6

1564 คำ
Avajell Marasigan “Hoy, Ava!” Biglang harang sa akin ni Maria na papasok dito sa restroom habang ako naman ay papalabas. Kasama nito ang isa sa baguhan na staff sa admin depatment na si Rosemarie. “My gosh! Ma’am Ava! Ang gwapo naman ng bagong CEO!” Halos tili naman ni Rosemarie. Noong nakaraang buwan lang na-hired si Rosemarie sa admin kaya Ma’am pa ang tawag nito sa akin. Ang iba ko naman na kasamahan dito ay sa pangalan na ang tawagan namin at sobrang close ko na sila. Buti na lang at narito pa kami sa loob ng restroom at naisara na agad ni Maria ang pinto. Dahil kung hindi ay maririnig ang tinig ni Rosemarie sa buong floor. First time na makita ni Rosemarie ang isa sa anak ni Sir Thomas kaya natural na gano’n ang reaksyon nito. Pero kung alam lang nito ang ugali ng bago namin ay malamang na ma-turn off ito. Same lang naman kami ng reaction nang unang makita ang Tristan Hayes Wilson na ‘yon. Normal lang naman ‘yon na ma-gwapuhan siya at totoo naman na saksakan ng gwapo ang aming bagong boss. Pero nang nilait na ako ng lalaki ay labis labis na talaga ang turn off ko. “Naku, ano ka ba, Rose… Baka may makarinig sa’yo!” Saway ko. Pero labis pa rin ang kilig ni Rosemarie at hindi ako inintindi. “Tsk! Hayaan mo na siyang kiligin, Ava… Normal lang ‘yan. ‘Yung iba nga natin na officemate mas malala pa ‘dyan… Tignan mo to, nakalmot pa ako ni Kyla kaninang nakabalik kami sa table. Buti na lang hindi kami nahuli ni Sir Tristan na papunta na doon sa office niya.” Singit naman ni Maria na halatang kinikilig din at pinakita pa sa akin ang braso nitong may kalmot nga ng kuko. Napa-iling na lang ako dahil sobrang OA nila. “Sige na, mamayang lunch na lang tayo mag-usap, Maria… Baka may utos na ang bago kong boss.” Paalam ko. Sa kilig ni Maria ay nawala yata sa isip niya na kinaiinisan ko si Sir Tristan. Sabagay ay crush na talaga ng karamihan dito ang Wilson brothers. Sa ilang events kasi nitong kumpanya ay palaging kumpleto ang mga anak ni Sir Thomas na uma-attend. Hindi pa naman siguro ako hinahanap ni Sir Tristan. Pagkalabas ko kasi doon sa conference room ay dito ako dumeretso sa restroom. Naghintay pa ako ng ilang minuto at naupo lang sa isa sa bowl dito at pinakalma ang sarili. Labis pa kasi ang inis ko sa inasal ni Sir Tristan sa akin na parang napakalaking kasalanan ang pagka-late ko. Kung alam niya lang na siya ang dahilan no’n. Lumabas na ako at iniwan ang dalawa sa loob ng restroom. Pagkapasok ko sa pinto kung nasaan ang admin office ay nakita kong medyo nagkakagulo pa ang ilan sa mga staff at may ilang nagkukumpulan sa isang cubicle. Doon sa number one na chismosa dito sa floor. Malamang na ang tampok ng usapan ay ang bagong boss namin. Kinakabahan naman akong dumeretso papunta sa table ko. Napabuga ako ng hangin bago umupo at binuksan ang laptop ko. Tinignan ko naman ang files na nakapatong sa table ko at may nakita akong mga kailangan ng CEO’s signature doon. Napahawak na lang ako sa noo ko. Ayaw ko pa sanang pumasok sa loob ng office at makita ang pagmumukha ni Sir Tristan. Pero kailangan ko na rin kasi eh. Bilang secretary ay trabaho ko na sabihin ang schedule ng amo ko para sa buong araw. Hindi ko rin sure kung nag-breakfast na ito. Syempre kailangan kong tanungin kung gusto ba nitong magkape o baka may ipapabili itong pagkain. Walang gana akong kumatok at narinig ko naman mula sa loob ng office ang boses ni Sir Tristan na pinapapasok ako. Nang pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto ay bumungad na sa akin ang amo na nakabaling ang pansin sa laptop nito. Dala ang folder ko na for signature at pati na rin ang planner ko ay lumapit ako papalapit sa table ng CEO. Hindi man lang nag-aangat ng tingin si Sir Tristan hanggang sa makarating ako mismo sa tapat ng table nito. “Sir, this is for signature.” Magalang na sabi ko at nilapag ko ang folder sa ibabaw ng table nito. Wala man lang akong narinig na thank you mula sa amo. Ngayon pa lang ay sobrang miss ko na si Sir Thomas na kapag pumapasok ako ay nginingitian na agad ako. Hindi rin ito madamot na magsabi ng thank you. Parang ngayon pa lang ay tatamarin na agad akong pumasok sa araw-araw. Hindi bale.. hindi naman ako masokista. Hindi ko naman papahirapan ang sarili sa isang trabaho na hindi ako maa-appreciate ng amo ko. Tutal ay ang plano ko naman talaga ay kumuha lang ng experience para makapagsimula ng negosyo na ako ang magiging amo. May savings na rin naman ako. Ang laki ng pasahod sa akin ni Sir Thomas. May bonuses ako dahil sa mga personal nitong utos sa akin. Ngayon na si Sir Tristan na ang amo ko, malamang na hindi naman ito mag-uutos ng personal sa akin kaya matapyasan na rin ang kita ko. “Uhm, Sir… Do you like coffee? Or may gusto po ba kayong ipabili?” Agaw atensyon ko na sa amo. Doon lang siya nag-angat ng tingin sa akin. “I already had my coffee earlier with Dad… You were late, that’s why you didn’t know,” Malamig na tugon niya. Grabe, hirap mag-move on si Sir Tristan sa buhay. Parang hanggang next week ay matatandaan niya ang ginawa kong pagka-late kanina. Imbes na mag-sorry ay binuklat ko na lang ang planner kung nasaan ang schedule ni Sir Thomas para sabihin ‘yon kay Sir Tristan. Hindi ko na rin kayang tagalan ang tignin niya sa akin na seryoso. Kahapon ay ang sabi sa akin ni Sir Thomas ay i-briefing raw nito ang anak tungkol sa meeting para sa ngayon. Kaya sigurado na aware na siya. “Sir, may lunch meeting po kayo ngayon sa isang client… This is about—” “I know.” Putol agad ni Sir Tristan sa sasabihin ko. “You’ll go with me later. For now, I need the files related to competitor. Give it to me now.” Napatanga na lang ako sa attitude ni Sir Tristan. Hindi man lang ako pinapatapos sa sasabihin ko. “Okay, Sir.” Sambit ko na seryoso ang mukha. Tumalikod na agad ako at mabilis na naglakad papunta sa pinto. Hindi ko naman maintindihan kung bakit pa ako sandaling lumingon sa likod ng hinawakan ko ang doorknob at nakita kong hinahagod ni Sir Trsitan ang katawan ko. Pero agad itong nag-iwas ng tingin at binalik sa laptop nito ang atensyon. Ako naman ay tuluyan nang lumabas ng kwarto nito. Agad kong inasikaso ang utos ni Sir Tristan. Kinuha ko agad sa filing cabinet ko ang mga kailangan nitong files. Masinop ako pagdating sa filing kaya nakita ko agad ang mga kailangan nitong files. Bigla tuloy akong nag-reminisce nang nakita ko ang files ng isa sa mahigpit na kalaban ng Wilson Holdings Inc na Madrid United Mining Company. Sa totoo lang ay may malaking project kaming sine-secure at isa ang Madrid Mining sa mahigpit na makakalaban ng mga Wilson. Kaya sa tingin ko na sa mga susunod na araw o buwan ay baka makita na ako ng pamilya ni Warren na nagtatrabaho dito sa kalaban nilang kumpanya. Bumalik ako sa kwarto ni Sir Tristan para ibigay ang files. Sobrang ilang tuloy ako na hindi ko maintindihan dahil hindi pa ako sanay sa presence niya. Iniiwas ko na mapatingin sa kanya. Mabuti na lang din at busy si Sir Tristan dahil first day pa lang naman niya at kailangan talaga na maraming i-review. Wala nga ako sa mood na lumabas ngayon ng office. Parang gusto ko na lang na matulog sandali sa couch dahil puyat ako kesa sa kumain. Pero no choice naman dahil isasama ako sa lunch meeting mamaya. “Hey! Miss beautiful!” Bigla akong napaangat ng tingin at napangiti nang biglang sumulpot ang kapatid ni Sir Tristan na si Travis. “Travis, what are you doing here? Akala ko ay kasama mo ang daddy mo?” Tanong ko. Hindi na rin ako nag-abalang tumayo pa. Close na naman kami ni Travis kaya first name basis na ang tawagan namin. “Yeah, pero naghiwalay na kami ni Dad… Malapit lang naman itong office kaya dinalaw ko na si Kuya.” Sambit ni Travis na biglang kumunot ang noo nang tuluyang makalapit sa harap ng table ko. Bahagya pa itong dumukwang dahilan para mailang naman ako. “Why?” Tanong ko dahil titig na titig siya sa may labi ko. Nagulat naman ako nang inangat ni Travis ang kamay niya at nilagay sa gilid ng labi ko at pinunasan ‘yon. Doon ko lang na-realize na umiinom ako ng chocolate drink at malamang na may bakas pa sa gilid ng labi ko no’n. “What the hell are you doing, Travis!?” Halos dumagundong na sigaw ni Sir Tristan na saktong lumabas ng office niya at huling-huli si Travis na pinupunasan ang gilid ng labi ko. Kita ko kung gaano kadilim ang mukha ni Sir Tristan at masama ang tingin sa kapatid niya. Paktay! Mapagbintangan na naman akong nag-flirt sa kapatid niya. Tsk!
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม