CHLOE'S POV
"Ano problema nung lalaking kasama niya? Nadinig mo ba yung sabi niya? Pinsang trixie daw? So, mag pinsan pala sila?!" Nagulat ding sabi ni Tristan.
Bakit ganun si Chandler? Galit ba siya? Bakit nang iirap na naman siya? Hindi kaya nag seselos siya nung hinalikan ako ni Tristan? Hindi kaya nag kakagusto na siya saakin kaya nagalit siya? OMG! Hindi ko na kaya itong beauty ko, feel ko humahaba na ang hair ko charot!
"Kilala ko yung lalaki, kaibigan ko siya. Yun yung lalaking tumulong saakin nung time na pag tatangkaan akong gahasain ni Lance," sabi ko sa kanya.
Napasin ko lang, kaya kami nag ka galit ni Lance ay dahil nakita niyang hinalikan ako ni Tristan. Ngayon naman nagalit din si Chandler dahil nakita din niyang hinalikan ako ni Tristan. Hanep itong si Tristan, lagi nalang panira. Dahil sa kanya nagkakagalit kami ng mga kaibigan ko.
"Ay dapat sinabi mo saakin ng nakapag pasalamat ako," sabi niya ng nakangiti.
"For what Tristan?! Anong klaseng pag papansin yun? Paki explain?" mataray kong sabi.
"Ba't alang labyu? di'ba ang ending nun may labyu? di'ba 'yun yung pinauso ni michael V as donya ina? Bakit yung sayo walang labyu?" Panunura ni Tristan.
"Ah, sigem uulitin ko. For what Tristan? Anong klaseng pagpapapansin 'yun? Paki explain, f*ck you!" Taas kilay kong sabi.
"Napakasama mo Chloe! Hmp! Pasasalamatan ko lang naman siya kasi kung hindi siya dumating ay pinagsamantalahan ka nung Lance, eh di sa bandang huli ako ang sisisihin mo dahil sabi mo nga na ako ang dahilan kung bakit kayo nag kagalit ni Lance."
"Talaga? Mabuti alam mo, tara, umalis na nga tayo, pero, wait Tristan, help me naman paki buhat nung ibang pinamili mo saakin."
"Kaya mo na yan, ang dami mong arte, puro sayo naman yang pinamili ko eh, pag bubuhatin mo pa ako," sagot ni Tristan. Kaasar siya.
"Napaka ano mo Tristan!"
Hirap na hirap ako sa pag bubat nung mga pinamili ni Tristan. Talagang ayaw niya akong tulungan.
Ang dami nang nakatingin saakin dito sa mall dahil bakit naman daw ayaw akong tulungan ng boyfriend ko. Lanyang yan, napagkamalan pang mag syota kami.
"Uy Tristan, please! naman oh, help me! Nangangawit na ako," pag mamakaawa ko sa kanya.
Nagulat nalang ako ng biglang kinuha lahat ni Tristan ang mga pinamili niya saakin. Yun pala, makakasalubong namin sina Trixie at Chandler.
"Sorry, baby nabigatan ka ba?" malambing na sabi ni Tristan sabay yakap pa saakin.
"Hmp! Napakarami talaga sa mundo di naman kagandahan kung mag inarte sobra!" narinig kong sabi niTrixie saakin sabay irap.
Sinusubukan ba ako nitong babaeng ito? Wait, sige sasampulan kita.
"Hey, girl! Trixie right? May problema ba? Bakit ako ang pinupuntirya mo? Bakit hindi si tristan ang pansinin mo? Bakit awkward bang pansinin si ex? Dahil ba galit ka sa kanya? Dahil ba sinaktan ka niya? Dahil niloko ka? Bitter ka pa sa kanya? Oh, baka naman nahihiya ka kasi NAGHUBOT HUBAD KAYO DATI?" taas kilay kong sabi sa kanya. Hahaha! Ano nganga siya! Si Chandler nagulat din sa ginawa ko.
Hinatak na ako ni Tristan para dina humaba ang away.
"Ang galing mo dun Chloe. Ang cool mo kanina, " nakangising sabi ni Tristan.
"Tama lang yun sa kanya, nakakairita siya!" gigil kong sabi.
****
TRISTAN'S POV
Kinabukasan, bigla nalang akong nagising dahil narinig kong nag ri-ring ang phone ko.
"Y-yes, hello?" sabi ko ng papungay pungay pa ang mata.
"Bro! Are you ready na?" Saad ni Brantly sa kabilang linya.
"Ikaw pala Brantly. Oh, ano? Pinapaayos mo na ba yung place ng gaganapan ng double date?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, eto nga't pinapaayos ko na nga eh, nandito ako sa bahay ng friend ko. Dito kasi sa kanila magaganap ang double date natin. Malaki naman yung garden nila at saka kinausap ko na siya at pumayag naman siya. Hayaan mo ipapakilala kita sa kanya mamaya," sagot ni Brantly.
"Eh, yung mga food?" tanong ko.
"Dont worry, ako na bahala sa lahat. Yung girlfriend mo, handa narin ba? Excited na akong makita siya, kung maganda ba talaga siya. Hahaha! Sige na nga, kita kits nalang mamayang gabi," sabi ni Brantly sabay baba ng phone.
Hmp! Ginising lang ako ni brantly. Maka bangon na nga't mapuntahan na yung mag aayos kay Chloe.
Pag kaligo at pag ka breakfast ko ay tumuloy na ako agad sa bahay ng mag aayos kay Chloe then after nun tumuloy na ako sa bahay nila Chloe.
Wala nang tawag tawag, agad akong pumasok ng gate nila at laking gulat ko nang hindi naka lock ang pintuan ng bahay niya.
"Chloe?" Tawag ko sa kanya. Nakalimang tawag ako pero alang sumasagot.
Pumasok ako sa kwarto niya at doon nakita kong nakanganga pang natutulog si Chloe.
"Kung alam mo lang Brantly, kung gaano kita ka mahal!"
Huh? :anyang babae toh. Nag sasalita habang natutulog at teka Brantly ba yung sinabi niya? Imposible kayang kilala niya yung mokong nayun?
Teka, pag tripan ko nga toh.
"Chloe anong tatama sa lotto?" tanong ko sa kanya habang natutulog.
"Anong lotto? Brantly bakit lotto ang sagot mo?" Hahaha! Langyang si Chloe na to, sumagot pa nga Hahaha!
Sinampal ko siya para magising.
"Aarrraayy!" sabi niya. Ayun, nagising siya sa sampal ko.
"Kakaiba kang matulog, nag sasalita kapa!"
Biglang dilat ang mga mata niya sabay sabi, "Aaahhhhh! Anong ginagawa mo sa kwarto ko mokong ka?!" Tanong niya habang gulat na gulat.
"Baka hindi naka-lock ang pintuan ng bahay mo. Ang galgal mo! Alam mo bang pwede kang manakawan sa katukangan mo?"
"Ganun ba? Naku, nakalimutan ko sigurong i-lock kagabi."
"Oh, sige na, maligot mag almusal kana at mag papraktis kapang maglakad nang may hills," sabi ko sa kanya.
****
CHLOE'S POV
Grabe! Halos tatlong oras ako nag papraktis sa hills na ito. Daig ko pa sasali sa beauty contest. Sabagay parang sumali narin naman ako dahil babayaran ako ng 50 thousand ni Tristan. Parang yun na yung premyo ko Hahaha!
After 2 hours ayun, successful! Sanay nadin ako at kering keri ko na siya. Nakakakembot na nga ako habang nag lalakad ng may hills, kaya naman tawa ng tawa si Tristan.
"Isa panga, lakad ka nga ulit ng kumikembot," pang aasar ni Tristan.
"Ayoko nga! Ano ako uto-uto? Look, Tristan tumangkad ako dito sa suot kong hills noh? Anyway, what time ba tayo pupunta doon sa double date?" Tanong ko.
"Mga seven ng gabi," sagot ni Tristan.
"Kinakabahan ako. Mapapaganda kaya ako nung kinuha mong mag aayos saakin?" Tanong ko kay Tristan.
"Dont worry, Chloe malaki tiwala ko sa mag aayos sayo. Alam mo kung bakit? Magaling yun at saka karamihan sa artista ay naayusan na niya, kaya swerte ka. Isang mahusay na make-up artist ang mag aayos sayo mamaya," sabi ni Tristan.
Bandang alas singko ng hapon nang dumating yung mag aayos saakin.
"Sige na, Chloe uuwi muna ako saamin para gumuyak. Miss Aprille Ceralde ikaw napo bahala sa kanya, pagadahin nyo po si Chloe," sabi ni Tristan.
"Oo naman, Tristan yakang yaka ko toh. Actually nga, napansin kong may pagkakahawig siya sa ex -gf mong si Trixie. Ikaw ha, mahilig ka sa mga kamukha ni Trixie," nakangiting sabi ni miss Aprille.
"Hahaha! Pero Miss Aprille mas maganda po si Trixie kesa diyan!" Sabi ni Tristan sabay takbo. Nakita kasi niyang sisipain ko siya.
"Okay miss Chloe, mag umpisa na tayo," sabi ni miss Aprille.
Pinag hilamos muna ako ni miss Aprille. saka niya pinag papahid yung mga make-up sa mukha ko.
Conceiler --> check!
Poundation--> check!
Ahit kilay..then apply brown eye liner --> check!
Brown contact lens --> check
Eyeshadow--> check!
Nose line --> check!
And last, super red lipstick --> check!
"Done Chloe! Ang laki ng ginanda mo, sige isuot mo na yung cocktail dress mo bago yung wig. Excited nako chloe, kitang kita ko na itsura mo kapag nasuot muna yung wig. Napakaganda mo!" Nakangiting sabi ni miss Aprille.
"Sige po, wait lang," sagot ko sa kanya kaya tumuloy na ako sa kwarto ko at isinuot ko na yung pinaka favorite kong color violet na cocktail dress.
Nang isuot ko na yun ay tila ba napansin kong pumuti nga ako dahil sa ibinigay ni Tristan na mga pamahid na pampalandi.
At ang last, sinuot ko na yung wig. Mahabang buhok na kulot sa may dulo at saka may bangs pa. Hindi muna ako humarap sa salamin, gusto kong masupresa ang sarili ko. Kaya naman slow motion akong tingin sa salamin.
At nang makita ko ang sarili ko. "OMG! Pero ako ba talaga ito? Hindi ako makapaniwala ang ganda ganda ko."
Dito naba sa chapter naito masasabi ang title ng story ko na THE UGLY LESBIAN TURNS TO A BEAUTIFUL HOT SEXY GIRL!?
****
TRISTAN'S POV
Papunta na ako sa bahay ni Chloe, kahit naman kasi papaano ay excited akong makita kung ano kinalabasan ni Chloe.
Wala pang kalahating oras ay nakarating na agad ako sa bahay niya.
"Ayos na ba si Chloe?" Sabi ko pag pasok ko ng bahay ni Chloe at si miss Aprille lang ang nakita ko.
"Ay okay na siya, nag bibihis lang saglit," sagot ni miss Aprille.
Mayamaya ay unti unti nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Chloe.
Halos manlaki ang mga mata ko at tila isang ugat sa puso ko ang biglang kumabog na humikayat para tuluyan nang tumibok ang buong puso ko.
Ang ganda ganda ni Chloe ngayon. Pakiramdam ko ay mas maganda pa nga pala siya kay Trixie. Binabawi ko na ngayon, mas maganda pala si chloe kesa kay Trixie.
Halos maglaway ako nang ngumiti pa si Chloe. Takteng babae ito, may tinatago palang ganda. Mukha siya ngayong anghel na bumaba sa lupa.