Weekend na noon pagkatapos. Hindi ako nakatulog dahil sa mga sinabi ni Anaiz kagabi. Sa pabor ni Tito. Sa magiging buhay 'ko pag pumasok ulit ako sa monday.
Umaga na noong makatulog ako. At laking gulat 'ko ng pumasok si Anaiz ng tanghaling-tapat.
"You're sleeping so good, huh?"
Sumakit ang ulo 'ko dahil pinilit 'ko ang sarili na bumangon. Umiling ako kay Anaiz... Hindi ako nakatulog agad kagabi. I have so many worries.
Pabigat ng pabigat.
Kagabi ay gusto 'ko ng matulog that I want to s***h myself. I am having an attack. Kaya ang dami 'kong sugat sa kamay ngayon.
Tinago 'ko iyon sa ilalim ng kumot.
"Bakit..?"
"Anong bakit? Makikipagkita ka kay Matias ngayon, hindi ba?" Tawa nito. "You should thank me! Magkaka-lovelife ka dahil sa'kin!" Halakhak pa nito.
Bigla akong napalunok sa sinabi nito. Lovelife... Ako?
"Anaiz..."
Tumaas ang kilay nito, "Oh? Bakit? Ayaw mo? Ayaw mo ba ang isang Matias Genovese?" Halakhak niya.
I bit my lip.
"Anaiz, sana ipaliwanag mo kay Tito na hindi 'ko talaga gusto si Matias... Alam mo 'yan—"
"Ano? Isusumbong mo ako?"
Bigla akong natahimik. Ayoko na lang siya labanan dahil doon. He will get angry to me for sure.. pag nagsalita pa ako.
"Nandito lang ako to announce that," she chuckled. "Guess what? Matias said yes... He seems interested to you, huh?" She tease me again.
Napahinto ako. Kinausap 'ko na si Matias kahapon lang... na hindi na kami magkikita. Ganon din siya. That's impossible...
Anong nangyayari? Bakit biglang nagkaganito? Ano pang binabalak ni Matias?
"That is not true..."
Ngumisi si Anaiz. "Don't play hard to get... Isang Genovese 'yon. Ayaw mo pa?"
Bigla akong natahimik at umiwas na lang ng titig. Isang Genovese... Ano ba ang ibig sabihin nila doon?
Is Matias came from a powerful family?
Suminghap si Anaiz at ibinigay sa'kin ang isang dress.
"Alam 'kong wala kang ka-damit damit dito at inutusan pa ako ni Dad ayusan ka... Argh. Maliit na sa'kin yan. Try it," Aniya matapos ihagis ang isang puting bestida.
Kahit masakit ang ulo ay sinukat 'ko ang damit na ibinigay niya. It's just a white dress that hugs my body with a flowy ends and puffy sleeves.
Tinignan 'ko ang sarili sa banyo. Kahit kailan ay hindi pa ako nag-suot ng ganitong damit... I really feel good in this dress.
Ang huli 'kong suot ng bestida ay sa burol ng aking magulang. Isang katulong lang ang nandon pati ako. Everyone hated us because everyone thought that my father is a bad governor. Nagnakaw, pumatay. Na-depress, kaya't nagpakamatay at sinama ang asawa.
But that's not it. Hindi iyon ang nangyari. Kasalanan 'ko ang lahat.
"Ano?" Katok ni Anaiz.
Bigla naman akong nagising sa iniisip at lumabas. Tumaas ang kilay niya.
"Pwede bang itaas mo 'yang ulo mo?" Utos nito sa'kin.
Pinaglaruan 'ko naman ang daliri 'ko. Nakakakaba. Hindi nagbigay ng komento si Anaiz sa suot 'ko.. Does it look good?
"Okay..."
"Mamaya ang alis mo, mga alas-kwatro," she announced. Tinignan 'ko naman ang orasan.
Alas-dose pa lang.
Aalis na sana ito pero napahinto pa siya.
"Oh... Stick to Matias. Akong bahala kay Dalton," she chuckled.
Umalis na siya matapos ibigay ang isang doll shoes. Naligo ako at ginamot ang mga sugat. Bigla 'ko kasing naalala ang sinabi ni Matias.
Siya na ang bahala kay Dalton...
Ignacio Dalton came from a famous family too. They own an international airline at iba pang business. Is that why Anaiz is interested to Dalton?
O gusto lang talaga niya ang lalaki?
Si Matias... Genovese. Hindi 'ko alam ang apelyidong iyon. I remembered Matias chuckled inside my head.
Akala 'ko talaga ay mabait ito. Ngunit pag titigan siya ay akala mo laging may masamang binabalak. Badmood. He's face is naturally ruthless but handsome. He has a prominent nose and jaw. A fair skin. A curly hair and thin luscious lips.
Napailing ako sa iniisip.
Ayaw niya 'tong mga sugat 'ko sa kamay... Lagi niya akong sinusuway patungkol dito.
Nagulat ako ng si Tito ang maghahatid sa'kin sa lugar kung saan kami magkikita ni Matias. Habang nasa sasakyan ay napatitig ako sa bintana. Nagsalita si Tito...
"Hindi 'ko alam na interesado ka sa isang Genovese," he laughed. Halatang suportado ako kung sakali mang totoo iyon.
Hindi 'ko kayang magsinungaling kay Tito. At baka pwede pa niyang i-atras ito. Lagi naman niya akong tinutulungan.
"Tito," tawag 'ko dito. "H-Hindi 'ko po talaga siya g-gusto..."
"Don't be shy to me, hija..." Aniya.
Bumagsak ang balikat 'ko..
"Galingan mo. Genovese are really hard to get. Buti ay nandito ka," aniya at binuksan ang driver's seat.
Naalala 'ko ang sinabi sa'kin ni Anaiz. Tinignan 'ko si Tito... Tito will find me useful... huh...
That's not true. Hindi ganon si Tito.
Napalunok ako nang makarating sa loob ng restaurant. Sinabi 'ko sa reservation. It was under's Matias name. The waiter guided me. At ako naman ay nanginginig dahil sa kaba.
This is my first time going out... and dressed like this.
Napahinto ako when I saw matias wearing a black polo and slacks. Nakapatong ang baba nito sa likod ng palad niya habang nakatingin sa'kin.
"You really came?"
Hinila 'ko ang upuan at doon nakahinga ng maluwag! Nakaka-nerbyos naman dito.
Tumango ako, "Si Tito..."
"Oh, that old fat man?"
"He has a name..."
He just snorted.
"This is very interesting. Talagang ginagamit ka nila just to get some connection from us?"
Natahimik ako sa sinabi nito.
"I-Ikaw..."
Nagulat ako ng tumayo ito at hinila ang braso 'ko. Sinipat na naman niya ng tingin ang kamay 'ko.
"Your hands are gross," he commented.
Bigla akong nahiya at akmang hihilahin iyon pero hinawakan niya iyon ng mahigpit at gamit ng isang kamay, hinila niya ang upuan para tumabi sa'kin.
I felt my face heated up... This is so...
Siya mismo ang nagpatong ng isa 'kong kamay sa lamesa at binitawan iyon. Tinignan niya ako.
"What?"
Natigilan ako sa pagtitig.
"B-Bakit ka pumayag?" I asked him in a very weak tone, "Alam mo naman..."
"Bakit hindi ako papayag?" Takang tanong nito sa'kin.
Natigilan ako sa sinabi nito at hindi napigilang kalikutin ang table cloth sa lamesa.
"A-Ano... nag-usap na tayo kahapon diba..."
"Did we?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Oo. Nag-usap tayo! Nakalimutan niya kaagad?
"Nag-paalam ka nga rin.. Ayaw mo din ako makita..."
He chuckled.
"Oo..." Aniya. Suminghap naman ito. "Alam mo you are really interesting."
Sabi niya kahapon ay hindi na siya interesado sa'kin.
"Are you hungry? Anong gusto mo kainin?"
May tinawag ito at iniabot sa'kin ang menu.
"U-Uh..." Tinignan 'ko ang mga pagkain. Ang mamahal.. "Wala akong pera," I announced.
Tumawa ito.
"Wala kang pera? Inaapi ka rin ba sainyo?" He chuckled.
Nasa gitna ako ng pagligpat ng page ng sabihin niya iyon... Paano niya natutumbok... lahat.
Kagaya 'ko rin ba siya? Nakikita niya rin ba ang hinaharap?
"Is that right?" Naging seryoso ang boses nito.
Bigla akong kinabahan. Nagturo ako ng pagkain sa menu.
"Ito... gusto 'ko," I pointed to the meat.
I felt his stares all over me. Ngunit hindi 'ko siya nilingon. Hindi dapat niya malaman... hindi naman ako inaapi ni Tito...
"How do you like it done?"
Nagtaka ako kung ano ang tinutukoy niya. At sa wakas, nag-iba ito ng tanong.
"Done?" Hindi pa ako kumakain sa restaurant na ako ang pumipili ng kinakain. Si Anaiz lagi... at salad ang kinakain 'ko.
"Well done," utos ni Matias sa waiter.
While waiting for the food, Matias is busy scrolling through his phone. Habang ako naman ay pinaglalaruan ang bulaklak na nakalagay sa lamesa namin.
I heard a shutter of camera. Mabilis 'kong nilingon si Matias at gulat habang nasa harapan namin ang camera.
"A-Anong ginagawa mo?"
Ngumisi ito at tinignan ang phone.
"Just pissing someone off..."
Magtatanong pa sana ako ngunit dumating na ang pagkain. My tummy growled when I smelled the sweet-buttery meat in front of me. Napanganga ako sa laki noon. I felt excited too!
"Kumain ka na," aniya.
Tumango ako at hinawakan ang kutsilyo at tinidor.
"Ang dami mong sugat," Matias pointed out.
Ano bang meron sa kamay 'ko at lagi niyang tinititigan...
"Uhh..."
"Stop pinching yourself," he told me like he is my Dad.
Hindi na ako sumagot at hinihiwa ang pagkain. Pero nagulat ako ng hilahin niya ang aking plato ng walang pasabi.
"Nakakaawa ka naman tignan," he cut the meat using his fork and knife.
Napalunok naman ako at namula na naman ang aking mukha.
"Even cutting a well-done steak looks going to break your arm," aniya at nilingon ako nito ng hindi-interesado niyang mata.
"Uh.. sorry."
Ibinalik nito sa'kin ang plato. My mouth is watering. I ate the food at napapadyak ng halos matunaw iyon sa bibig 'ko. Wow, the steak taste really good!
Tuloy-tuloy lang ang kain 'ko pero natigilan ng may maalala.
Nilingon 'ko si Matias. Nagulat ako ng nakita 'ko siyang nakatitig sa'kin.
"Why did you stop?" tukoy nito sa pagkain 'ko.
"Uh.. wala akong pambayad..."
Umangat ang gilid ng labi nito at napailing.
"Tsaka mo lang naalala kung kailan paubos na?" Halakhak niya.
Napalunok ako at namula.. Hindi 'ko namalayan. I was really enjoying the food!
"Finish it... Don't worry. I'll pay for it. At hindi mo kailangan bayaran," he assured me.
Napatango ako at nagdalawang isip kung uubusin ang dalawang cubes ng steak. Dalawa naman na lang...
"By the way, I am calling you.. Bakit hindi ka sumasagot?"
"Wala akong phone.."
"Oh, what happened?"
Naalala 'ko ang ginawa ni Anaiz.
"Wala... nabasag."
Hindi na siya sumagot pagkatapos noon.
Nang matapos kumain ay binayaran niya iyon.
"It's to early to eat, huh?"
Napatango ako sa sinabi nito.
"May gagawin pa ako, aalis na ako."
Nagulat ako, pero mabilis ding tumango sakanya...
"O-Okay... bye. Salamat," I greeted.
Hindi na ito nagsalita.
Aalis na sana ako ng may makitang pula sa'king damit.
"Huh..." It was a red dot. Nagtaka ako doon at pilit na tinatanggal iyon. Pero tumatagos lang siya...
I was so shock when Matias jumped right in front of me. Pagkatapos noon ay may narinig akong nabasag.
"Goddammit. What the actual fuc.k?" He hissed.
Umiwas ako ng tingin. Nakaibabaw ito sa'kin. I am worried that I will met his eyes!
The people in restaurant started to panic. Habang ako naman ay hindi alam kung ano ang nangyayari.
Tumayo si Matias at nagulat ako ng may inilabas na baril. My eyes widened in disbelief. Why is he holding a gun in public?
Hindi 'ko napigilan ang sarili na hawakan ang braso niya. Ibinaba 'ko ang tingin sa baril.
"D-Don't.. do that.. k-keep that..."
Gun.. is the item used.. kaya't namatay ang magulang 'ko.
Tinabig nito ang kamay 'ko.
"Someone's going to shoot you," aniya.
Napanganga ako at biglang nanlambot ang tuhod. Ako?
"B-Bakit?" I felt scared. I remembered my parents.
"Because you're with me," aniya at tinitigan ako.
Natigilan ako sa sinabi niya. Because I am with him? Bakit naman? Sino ba siya?
Dumating ang mga kaibigan ni Matias habang ako naman ay tulala pa rin. Inutusan naman ni Matias ang mga kaibigan niya na ihatid ako. There is also black men who guarded him while walking away from me.
Napanganga ako... What is happening.
Hindi 'ko mapigilang kurutin ang kamay dahil sa mga alaala at kaba. Someone's going to shoot me..
"Tara na, Miss Iris..." Sabi din ng isang men in black na humawak sa'kin.
Kinindatan ako noong kaibigan nito.
"Tara na Miss Iris, it's dangerous here..."
Natulala ako at naging mabilis ang pangyayari. They didn't even explain what happened. Hinatid lang nila ako sa bahay na parang wala lang.
Nagtataka din ako kung bakit wala sa balita o hindi nalaman nila Tita ang nangyari.
Like it was all just a dream. Pinaglilipat 'ko ang balita to find something about shooting. But I just failed!
"How's the date, hija?"
Si Tito at pumasok sa kusina.
"W-Wala... k-kumain lang po..."
Humalakhak ito, "That's good to know then! I wish you more luck with Matias!"