Chapter 6 -Althea-

1687 คำ
❀⊱Althea's POV⊰❀ Nandito ako ngayon sa taniman ng mga mangga, gusto ko lang dito magpahinga. Gusto ko lang muna mapag-isa. Wala ngayon ang asawa kong si Marcus... saglit silang umalis para sunduin ang mga anak namin na sina Mathayus at Ellizar gamit ang helicopter para mas mabilis. Gusto ko kasing mag-stay pa dito sa hacienda farm namin, kahit ilang araw pa, o kaya kahit na isang linggo, just to breathe... just to feel something na parang narerelax lang ang isipan ko. Kaya pinasundo ko sa kanya ang mga bata para makasama namin dito, at kasama niyang umalis sila Hugo. Naiwan sina Lyka at Janine para magkaroon daw ako ng bantay, as if naman ay may mangyayari sa akin dito sa loob ng hacienda na puno ng kaniyang mga tauhan para makasama ko. Sanay na ako sa mga taong laging nakasunod sa akin, na laging may mga matang nakabantay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at saka ako tumingala at pumikit. Napangiti ako. Alam ko na matutuwa ang dalawang prinsipe namin kapag dumating na sila dito, ilang beses na nilang sinasabi na gusto nilang bumalik dito para magbakasyon. Malapit lang dito ang hacienda nila Julian at Nimfa... mga fifteen minutes lang ang layo. Kaya kung pupunta duon si Nimfa upang bisitahin ang hacienda nila... dadalawin ko siya at isasama ko si Ellizar. "Ate Althea, ano ba ang ginagawa mo ditong mag-isa? Baka mamaya ay dumating na sila Kuya Marcus at hanapin ka." Napalingon ako kay Pearl. Naglalakad siya papalapit sa kinaroroonan ko, na tila ba nag-aalala sa akin... siguro ay dahil kanina pa ako tahimik at nag-iisa dito. Ngumiti ako... 'yung tipid lang, 'yung sapat para hindi siya mag-alala. Then I looked away, letting my eyes wander sa mga puno ng mangga na tinatangay ng malakas na hangin ang mga sanga. "Nagpapahangin lang ako dit." Sagot ko, mahina pero steady. "Eh bakit nag-iisa ka dito? Dapat nagpasama ka na lang sa akin para naman may nakakausap ka habang wala si Kuya Marcus." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at saka ako muling ngumiti, pero ang mga mata ko ay nananatiling nakatingin sa mga puno ng mangga na isinasayaw ng hangin ang mga sanga. "Medyo... medyo naiinis lang ako today. Hindi ko nga alam kung bakit eh. You ever had those days na parang everything feels off kahit wala namang malinaw na dahilan? Iyon kasi ang nangyayari sa akin ngayon." Narinig ko ang mahina niyang tawa, at saka siya tumayo sa tabi ko. May inabot siya sa akin... isang supot ng chicharon, kaya napatingin agad ako sa kanya, at halos mamilog ang mga mata ko sa gulat. "Uy... hindi mo nakalimutan." Sabi ko, napangiti na parang batang binigyan ng paboritong pagkain. Kahapon pa ako nangungulit sa kanya tungkol diyan... 'yung chicharon na binibili nila sa bayan, 'yung medyo maanghang at sakto lang ang alat. At ngayon... finally ay ibinili na rin niya ako. "Grabe, you actually remembered." Tuwang-tuwa na sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng matamis, pagkatapos ay kinuha niya ulit ang supot at binuksan niya 'yon para sa akin, saka niya ito ibinalik sa kamay ko. "Tikman mo 'yan Ate Althea... magugustuhan mo 'yan. Bagong luto lang daw ang mga 'yan ng binalot nila kaninang umaga, kaya sobrang lutong niyan." Sabi niya. Tinitigan ko ito at saka ako muling ngumiti. Kumuha ako ng isang piraso, kinagat ko agad... 'yung crunch pa lang, parang may maliit na moment of happiness na nagpakalma sa magulong isip ko. Pero kahit ganuon ay hindi pa rin sapat ang chicharon para mawala ang nararamdaman ko. Nanduon pa rin 'yung inis, 'yung bigat na hindi ko ma-explain sa sarili ko. Parang may kulang, parang may isang bagay sa buhay ko na hindi ko kayang i-pin point. Basta naguguluhan ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Napabuntong hininga ako, saka ako umupo sa isang malaking ugat ng puno. Hinayaan kong dumikit ang likod ko sa magaspang na balat ng kahoy, letting it ground me, pilit kong kinakalimutan kung ano man itong kakaibang frustration ko na hindi ko masabi kung para kanino. Para sa sarili ko ba? Para ba kay Marcus? Para ba sa babaeng kaibigan ni Pearl na malaki ang pagkakagusto sa aking asawa? Hindi ako sure. Gosh... I'm not really sure. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? "Yung totoo Ate Althea... ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. Saglit akong natahimik, parang tinitimbang kung sasagutin ko ba nang diretso o iiwasan ko na lang. Pero instead, tinapik ko 'yung bakanteng space sa tabi ko, silently inviting her. Umupo naman siya agad sa tabi ko, then inabot niya sa akin 'yung maliit na jar ng suka na may sili para sawsawan ng chicharon. "Perfect." Bulong ko, saka ako nagsawsaw ng chicharon. "Si Ate Althea... umiiwas sa tanong ko." Sabi niya, kaya natawa na ako at saka ako sumagot sa kanya. "Gusto ko lang muna sanang magpalipas ng oras dito. Just me... and this place. Walang ingay, walang expectations, walang dapat intindihin na mga trabaho. Alam mo 'yon?" Sumubo ako ulit, saka napangiti ng kaunti. Pero naramdaman ko ang pagka-atubili niya, na parang naalangan siya dahil sa sinagot ko na gusto kong mapag-isa, kaya agad kong sinundan ang sinabi ko. "Pero buti na lang nandito ka. At least may makakausap ako. Kasi honestly, mas masarap pa rin 'yung may kausap ka... 'yung pwede mong ilabas kung ano man 'yung nasa loob mo without thinking kung paano ka titingnan o uunawain ng ibang tao." Bigla siyang napatitig sa akin. Yung tingin niya... parang may gustong itanong, o parang hindi niya inaasahan na ganito ako ka-open. Napatawa tuloy ako at bahagya ko siyang siniko. "Oh... bakit naman ganyan ang tingin mo sa akin?" Natatawa kong tanong. "Para bang ngayon mo lang ako nakita magsalita ng ganito." Dagdag ko pa. Umiling ako, still smiling, at hinaplos ko ang braso niya. Natatawa ako sa reaksyon niya. Hindi man kami 'yung close na close sa isa't isa, dahil hindi naman kami madalas dito sa hacienda... pero lagi ko naman siyang nakakausap. Lagi kaming nag-uusap ng tungkol sa mga bagay-bagay na may katuturan at walang katuturan kapag nandito ako. Pero masarap siyang kausap, whether may sense 'yung pinag-uusapan namin or wala, it just feels... easy. Walang pressure. Walang kailangan i-prove sa sarili namin. Ganuon ka-simple. "Ate Althea... may itatanong sana ako sa'yo kaya kita hinanap." Bigla akong napalingon sa kanya, automatic na kumunot ang noo ko. The way she said it... hindi casual, hindi pabiro. Alam mo 'yung tanong na hindi mo pwedeng sagutin lang ng oo at hindi. Ganuon eh, kaya medyo nagulat ako. Hindi agad ako nagsalita. Instead, ngumiti lang ako ng bahagya. Pagkatapos ay kumuha ako ng isang piraso ng chicharon, isinawsaw ko sa maanghang na suka, tapos inabot ko pa sa kanya. "First things first... kain muna tayo." Sabi ko kaya natawa siya. Pero hindi ko inaasahan ang tanong niya. "Paano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao sa unang tingin pa lang... or kung humahanga ka lang sa kanya? Alam mo 'yon? 'Yung unang tingin pa lang... pero may spark na agad." Kumunot lalo ang noo ko. Napakamot pa ako ng leeg ko na akala mo ba ay may kung anong kumagat sa akin na insekto kahit na wala naman. My gosh. Napatingin ako sa malayo, kunwari nag-iisip, pero sa totoo lang... nagpa-panic ako ng kaunti. Paano nga ba? I mean... let's be real. Wala naman akong love at first sight story. Kinidnap kaya ako ng asawa ko, for God's sake. Hindi siya 'yung tipong nagkatitigan kami tapos biglang may fireworks sa paligid. More like... tension, confusion, tapos unti-unti ay nahulog ako nang hindi ko namamalayan. Ganuon ang nangyari eh. So paano ko siya sasagutin? Tumingin ulit ako sa kanya, pilit kong inaayos 'yung expression ko para magmukhang may sense ako kapag sumagot ako kahit sa tingin ko ay walang sense ang maibibigay ko sa kanya. Pero bahala na. Mahilig naman akong magbasa ng mga romance novel. "Uhm..." Panimula ko at bahagya pa akong natawa. "Siguro... kapag nagtama 'yung paningin ninyo, tapos parang may narinig kang dumadagundong sa loob ng ribcage mo. Like... ang bilis ng pagtibok ng puso mo, then maybe... maybe you're not just admiring. Maybe na-love at first sight ka nga." Sagot ko. Bahagyang tumikwas ang kilay ko, parang kinukumpirma ko rin sa sarili ko 'yung sinasabi ko. Tapos ay muli akong nagsalita. "I mean, admiration is calm, hindi ba? Parang... you appreciate them from a distance. Pero kapag may spark, it's different. It's messy. Nakakagulo siya ng utak. Kasi hindi ka na mapapalagay, lagi ka ng nag-iisip, lagi ng hinahanap ng paningin mo ang mukha ng lalaking gusto mo. 'Yung kahit ayaw mo siyang isipin at gusto mong mag-focus sa mga bagay na importante, pero hindi mo magawa dahil lagi siyang sumisingit sa utak mo. Ganuon 'yon." Sagot ko. Nabasa ko 'yon sa isang novel. Buti na lang at mahilig talaga akong magbasa ng mga libro, nakatulong pa yata ako sa iniisip niya. And yes, nakita ko ang pagngiti niya kaya mas lalong tumikwas ang isang kilay ko. In-love na ba ang pinsan ng asawa ko? May lalaki na bang nakakuha ng atensyon niya? "Ay teka lang... bakit ka pala nagtatanong sa akin ng ganyan, ha? In love ka noh?" Sabi ko. Napahawak pa ako sa braso niya, kunwari shock ako, pero isang ngiti ang gumuhit sa labi niya kaya halos lumuwa ang mga mata ko. "Oh my gosh... in love ka nga?" Biglang namula ang mukha niya, as in, parang naging kamatis ang mukha niya. Yumuko pa siya, tapos napangiti ng lihim, 'yung tipong ayaw umamin pero hindi na kayang itago pa sa kanyang sarili. Napatawa tuloy ako at hindi ko 'yon napigilan. "Ate Althea, salamat ha." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako para tanungin siya kung sino ang lalaking nagugustuhan niya, pero narinig na namin ang ugong ng helicopter ng asawa ko na paparating. Kaya tumayo na ako, at inalalayan ko rin na makatayo ang pinsan ng asawa ko. Excited na akong makita ang dalawang anak namin. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม