CHAPTER 5

2223 คำ
Chapter 5: Found him HINDI lang kami ng anak ko ang umaasang buhay pa si Lucas. Dahil maski ang mga kaibigan niya ay naniniwala pa rin silang nakaligtas ito. Dahil kung...nawala man siya sa amin ay matatagpuan pa rin ang katawan niya pero hindi. Ang ibang pasahero ay kahit bangkay na ay natagpuan pa rin sila sa malapit na lugar. Kaya posibleng buhay pa raw ito kaya hindi sila tumigil sa paghahanap ngunit habang lumilipas ang maraming araw at mas tumatagal na ito ng ilang buwan ay parang...parang nawalan na rin sila ng pag-asa pa. “Hanggang dito na lamang tayo, Bythesea. Ginawa na natin ang lahat... Wala talaga,” malungkot na sabi sa akin ni Wooben. “Gusto ka naming tulungan pero sinisid na namin ang karagatan ay hindi talaga namin nahanap si Lucas...” I shook my head. “Just accept the fact...that Lucas...” “Huwag mo nang sabihin pa ‘yan, Jaydel. Pinapahirapan niyo lamang si Bythesea,” seryosong sabat ni Elysian sa asawa niya. “Hon...” “Itikom mo na lamang ang bibig mo kung hindi naman maganda ang sasabihin mo kay Bythesea,” pagbabanta pa niya kaya walang nagawa si Jaydel kundi ang bumuntonghininga at manahimik. “Imposible talaga ‘yon. Isipin niyo naman... Kahit bangkay na ay nahanap pa rin ang mga biktimang iyon at malapit lang sa pagkalubog ng barko. Pero...pero bakit si Lucas lang ang hindi niyo nahanap? Bakit nag-iisa lang siya na nawala?” makahulugang tanong naman ni Reolla kaya naman ay nakuha niya ang atensyon naming lahat. “What do you mean by that, wife?” Poirier asked her wife. “Kung nakasakay ng barko si Lucas ay posibleng makikita pa rin natin siya kahit...bangkay na lamang...” “Reolla...” halos magkabahay na tawag naman sa kanya ng lahat, maliban sa mga lalaki. “Sa mga oras na iyon ay hindi malakas ang ulan, tamang pag-ambon lang at hindi ba, hindi malala ang sunog?” Nauwi sa malalim na pag-iisip ang lahat pero naging imposible pa rin ‘yon. *** Dalawang taon ang nakalipas...tuluyan nang hindi nakabalik sa amin ang asawa ko at hindi na nga namin siya nakita pa... Dalawang taon na namin siyang hindi kasama at dalawang taon kaming nagtiis sa mga paghihirap namin habang wala siya. Na wala siya sa tabi namin, lalo na sa mga panahon na kailangan na kailangan ko siya. Sinugod naman ako ng sister-in-law ko dahil sa nalaman niyang pinaggagawa ko. Kahit ang sabi niya sa akin noon ay tumigil na ako. Tumigil na ako sa kahibangan kong hanapin ang taong patay na raw. Hindi naman ako naniniwala ro’n. “Ihinto muna ito, Bythesea! Huwag mo nang hanapin pa si Lucas dahil wala na siya! Pàtày na siya! Pàtàyna siya!” sigaw sa akin ni Ate Civana. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog pa niya. Punong-puno ng mga luha ang pisngi niya. Makikitaan ko rin naman siya ng sakit at lungkot dahil kapatid niya iyon. Nag-iisa niyang kapatid kaya alam kong nasasaktan siya pero hindi si Ate Civana ang magiging dahilan upang huminto na ako sa ginagawa ko. Sumuko man ang lahat sa paghahanap ay hindi ako. Patuloy ko pa rin siyang hinahanap kahit maubos pa ang pera ko basta...makita ko lang ulit siya. “Ate, hindi... Hindi po... Hindi po ako titigil sa paghahanap kay Lucas... Ayoko po, A-Ate Civana... A-Ayoko po, Ate... Ayoko po...” sabi ko na sinabayan ko pa nang pag-iling. Ilang beses na niya akong pinipigilan tungkol dito. Dahil nakikita niya raw na ako pa rin ang nasasaktan at umaasa pa rin daw sa imposible. Na imposible na ang makaliligtas ang asawa ko na isa pa raw... Matagal nang nakalipas ang trahedyang iyon. Sobrang tagal na walang update tungkol sa kanya. “No, Bythe... Stop this nonsense... Walang pakikitunguhan ito... I-Ikaw lang ang masasaktan... I-Ikaw lang ang nahihirapan... Hindi na natin makikita pa si Lucas... Dahil wala na--” “Ayoko, Ate! Ayokong paniwalaan ‘yan! Babalik sa amin si Lucas! Babalik po siya sa amin! Nangako po siya... N-Nangako po siya sa amin ni LZ... N-Nangako p-pa rin po s-siya na uuwi siya sa amin...” umiiyak na sabi ko. Ramdam ko, alam ko sa puso ko na malayo man sa amin si Lucas ay alam kong maayos na ang kalagayan niya ngayon. “Open your eyes, Bythesea! This is the truth! W-Wala na ang k-kapatid ko... Dahil kung buhay man siya, B-Bythe... Nasaan siya? N-Nasaan siya ngayon at bakit hindi pa siya nagpapakita pa sa atin?! Kung nakaligtas man siya ay uuwi siya... Uuwi pa rin siya pero nasaan siya? Wala siya, ‘di ba? Wala siya at wala na siya habangbuhay!” Humakbang ako paatras at sunod-sunod ang pag-iling ko. Napakasakit marinig ang mga iyon. Parang pinipira-piraso ang puso ko sa sobrang sakit. Ang isipin ko nga na wala na siya ay sobrang sakit na talaga sa dibdib. Kaya kung puwede lang... Huwag na nilang sabihin pa iyon sa akin. “H-Huwag, Ate... H-Huwag niyo po a-akong b-bibigyan nang s-sama ng l-loob at m-mawawalan...mawawalan ako ng pag-asa... Gagawin ko pa rin po ang lahat... Hahanapin ko ang asawa ako, Ate Civana... Hindi ako susuko...hindi ko siya susukuan dahil pinanghahawakan ko pa rin po ang pangako niyang hindi niya kami iiwan ng anak namin at babalik siya,” seryosong sambit ko saka ko tinalikuran si Ate Civana. Pumasok ako sa aming silid at tahimik na umiyak lamang ako nang makita ko ang dalawang anak ko. Magkatabing natutulog sina Daphne Alala and Louie Zhi. Sa kabila ng nangyari sa pamilya ko ay nagawa ko pa ring alagaan ang mga anak ko na kahit wala si Lucas sa tabi naming mag-iina at sinunod ko ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na kailangan kong ingatan at alagaan ang sarili ko alang-alang sa batang nasa sinapupunan ko. Na ngayon ay si Daphne Ahlala na. She’s now one year old and a beautiful baby. Maingat na sumampa ako sa kama at humiga ako sa tabi ni Daphne. Pareho ko silang niyakap na dalawa pagkatapos kong patakan ng halik ang mga pisngi nila. “Kahit ano pa ang sabihin nila ay hindi susuko si Mommy... Ibabalik natin dito si Daddy, Daphne and LZ... Makikita at mahahanap pa rin natin ang Daddy niyo... Ipangangako ‘yan ni Mommy sa inyo...” buong pusong saad ko. *** But I was wrong, ang akala ko ay huminto na rin sa paghahanap sina Jaydel ay hindi pa pala. Hindi pa rin pala sila tumigil. Dahil na rin siguro sa excited nilang ibalita sa akin ay tinawagan nila ako in the middle of night. Nandoon din sina Oriphyn at Poirier sa bahay nina Elysian at Jaydel. Sa gate lang kami nagkita-kita dahil doon nila ako hinintay. Kahit inaya nila ako na pumasok sa loob ay unang tinanong ko ang whereabouts ngayon ni Lucas. Iyon ang mahalaga para sa akin. “Sabihin mo sa akin ang address niya ngayon, Jaydel... P-Pupuntahan ko siya...” naiiyak na sabi ko. “Bythesea... Malalim na ang gabi, ipagpabukas na lamang natin ‘yan. Don’t worry, sasamahan ka namin sa pagpunta roon.” Umiling ako sa sinabi ni Oriphyn. Sinabi na nila sa akin na buhay ang asawa ko at nasa maayos na ang kalagayan nito. Kaya bakit pa namin ipagpabukas pa iyon? Kung puwede ko naman siyang puntahan ngayon? Makapupunta na naman ako kahit mag-isa lamang ako. “A-Ako na lang... Kahit ako na lang mag-isa ang pupunta. Ibigay niyo na lamang sa akin ang address!” sigaw ko at bumuntonghininga sila. “Bythesea...” “Iyong address niya, Jaydel... Poirier...” “Kaya nag-aalangan kami na sabihin sa ‘yo ang totoo, eh. Pero nangako rin kami na kung may mahahanap kaming info at may update gungkoysa kaibigan namin ay ikaw ang mauunang makaaalalam nito. But Bythesea--” “Thank you, hindi ko kalilimutan ang kabutihan niyong nagawa. Pero ang address niya, please... Gusto kong malaman kung saan iyon,” nakikiuso na sambit ko sa kanilang tatlo. “Ibigay niyo na lamang,” sabi ni Poirier. “Kung ayaw mo nang magpapigil pa ay sasamahan ka namin. Kukunin ko lang sa loob ang susi ng sasakyan ko,” paalam ni Jaydel at patakbong pumasok pa siya sa loob ng bahay nila. “Tatawagan ko muna ang asawa ko para makapagpaalam na rin,” ani naman ni Poirier at tumalikod pa siya para tawagan nga ang asawa niyang si Reolla. “Ako rin, sasabihin ko sa kanila ang tungkol kay Lucas,” sambit ni Oriphyn at kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang iwan sila roon. Hindi na ako makakapaghintay pa. Wala rin naman akong inaalala pa dahil nasa mother-in-law ko ang mga anak ko ngayon. Mabilis na sumakay ako sa kotse ko at si Poirier agad ang nakapansin sa akin. Patakbong lumapit pa siya sa akin at kinatok ang bintana ng sasakyan ko. “Bythesea! Sabay tayong pupunta roon!” narinig kong sigaw niya pero hindi ako nakinig. Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo. Hintayin mo ako, mahal ko... Parating na ako at iuuwi na kita sa bahay natin ngayon... *** Halo-halo ang emosyon ko at that moment, nangingibabaw ang saya na nararamdaman ko pero isang masakit na katotohanan naman ang madadatnan ko. “Bythesea...” sambit niya sa aking pangalan. Naluluhang tumango-tango ako. Naaalala niya ako. Nagagawa niyang sambitin ang pangalan ko at nakikita ko rin naman sa mga mata niya na nakikilala niya ako. “O-Oo, ako ito... Ako ito, Lucas... Ako nga si Bythesea...” sabi ko. Parang hinihipan ang dibdib ko. “Iilan lamang ang mga alaala ko ang bumalik pero...” Ayon din sa private investigator nila ay nagka-amnesia si Lucas dahil sa head injury nito. Kaya pala hindi siya nakabalik agad sa amin dahil nakalimutan niya kami. Masakit man sa parte ko ang makalimutan ako ng asawa ko pero nawala iyon lahat nang makita ko ulit siya. Sobrang saya ko at nawala ang tila bakal na kinakabit sa aking leeg kaya nakahihinga na ako nang maayos. “U-Umuwi na tayo, Lucas...” wika ko at hinawakan ko ang kamay niya. Naramdaman ko ang malamig na bagay sa daliri niya. Bumaba ang tingin ko roon at ang akala ko noong una ay wedding ring namin iyon pero nagkamali ako... Hindi na ito ang singsing niya... Huminto saglit ang pag-iyak ko at umawang ang mga labi ko. Muli ko siyang tiningnan... “Lucas...” “Franko, mahal?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makarinig ako ng boses babae at lumapit ito sa asawa ko. Yumakap siya sa braso nito at hindi pa niya ako napapansin. “Franko, maambon na rito. Baka magkasakit ka... Halika na sa loob, mahal ko...” Namanhid ang dibdib ko sa narinig at nalilitong tiningnan ko si Lucas na hindi na sa akin nakatingin. Kundi sa magandang babae... May kislap sa kanyang mga mata... Na nakikita ko lamang iyon sa tuwing sa akin siya nakatingin. Bakit sa iba ay nakikita ko na rin iyon? Naiiyak ako... Parang may mumunting selos ang naramdaman ko. “Tara na, Franko...” “Sandali lamang, mahal...” Parang bigla akong nanlambot... Agad na nangatog ang aking tuhod. Ano’ng... Ano’ng mahal? Sino siya? Sino ang babaeng ito? B-Bakit... “S-Sino po sila?” “Sino ka?” sa halip na sagutin siya at ibinalik ko lang ang tanong niya. “Sino ka?” ulit ko sa tanong ko. “Nenina ang pangalan ko. Asawa ko si Franko. M-May kailangan po ba kayo?” Mabilis na naghanap ang mga mata ko sa isang ebedensiya kung totoo ba ang pinagsasabi nila. Tila may kung ano’ng patalim ang bumaon sa dibdib ko nang makita ko ang kapareha ng singsing na suot ng aking asawa... “L-Lucas...” “Franko... Franko ang pangalan niya...” pagtatama sa akin ng babae at umiling ako. Nagsimula ulit ako sa pag-iyak. Ni hindi ko na magawang punasan pa ang pisngi ko. “Lucas... A-Ano ito?” Matagal bago niya ako sinagot... “Kasal na ako kay Nenina, Bythesea... Patawad...” Nakahawak ako sa dibdib ko. Para akong nabingi sa narinig at pakiramdam ko, huminto ang pag-ikot ng mundo. Ang t***k ng puso ko ay saglit na huminto hanggang sa bumilis ang pintig nito. “Lucas...” Hindi ko matatanggap... Paanong...kasal na siya sa iba? K-Kami ang kasal... Asawa ko siya... Asawa ko si Lucas... “Hindi totoo ‘yan, Lucas! Hindi mo siya asawa! Ako ang asawa mo at hindi siya!” sigaw ko sa kanya at nalaglag ang mga luha ko. “Bythesea...” Nakikita kong maayos na siya... Pero ayokong nagbibiro lamang siya ng ganito. “Lucas, u-umuwi na lang tayo, hon... Let’s go, maraming naghihintay sa ‘yo, mahal ko...” nagsusumamong sambit ko sinubukan ko siyang hawakan sa kamay pero tinabig lang ng babae ang kamay ko. “Tigilan mo ang asawa ko! Wala kang karapatan para hawakan siya! Umalis ka na!” asik nito sa akin pero hindi ako nakinig. Ang gusto ko lang ay iuwi ko si Lucas sa amin at ayokong matagalan pa kami rito. “Nenina...” “Ikaw ang umalis dahil hindi ka naman kilala!” sigaw ko sa kanya at nagawa ko siyang itulak. “Bythesea!” pasigaw na sambit naman ni Lucas sa pangalan ko at ang ginagawa niya ay labis na ikinagulat ko. N-Nagawa niya akong itulak...
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม