Sinabi ni Cade kay Carli sa araw na iyon na huwag siyang lalabas ng bahay. Ang sabi nito ay magpahinga lang siya para maging malusog ang baby nila. Pero alam niya na ayaw lang nitong bumalik siya sa bar na kinakantahan niya. Nalulungkot siya na hindi nito maintindihan na gusto niya ang trabaho niya roon. Na ang bar na iyon ay hindi tulad ng KTV bar ng kanyang ina. Music bar iyon, hindi bar na nagbebenta ng mga babae. Pero mukhang para kay Cade, pareho lang iyon. At nakalimutan na ba nito na gustong-gusto niyang kumanta? Na pangarap niya iyon? Ang pagkanta niya roon ang unang hakbang para matupad ang pangarap niya, hindi ba nito naiintindihan iyon? Marami pa siyang himutok pero hindi niya iyon masabi kay Cade. Kaya nga isang linggo na niya itong hindi kinakausap kahit pa madaldal ito kapag

