After Matias introduced the Mafia and how his life works, inaya ako nito para kumain pero wala akong gana. "Let's go, Iris. Masama ang tumanggi sa grasya," pilit ni Matias sa'kin at hinila ang kamay ko. Muli kaming bumalik sa main hall ng mansyon. A lot of people bow their head... Yuko ulit ako ng yuko—pero this time, sinuway na ako ni Matias. "Don't bow your head. It's their sign of respect," he explained. Sign of respect? Wala naman akong ginawa para galangin dito... Pagdating sa malawak na kusina ay bumungad sa'kin ang mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Marami ring upuan pero walang tao. Napaangat ako ng tingin at nakita doon ang isang chandelier. The ceilings are high too. Para akong nasa lumang museum... That's how I can describe Matias' residence. "So this is the dining area—"

