“Oh, Ava… Bakit parang pagod na pagod ka?” Tanong ni Mama sa akin matapos kong makauwi ng bahay namin. First day ko pa lang na nakatrabaho ang Tristan na ‘yon ay parang feeling ko ay isang buwan na trabaho na ang ginawa ko dahil sa stress na dinulot niya. Kanina sa meeting ay halos hindi ko maintindihan ang amo kung ano ang nasa isip nito. Hindi ko siya gets sa inakto niya sa harap ng client namin. Mabuti na lang at mabait si Mr. Castro at mukhang hindi pinansin ang kagaspangan ng ugali ng boss ko. Haisst! Bakit pa kasi umalis si Sir Thomas? Pero napapaisip ako sa sinabi nito na si Sir Tristan ang mismong nag-request na mag take over ng kumpanya. Sabagay, kumpanya naman nila ‘yon. Baka nagsawa na si Sir Tristan na pamunuan ang isang kumpanya na hawak niya. Kaya dito sa mining na line

