"SIGURADO ka bang ayaw mo itong ipaalam sa iyong mga magulang, Hija?" Paninigurado ng ahente na si Mrs Ramos.
Ito ang may-ari sa agency kung saan nag-apply si Katrina.
"Yes, Ma'am. Wala naman pong magbabago kung malalaman nila. Pero may ipapakiusap po ako sa iyo kung puwede po, Ma'am," tugon ng dalaga.
Ayaw nga sana niyang umalis. Dahil bukod sa nagsisipag-aral ang mga kapatid niya at walang guide ay natatakot siya. Baka kung ano ang mangyari sa mga ito sa piling ng magulang nila kapag wala siya. Ngunit naiisip din niyang para sa kinabukasan ng mga ito ang gagawin niya.
"Sure, Hija. Sabihin mo kung ano iyan at ating mapag-usapan," sagot ng Ginang.
Kaya naman kahit may hiya at pag-aalangan siya ay naglakas-loob siyang nagwika.
"Ma'am, hindi naman po siguro lingid sa iyo kung ano ang kalagayan namin sa bahay. Kaya't nais ko po sanang ipagkatiwala sa iyo ang mga kapatid ko lalo at nagsisipag-aral sila. Dose anyos pa lang si Marvin na matanda sa kanila. Kaya't kako po ay pakitingin-tingin po sila. Tatanawin ko po itong utang na loob habang-buhay."
Dahil sa pagmamahal niya sa mga kapatid ay naglakas-loob siyang makiusap sa taong hindi rin niya lubos na kakilala. Ngunit dahil ito ang may-ari sa agency ay pikit-mata niyang ipinahayag ang damdamin.
'Kung bakit kasi ganoon sina Nanay at Tatay? Talagang mahirap ang buhay ngayon. Ngunit sa kasalukuyan nilang galawan ay mas humihirap ang buhay,' pipi niyang sambit.
"Iyon lang pala, Hija. Hayaan mo at ako na ang bahala sa bagay na iyan. Ang mahalaga ay mapunta kayo ng mga kasamahan mo sa mabuting kalagayan. Tandaan ninyong iba ang buhay sa abroad at dito sa lugar natin. Napag-aralan na ninyo sa OWWA at PDOS ang DO's and DON'T."
Dahil sa narinig mula sa may-ari ng agency ay nakahinga si Katrina ng maluwag. Kahit may takot siyang nadarama ay hindi siya nagpahalata. Dahil sa puso at isipan ay gagawin niya ang lahat upang hindi matulad sa kaniya ang mga kapatid na hindi nakapag-aral.
ISTANBUL, TURKEY
"WALA ka bang balak magsalita?" Malamig ngunit mapanganib ang boses ni Mustafa.
Ilang araw na ang nakalipas simula noong nangyari ang mainit-init na engkuwentro sa pagitan ng grupo niya at mga malapit na kamag-anak sa Cappadocia. Nang umagang iyon ay binulabog siya nina Omar at Ahmad. Iyon pala ay may nahuling pangahas. Maaring trusted at loyal ang mga ito subalit pagdating sa desisyon ay talagang isinasangguni sa kaniya.
"Wala kayong malalaman sa akin! Dahil kailanman ay hindi ko ginawa ang inyong ibinibintang!" sigaw nito.
Tuloy!
Walang pasabing sinipa ito ni Mustafa! Sa tulad niyang ruthless at merciless ay madali lamang ang pumatay. Subalit dahil wala pa siyang nalalaman ay kailangan muna niya itong pahirapan.
"Kung kilala mo ako ay dapat---"
"Walang hindi nakakakilala sa tulad mong mamatay-tao! Isa kang kriminal! Lahat na yata ng masasamang gawain ay nagawa mo na! Kahit ang iyong ama ay hindi mo pinatawad! Hah! Sina Madam Hella at Ragad na asawa at stepdaughter ng Papa mo ay hindi nakaligtas. Pinatay mo na nga ay pinagsawaan mo pa---"
Kung pinutol nito ang kaniyang pananalita ay ganoon din ang ginaaa niya. Iyon nga lang sinipa-sipa niya ng paulit-ulit. Hindi lamang iyon, binaril niya ang magkabilang paa. Kaya't ang labas ay gumapang ito na parang ahas!
"Isipin mo na ang nais mong isipin, bata. Dahil hindi ang nga iyan ang nais kong marinig mula sa iyo. Well, ikaw na rin ang nagsabi sa akin na kriminal ako. Pumapatay ng walang kahirap-hirap. Oras na patayin kita, sino ang magsusumbong sa mga amo mo? Kung makausap ka lang sana ng maayos ay baka maitakas pa kita mula sa kanila."
Kaunting-kaunti na ang pasensiya niya. Kaya lang naman niya ito ginamitan ng reverse phycology dahil may nais siyang kumpirmahin. Kaso mukhang wala sa bukabularyo nito ang salitang iyon.
Tuloy!
Napakuyom ang palad niya at hindi naglipat segundo ay inapakan niya ito sa leeg saka itinutok ang hawak-hawak na calibre kuwarenta-singko na baril.
Kaso!
"Boss! Look! May umiilaw sa likuran niya!" malakas na wika ni Omar.
Instantly! Para itong papel! Pinatalikod niya ito saka hinablot ang tracking device na nakakabit sa likuran nito.
"Ako ba ang hinahamon ninyong mag-iina? Sugurin n'yo ako rito sa Istanbul kahit ngayon na. Hah! What a pathetic hypocrite idiots!" Napaismid siya habang hawak-hawak ang tracking device.
"Take him to the dungeon, Omar, Ahmad. Make it sure to feed him to the crocodiles. Malay nating lahat, kapag nasa tiyan na siya ng mga buwaya ay magsasalita na."
Pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga tauhan at tracking device na nasa palad. Pero hindi nagtagal ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Well, hindi siya maging mafia boss kung hindi madaling umikot ang isipan. He can turn the table in the other way around by using their device.
Samantalang tumango-tango ang dalawa. Dahil alam na alam nila ang ibig ipakahulugan ng kanilang amo.
RIYADH, SAUDI ARABIA
POSITIVE MANPOWER(optional )
"Good morning, ladies." Masayang pagbati ng isang aristokratang amo.
"Like wise, Madam. Have a sit," masaya ring tugon ng mga staff ng ahensiya.
"Thank you, ladies. By the way, I want to ask about the maid that I've ordered two months ago. What's up, ladies?" Pasasalamat nito bago nagtanong.
Dahil parami na nang parami ang mga tao na pumapasok sa ahensiya na iyon ay nagkanya-kanya na ang mga staff ng POSITIVE MANPOWER AGENCY para maharap nila ang mga amo.
"By the way, Madam, we sent already the contract of your selected maid from the Philippines, and she will be able to finish all her requirements after two weeks for sure. Our agency in the Philippines will soon send her here after she will complete her papers," paliwanag ni Alma.
Siya ang natuka sa unang amo na naging kliyente nila ng araw na iyon.
"You can't blame me, Miss Alma. Because you told us or should I say it was in the paper's that I'd signed before that it will only take time fourty-five days and it will not exceed on that duration but now it's almost three months ago already," bakas na rin sa mukha at tinig ang pagkayamot.
Pero dahil costumer nila ito ay naging mahinahon pa rin si Alma. Kung tutuusin kunti pa lamang iyon sa nakaraang kliyente nila. Minsan may naninigaw, minsan may nagmumura kaya hindi niya masisi ang nasa harapan niya ng oras na iyon dahil trabaho din niya iyon.
"We are really sorry, Madam. We all know that she's late in coming here in Riyadh. According to our tie up in the Philippines, her parents were dead, and that's the reason why she's not able to complete all her papers." Paghinging paumanhin ni Alma.
"Okay, I'll wait for another month, but if she does not come or she will not arrive within one month. I'm sorry, guys, but I'll withdraw my money and papers. I'll quit taking her as my maid." Tumayo na rin ang amo.
"Insha'Allah, Madam. She will come." Pampapalubag-loob pa ni Alma.
Dahil wala naman silang magagawa kung mag pull-out ang isang sponsor para sa isang katulong. Minsan naman kasi kahit anong bilis ang kilos nila sa banyagang bansa kung mismong ahensiya sa Pilipinas ang walang kilos.
"Just make sure of that, Miss Alma. Because next month I really badly need a maid. I'm going to the U.S. to attend my son's graduation. I need someone to stay with my husband here in the country. I'm going, and hopefully, one of these days, you will call me to have good news," wika ni Mrs Saud saka tumayo.
"Have a good day, Madam. Don't worry you'll be the first person to know when there's a development to your maid's papers and processing." Tumayo na rin si Alma dahil paalis na ang among nangunguha ng katulong.
Hindi na sumagot ang Ginang bagkus ay ngumiti na lamang ito na kahit halatang naiinip na rin.
Nang nawala na ito sa kanilang paningin ay muling itinuon ni Alma ang paningin sa computer pero hindi pa umiinit paningin niya nang bigla namang may dumating na amo kasama ang katulong.
"ATE, tulungan n'yo naman po ako," agad na sabi ng katulong.
Pero hindi pa natatanong ng mga staff ang katulong ay sinigawan na ito ng amo nito.
"Shut up, you crazy! You're the most stupid person I've ever met!" singhal nito sa umiiyak na katulong.
Kaya naman ay napatingin dito halos ang tao sa loob ng ahensiyang iyon. Pero dahil sa hindi pa nila malamang dahilan ay hindi natinag ang fully covered na amo dahil nagpatuloy ito sa pagtatalak.
"I just have two option for this crazy shalv ( aso) You'll send her home right know but she need to pay me back to all my expenses to her or I'll send her to the jail and spend the rest of her life there!" malakas pa rin nitong wika na akala mo ay nasa disyerto dahil sa lakas ng boses.
Kaya naman hindi nakatiis ang isa ding arabo na kapwa kliyente sa ahensiyang POSITIVE MANPOWER AGENCY.
"Sallamalaykum ya, Madam. So far as I know, they're not deaf. You can talk to them nicely, and besides, how can you understand each other if you're always shouting---"
"Uskuti inta wala kalmitch ( Shut up and never say a word). I'm not talking to you!" Galit na galit itong bumaling sa lalaking naninita.
Kaya naman ang mga male staff na arabo ang hindi nakatiis. Humingi sila ng paumanhin sa Ginoo na nadamay na rin sa walang-galang na Madam bago nila ito binalingan.
"Madam, don't provoke here. Can't you see that there are so many people like you here? Okay, we'll send her to the Philippines as you say so but before that we'll ask you first if what's your problem is or what's the matter with her?" inis na ring tanong ng arabong staff sa salitang Arabic.
"She's a dog! An animal! Shedidn't come here in Riyadh for work---"
Marahil nga ay hindi nila ang dahilan kung bakit nagagalit ang amo ngunit nagawa na ring pinutol ng isa pang Arab man ang aristokratang amo.
"Excuse me, Madam. Will you please calm down? You can talk to us without cursing. We asked to explain what's the matter, but you're cursing and swearing. If you'll not stop talking bad words, we'll call the police to fetch you and send you to the jail right now." Pamumutol nito.
Dahil ang mga arabo na ang nakikipag-usap ginang ay minabuting dinala ng dalawang staff ang umiiyak na katulong.
"Ate, ano bang problema ng amo mo at galit na galit sa iyo? Ang sama-sama pa ng bunganga?" tanong ni Alma kaso agad ding sinalungat ng isa.
"Naku naman, Ate, sigurado akong may kababalaghan kang ginawa kaya galit ang amo mo. Aba'y hindi iyan magagalit kung wala ka namang masamang ginagawa."
Hindi matukoy kung naiinis nga ba ito o mas ibinababa pa nito lalo ang kabayan na umiiyak. Pero hindi ito pinatulan ni Alma bagkus ay mahinahon niya itong kinakausap.
"Ate, ano ba talaga ang nangyari at bakit galit na galit ang amo mo? Alam mo bang halos hindi na makain ng hayop ang mga sinasabi niya sa iyo?" muli ay tanong ni Alma.
"Simula't sapul, Ate, ganyan na po siya. Pero dahil gusto ko ang trabaho ay nanahimik po ako. Saka hindi naman po totoo ang mga sinasabi niya na aso ako sila ang aso. Dahil kahit sa harapan ko ay naghihimasan silang mag-asawa pero nanatiling tikom ang bibig ko dahil anong pakialam ko eh mag-asawa naman sila saka bahay naman nila ang ginagalawan nila," sumisinok na pahayag ng katulong.
"Kung ganoon, bakit siya galit na galit sa iyo, aber? Alam mo, Miss, dito sa ibang bansa basta pinapakain ka ng maayos, sinasahuran ka ng husto, kahit ano pa ang nais nilang gawin sa iyo ay magagawa nila iyan. Oh, ngayon pinapauwi ka ng amo mo at ipinapabalik ang mga ginasto niya sa iyo. Wala ka pang isang taon sa kaniya kaya't maari ka pa niyang singilin. Siguro may ginawa kang kababalaghan ano? Naku, kaya nga mababa ang tingin ng ibang tao sa mga katulong lalo na sa nating Pilipino dahil sa gany---"
"Alam mo, Jessica, kung wala ka rin lang masabi na maayos at makatulong sa kaniya ay mas mabuting bumalik ka na sa lamesa mo. Kaya nga nandito tayo para alamin kung ano ang puno't dulo ng lahat pero dinaig mo na ang amo niyang pumuputak pa rin hanggang ngayon sa main office."
Dahil sa pagtatalak ni Jessica ay hindi na rin nakapagpigil si Alma. Hinarap niya ito at pinagsabihan.
Pinukol naman ni Jessica ng nakakamatay na tingin ang dalawa dahil sa tinuran ni Alma sa kaniya. Pero hindi nagpadala sa uri nang tingin nito dahil talaga namang hindi makatarungan ang mga sinasabi nito. Padaskol na rin itong umalis at bumalik sa lamesang inuukupa nito.
"Ngayon, kabayan, sasabihin mo naman na siguro ang dahilan kung bakit galit na galit ang amo mo and even it came to the point na minumura-mura ka." Muli ay binalingan ni Alma ang katulong saka mahinahong tinanong.
Nagpakawala naman ito ng malalim na paghinga bago nagsalita.
"Bagong panganak pa iyan si Madam, Ate Alma. Doon kami kay Mama kaber nakatira pero sabi ni Madam total baby pa ang anak niya at hindi pa masyadong alagain ay kahit sa bahay muna nila ako magtrabaho lalo at bago ito na kailangang linisin at ilagay sa ayos ang lahat ng mga gamit. Pero sa tuwing nandoon ako sa bahay nila ni Sir ay lagi niya akong minumulestiya at tinatakot na patayin kung magsusumbong ako kaya nanahimik ako dahil sa kagustuhan kong hindi mawalan ng trabaho.
Kaninang umaga maaga akong pinapunta ni Madam doon para linisin ang kuwarto nilang mag-asawa dahil pauwi na kaming tatlo nila baby. Patapos na ako sa paglilinis ng muli akong pinasok ni Sir at dahil hindi nabago iyon kaysa naman tuwi-tuwina na ginagamit ako'y sinasaktan pa ay nanahimik na lang ako pero iyon ang malaki kong pagkakamali. Dahil nadatnan kami ni Madam sa gano'ng sitwasyon nakakahiya pero nakadamit kaming dalawa ni Sir. Pero nagawa pa rin niyang ipinatupad ang init ng katawan harap man o likod.
Kaya galit na galit si Madam dahil ang pananahimik ko ay binaliktad lahat ni Sir. Ako ang biktima Ate pero ako ang naging masama kaya parang awa n'yo na, Ate. Nandito na ako kaya' parang awa n'yo na, Ate, tulungan n'yo lako. Ayaw kong makulong pero narinig n'yo naman po ang sinabi ni Madam, papauwiin na lang ako pero kailangan kong magbabayad. Lahat ng gamit ko ay nasa kanila pa, Ate. May kaunti akong pera roon kaso baka pagdiskitan pa niya iyon."
Sa pagkakaalala sa halos isang buwan ding pambababoy ng amo niyang lalaki sa kanya ay muling nanariwa ang pait at hirap emotionally and physically na dinanas niya sa piling ng mga ito lalo na ang amo niyang lalaki.
Sa kawalan ng masabi ay niyakap na lamang ni Alma ang kaawa-awang katulong. It's not new story/experience to her na reklamo ng isang OFW sa opisina pero damang-dama niya ang pighating nadarama nito.
"Huwag kang mag-alala, kabayan. Maaari nating gawing panlaban sa kanilang mag-asawa iyan. Nakarecord ang bawat usapan dito dahil ang CCTV na nakapaligid sa opisina ay may audio kaya sa ngayon ipahinga mo na muna ang sarili mo habang inaayos natin ang lahat para makauwi ka. Don't worry, kabayan makukuha natin ang gamit at pera mo sa kanila."
Hinaplos-haplos na lamang mi Alma ang katulong sa likod dahil sa awa.
Wala ng mas sasaya sa isang katulong ang marinig at maramdaman ang suporta ng kapwa Pinay. Kaya naman walang hanggang pasasalamat ang itinugon nito kay Alma.
A few days later...
MANILA, PHILIPPINES
Finally!
After waiting, sa wakas dumating na ang araw na pangingibang-bansa ni Katrina Kulang dalawang buwan ang hinintay niya. Ayon sa agent ay ganoon talaga kapag first time sa pag-aabroad.
Ano nga ba ang kapalarang naghihintay kay Katrina sa ibayong dagat?
Ang mga kapatid niyang maiiwan sa piling ng lasenggo at adik na ama? Inang sugarol?
Will she have her luck in another country, or she's just the same with the stories of those thousands OFW all over the globe as victims?