Malalaki ang mga hakbang ni Froylan pagpasok ng kanyang kumpanya sakbat ang leather bag na kanyang palaging dala. Magaan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon na parang naglalakad siya sa palumpon ng malambot na mga ulap. At kahit na anong gawin niya ay hindi mapalis ang kakaibang ngiti sa kanyang labi ng umagang iyon. Bunga iyon ng hindi mawala sa kanyang isipan na hitsura ng asawa habang inaangkin niya kanina. Halatang satisfied ito sa ginawa niya. Ilang beses siyang napakurap upang pigilan ang sarili na matawa nang mahina habang unti-unting bumabagal ang mga hakbang, sinundan niya pa iyon ng marahang pagkagat ng kanyang labi. Ayaw niyang isipin ng mga makakakita sa kanya na may sira siya sa pag-iisip. Subalit, hindi niya pa rin ma-contain ang sayang nararamdaman ng kanyang puso na kai

