GUSTONG iuntog ni Cade ang sarili sa pader para matauhan siya at bumalik sa dati. Bumalik siya sa San Jose upang itali ang loose-ends ng nakaraan niya. Pero kahit ano ang gawin niya ay hindi talaga niya magawa. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho habang nasa Maynila siya pero wala pa rin iyong silbi. Worst of all, he knew he was being unfair to Ava. Tila naramdaman nitong iniisip niya ito na may kumatok sa pinto ng opisina niya sa law firm at sumungaw ang nakangiting mukha ng fiancée niya. “Hi there, honey. It’s lunchtime,” anito sa kanya bago tuluyang pumasok sa opisina niya. Tumayo siya at pilit na ngumiti. Nang lumapit ito sa kanya ay mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi at kunot noong tiningnan siya. “You don’t look okay.” Tumikhim siya dahil parang may sumuntok sa sikmura niya

