Kinuha ni Matias ang kamay ko at naglakad kami papasok ng mansion. Pero hinihila ko iyon, ayokong sumama sakanya! Anong ibig sabihin niya doon? "What is it this time, Iris?" Aniya at siya mismo ang bumitaw sa kamay ko. "M-Make that stop!" I told him. "Bakit ko naman pipigilan 'yon? That is his punishment, Iris. For letting you go." Napahinto ako sa sinabi nito. For letting me go? "Ano bang pinagsasabi m-mo? Kusa akong u-umalis!" I cried on him. Bakit may nadadamay? Nakakunot ang noo nito. Tila hindi ako maintindihan. Hinila ako nito pabalik sa main door ng mansyon at hinawakan niya ang balikat ko. Nasa likod ko si Matias at hinarap ako nito sa kasamaang nangyayari sa harapan ko ngayon. "Look at him. Hindi mo ba siya natatandaan?" Kumunot ang noo ko. I almost can't recognize the

