Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana. Tama nga si Matias. I can't help but to cry because the only family who I grow with, despise me for what I have done. Pagkarating ko pa lang sa bahay ay mabilis akong sinampal ng aking tiyahin. "Ikaw, uto-uto at hindi nag-iisip na babae! Tanga! Bakit mo ginawa 'yon?!" Sigaw ni Tita sa'kin. Nasa likod nito si Anaiz na masama ang titig. Namumula ang mata. "T-Tita... Para kay Tito 'yon—" Hindi ko inaasahan ang isa pang sampal at sabunot na galing naman kay Anaiz. "Tanga! Sinong nagsabi sa'yo na para kay Daddy 'yon?" Galit na sigaw ni Anaiz habang hinihila ang buhok ko. "Si Matias? Uto-uto ka ba talaga?!" Napapikit ako dahil sa sakit. "P-Pakinggan niyo po ako—" "Iris!" Tawag sa'kin ng aking Tiyuhin. Nabuhayan naman ako ng loob ng makita

