagawa ng mga prinsesa.   Ang isa ay kasama ang kanyang kabayo or nagsasanay, ang isa ay nakaupo lang sa hardin at nagbabasa o hindi kaya ay nagsusulat, at ang isa naman ay nasa bayan at nagshashopping o nakikipagsocialize.   Dahil school day ng mga prinsesa ngayon, they got ready para sa session nila with the royal tutor.   +++    PRINCESS FE   "Mahal na prinsesa, kailangan niyo na pong bumangon at maghanda para sa study lesson niyo ngayong araw," sabi ng baguhang maid.   Hindi ako sumagot at patuloy nakikipaglaro kay Snow.   "Prinsesa," muling tawag nito sa akin at nakita kong akma siyang lalapit pero inangilan ito ni Snow kaya natigil ito sa kinatatayuan. Takot naman pala!   "Snow, friend yan. Simula ngayon, she will be with us from now on. So, masanay ka na, ha?" kausap ko sa aking alagang aso habang hinihimas ito. Parang nakakaintinding umungol ito at inilapit ang ilong sa leeg ko. Napahagikhik tuloy ako sa ginawa niya. Nakiliti ako eh.   "Prinsesa, please—-"   "Ano nga ulit ang pangalan mo?" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Nagtanong ako na hindi nakatingin sa kanya.   "Mona po," she answered.   "Hmm... okay." This time tumayo ako at lumapit sa kanya.   Napatayo naman ito ng tuwid na parang tuod. She's looking straight while I'm circling on her and checking her features. She looks familiar. I think I saw her somewhere.   Ang tangkad ng babae. Balingkinitan. Sobrang itim ng buhok na hanggang leeg ang haba. Ang haba ng leeg niya na parang giraffe. Her face has some acnes na parang puputok na. Plus her nose is really big na hindi bagay sa maliit niyang mukha.   Tumaas ang isang kilay ko. Talagang pamilyar ito. Saan ko nga ba sya nakita?   "Ayokong mag-aral, Nana. Can you tell them na may sakit ako. I am really not feeling well today." Inarte ko.   Kunwaring umubo pa ako at nahiga sa aking kama. Humiga rin sa tabi ko si Snow.   Naging kampante ako sa paghiga kaya hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa ng maid. Hindi ko alam kung kailan lang siya nakalapit pero ang nakita ko na lang ay she pointed a digital temperature gun on my head. Muntikan pa akong maduling.   "36.3 degree celsius," basa nito sa kung anong lumabas na result sa thermometer gun. "Normal naman po ang temperature mo, prinsesa. Wala po kayong lagnat," monotone na dagdag nito. “Tsaka Mona po ang pangalan ko, prinsesa. Hindi po Nana.   "Nana naman, eh!" I whined. "Please, spare me," I fake cry. “Tsaka that’s the name I will call you from now on.”   Usually kapag ganito, Loli can't handle my whining kasi alam niyang matigas talaga ang ulo ko pagdating sa pag-aaral. I hate studying!   "Sorry, princess. Pero kung kailangan ko po kayong buhatin sa banyo at paliguan ay gagawin ko po para hindi kayo ma-late sa unang aralin niyo ngayong araw," she said.   Nakatayo na ulit ito ng matuwid sa gilid ng aking kama.   Waah! Unbelievable. Parang robot iyong personal court lady ko. Pero hindi ako magpapatalo.   "Okay, sige." I was still wearing my night gown.   Tumayo ako sa aking kama at naglakad papuntang pinto. Ayokong mag-aral kaya gagawin ko ang lahat para hindi ako makaka-attend sa klase. Napakaboring doon at lagi lang akong inaasar ni Lorna kasi wala rin daw akong natutunan. Kasalanan ko bang slow learner ako pagdating sa academics? Hmp.    "Habulin mo ako kung kaya mo!" sigaw ko at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Mabilis ding sumunod si Snow.   Aida is the fastest runner sa aming tatlo pero hindi naman ako papatalo. Tsaka kaibigan ko ang technology. That means, I have control of almost everything especially sa kwarto ko.   Nakangisi at satisfied na pinakikinggan ko si Mona habang binabayo ang pintuan ng aking silid mula sa loob. Hindi niya maoopen iyon dahil pina-modify ko iyon ng auto-lock. Tsaka mahira tibagin iyong pintuan ko kahit gaano pa siya kalakas. May remote control akong hawak ngayon na agad kong pinindot ng makalabas kami ni Snow.   I mentally laugh dahil sa tagumpay ng aking pagtakas.   "Tara sa secret room natin, Snow. Doon walang pipilit sa aking mag-aral tapos maglalaro lang tayo all day." I patted Snow's head at excited naman itong winiggle-wiggle ang puwet nya. How cute! "Sorry, Nana. Alam kong first day mo pero I don't really like studying and you can't make me. Ba-bye!" sabi ko when I leaned to the door. I am not sure if she heard me pero kumaripas na ako ng takbo bago pa ito tumawag ng back up.   +++   PRINCESS LORNA   "Prinsesa, handa na po ang tub at iyong gagamiting damit para mamaya," sabi ng aking bagong court lady na nagpakilalang Regina. Galing ito sa banyo at hinanda ang bathtub.   Narinig ko siya ngunit may isang chapter pa akong tinatapos sa aking binabasang libro kaya hindi muna ako gumalaw. Nakaupo ako sa bakanteng upuan sa aking mini-sofa ng aking kwarto. Uminom ako ng tsaa habang nakade-kwatrong nagbabasa ng libro.   “Prinsesa, mawalang galang na po pero male-late na po kayo sa iyong unang aralin ngayong araw kung hindi pa po kayo maliligo ngayon at maghahanda,” ulit ni Regina. She’s being polite pero naririndi ako sa kanya. What I’m reading right now is really interesting kaya hindi ko kayang ipagpaliban iyon. “Mahal na Prinsesa---“ “I heard you the first time, Regina. I already calculated my time kaya I am sure hindi ako male-late. Besides, I am sure na walang ituturo ang royal tutor na ‘yon na hindi ko pa nalalaman,” mayabang kong sabi. “Narinig ko nga pong napakatalino ninyo, mahal na Prinsesa. Isa pong karangalan na pagsilbihan kayo. Kaya po nais ko ring makatulong sa inyo sa abot ng aking makakaya,” sagot ng maid. Hindi ko pa rin binitiwan ang librong aking binabasa pero sinuri ko muna ang aking personal maid. May kataasan ang babae, balingkinitan, brown hair na shoulder length, naka-nerd glasses, at may distracting na malalaking front teeth. “Kung nais mong makatulong sa akin, Regina. Isa lang ang advice ko sa’yo.” Tinaasan ko ito ng kilay. “Huwag na huwag mo akong aabalahin lalo na kapag nagbabasa ako. Gumalaw ka, huminga, o lumapit ka lang sa akin kapag tinawag kita. Nagkakaintindihan ba tayo?” sita ko sa kanya. I wanted to establish ngayon pa lang kung sino talaga ang amo dito. Nagmamagaling kasi. Nakakainis. Malelate daw ako? What the hell! “Ako po ay humihingi ng pasensiya kung ako po ay naging abala sa inyo, mahal na prinsesa. Akin pong susundin ang iyong advice.” Bahagya pang yumuko ang maid pagkasabi niya ng mga katagang iyon. Ewan ko pero mas lalo akong nainis sa kanya. Hindi ko na tuloy feel na magbasa. “Hmp. Maliligo na nga ako. Nawalan na ako ng ganang magbasa,” sabi ko at tumayo na papuntang banyo. Naramdaman kong sumunod naman ito. “Diyan ka lang. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Tawagin mo iyong dalawang maid sa labas para sila ang mag-assist sa akin. Hintayin mo na lang ako sa labas at ihanda ang kailangan ko sa klase ngayon.” “Masusunod po, mahal na prinsensa,” sagot naman nito at yumuko ulit ng bahagya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko dahil naiinis talaga ako sa maid na ‘to. Kaya bago pa mag-init ang ulo ko ay iniwan ko na ito at pumasok na sa banyo. Ayaw na ayaw ko pa naman naba-bad vibes sa umaga kasi buong araw na talaga akong bad vibes niyan. Pakilamera kasi! Nakakainis! +++ PRINCESS AIDA “Mahal na Prinsesa, ito na po ang iyong mga kakailanganin niyo para sa klase niyo ngayon,” narinig kong sabi ni Lolita habang inilapag ang mga libro at ibang kagamitan ko sa pag-aaral sa leksiyon namin ngayong araw. Nasa study hall na rin ako. At as usual ako ang pinakaunang nakarating. Mas nauna pa nga ako kaysa sa royal tutor. Maagap talaga kasi akong tao. Pero usually ay kasabayan ko lang din si Lorna kaya nakakapagtakang wala pa siya ngayon. Malamang ay nag-a-adjust pa ang mga ito sa bagong personal maid niya. Si Fe naman ay hindi ko inaasahang papasok. Hate na hate kasi ng isang iyon mag-aral kaya expected ko na ‘yon sa kanya. In my case, matagal na rin namang nagsisilbi sa amin si Lolita kaya alam na alam na niya ang gagawin. At ngayon na sa akin na siya naka-concentrate, mas advantage rin sa akin kasi hindi na ako mapapagod na magturo sa mga kailangan ko. “Maari ka ng lumabas, Lolita,” utos ko sa maid. “Sige po, mahal na Prinsesa. Tawagin niyo na lang po ako sa labas kapag may kailangan ka,” paalam nito. Tumango lang ako. Pero bago pa man ito makaalis ay napatid ito sa sariling mga paa at muntikan ng masubsob sa sahig. Dahil natural na mabilis ang aking reflexes ay nasalo ko naman ito on time. “Napakalampa mo talaga, Lolita,” sabi ko tsaka pinatayo ito ng maayos. “Kyaaa! S-sorry po, mahal na Prinsesa. N-nasaktan ka po ba? T-tatawagin ko po iyong royal d-doctor,” natarantang wika nito ng marealize niya ang nangyari. “Relax. Okay lang ako,” monotone na sabi ko. I was trying to reassure her na I was okay kaya I tried to smile pero iba yata ang interpretation niya dahil mas lalo pa itong nangatal. Nagulat pa ako ng lumuhod ito at nakayukong humihingi ng tawad. “P-patawarin niyo ako, m-mahal na Prinsesa. N-nararapat po akong parusahan sa aking k-karahasan. T-tanggapin ko po ang lahat ng p-parusang ipapataw mo sa a-akin,” anito. For a moment, hindi ko alam ang gagawin sa inaasal ni Lolita. What did I do? Sinabi ko naman na okay lang ako, ah. Siya nga itong muntikan ng masubsob sa sahig. Bago pa man ako nakasagot ay dumating na si Fe at ang personal maid nitong si Mona. “Luhh… Ai, anong ginawa mo kay Loli? Bakit takot na takot na nakaluhod siya? Hala... Namumutla pa siya, oh,” sabi ni Fe ng makalapit ito at sinuri ang nakaluhod pa ring si Lolita. “I-I did not do anything…” nagugulahang sabi ko. “Eh, bakit nga takot na takot si Loli?” tanong ni Fe. Bago pa ako nakasagot ay nagkwento na si Lolita sa nangyari na nakaluhod pa rin. “Patawarin niyo ako, Prinsesa Aida. Patawarin niyo po ako sa aking paghawak sa inyo. Tatanggapin ko po ang anumang parusa…” muli ay sabi ni Lolita pagkatapos niyang mag-kwento. Wala talaga akong masabi sa inaakto ni Lolita. Narinig ko na lang ang malakas na pagtawa ni Fe. Lahat kaming naroon ay napatingin sa kanya. Tahimik namang dumating ang royal tutor na bumati sa amin pero hindi namin pinansin kasi nakaluhod pa rin si Lolita. Naabutan pa ito ng nakasimangot na si Lorna. Mag-isa lang ito at hindi nakasunod ang personal maid nito. Si Fe na rin ang nag-dismiss kay Lolita at kinumbinsi na hindi ko siya parurusahan. “Tinulungan ka lang niya, Loli. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Aksidente naman iyong pagkakahawak mo kay Ai, eh,” Fe said. Nakumbinsi naman ang maid na nagpasalamat na rin sa akin at kasama ni Mona, lumabas na ang mga ito kasi magsisimula na ang aming aralin. Nagsimula nang mag-lecture ang royal tutor pero hindi naman kami nakikinig. Tinatanong ko kasi si Fe kung bakit ganoon na lamang ang reaction ni Lolita kanina. Tinawanan lang ako ng baliw. Bagkus, ang wala sa mood na si Lorna, na nakikinig pala sa aming usapan ang nagpaliwanag sa akin kung bakit ganoon ang reaksiyon ni Lolita. “Huwag ka kasing ngingiti, Aida. Para ka kasing papatay lapag ngumingiti ka.” Doon ako naliwanagan. Ah, kaya pala. Sana pala hindi na lang ako ngumiti. Na-depress tuloy ako at hindi na talaga nakinig sa royal tutor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD