"Sa tingin mo ba talaga hindi alam ni Matias lahat?" Tanong sa'kin ni Mathilda. Isang araw ay kumakain kami nito sa labas ng eskwelahan ni Wallace. Hindi ko nga alam kung paano kami naging close ni Mathilda. Basta ang ipinangako ng kapatid sa'kin ni Matias—ang kapalit ng pag-ubaya ko ay mababayaran ng tama. Hindi ko naman gustong mabayaran. I just did the right thing. Pinakawalan ko si Matias hindi lang para sa'kin—pero para sa'ming dalawa 'yon... We need to separate in able to breathe rationally. Tinignan ko si Mathilda at tinawanan. "Ikaw mismo ang may sabi sa'kin na umalis ng bansa si Matias... at hindi na nakibalita," I told her. After our confrontation, mabilis na umalis si Matias. Sino ang hindi magagalit sa ginawa ko? I said a lot of things... "I think he has time to check y

