Chapter 7: First Date

3223 คำ
Sabado ng hapon nagtungo si Enan sa isang restaurant malapit sa bar. Pagpasok niya nakita niya na sa loob si Bobby at Mikan na nakaupo na. Pagkaupo ng binata bigla niya tinignan si Mikan sabay ginalaw niya ulo niya side to side. “Ano yang ginagawa mo?” tanong ni Mikan. “Long distance beso” sagot ni Enan kaya biglang natawa ng todo ang kanyang mga kasama. “E kasi di pa tayo that close so habang nagiging close tayo palapit na ng palapit yan. For now ganyan na muna” sabi ng binata. Napalo ni Mikan yung lamesa, biglang hinawakan ni Enan kamay niya sabay tinutok sa kanyang dibdib. “Matigas yung lamesa, dibdib ko semi kaya dito ka pumalo” banat niya. Natawa ulit si Bobby habang si Mikan napangiti at pacute na pinalo dibdib ng binata. “Sige na Enan, order anything you want. Tonight is a big night” sabi ni Bobby. “Uy alam mo ba all tables reserved. So its like going to be a private session” sabi ni Mikan. “I told them hindi pwede yung ganon pero they insisted and even offered to more than the cover charge. Hindi na ako tumanggi” sabi ni Bobby. “Too much pressure” sabi ni Enan. “Enan we already talked about this last night. So did you sleep well?” tanong ni Mikan. “Grabe lunch na ako nagising, masakit din pala sa ulo pag sobra ang tulog” sabi ng binata. “Di ka lang sanay, but honestly I had fun talking to you” sabi ni Mikan. “Wait so you two spoke on the phone?” tanong ni Bobby. “Di po kasi kami makatulog, try niyo din po pag di kayo makatulog tawagan niyo ako tapos usap tayo kaibigan” banat ni Enan kaya natawa ulit yung dalawa. “Excuse me I have to take this call” sabi ni Bobby sabay umalis. “s**t galit siya ano?” tanong ni Enan. “Bakit naman siya magagalit?” tanong ng dalaga. “Nung nalaman niya nag usap tayo sa phone…is there something going on between you two?” tanong ni Enan. Nanlaki ang mga mata ni Mikan sabay biglang natawa. “Enan! Grabe ka sir Bobby is like twice my age” sabi ng dalaga. “Ay sorry, kasi pag nakikita ko kayo parang ang close niyo and you know” sabi ng binata. “Baliw, sobrang bait lang niya at…how should I say this ba?” sabi ng dalaga. “Nililigawan ka ano?” landi ni Enan. “Baka ikaw pa ligawan niya” sabi ni Mikan kaya nanlaki mga mata ng binata sa gulat. “As in?” tanong niya. “Oo pero its our secret” bulong ng dalaga. “Wow, di halata” sabi ni Enan. “I know right, pero he has a boyfriend. I have seen them together sa isang party. Very discreet sila” sabi ng dalaga. “Pero hindi talaga halata. Nasanay lang siguro ako sa mga katulad niyang bulgar or cross dresser” sabi ni Enan. “Mabait siya sobra, kaya close kami kasi parang parent ko na siya e” sabi ni Mikan. “Second mom” banat ni Enan kaya nagbungisngisan sila. “Pero alam mo mataas respeto sa mga katulad niya. I can relate sa mga pinagdaanan nila kaya now super respeto ako sa kanya at bilib na bilibi kasi successful na siya ngayon. I know what he had to go through, mga panlalait, pagkutya, so yung mga ganyan iniidolo ko sila” sabi ni Enan. “Why were you like him?” biro ni Mikan. “Hindi pero kaming mga pangit halos pareho naman pinagdadaanan sa mga LGBT” sabi ni Enan. “Hey you are not pangit, its not nice hearing that” sabi ng dalaga. “Totoo naman e, alam mo mas maganda tanggapin kesa in denial ka pa. Pangit na nga in denial pa? Sus sino niloko mo diba?” “You do not have to be that extra nice to me” sabi ni Enan. “Nakakalito kang tao ka. Sasabihin mo artistahin ka tapos now mega emote ka na ugly person drama” sabi ni Mikan. “Ano naman reaksyon mo nung unang lumabas news about me and Cristine? Sige nga” sabi ni Enan. Napatigil si Mikan sabay di kumibo. “Let me guess, una mong tanong siguro is bakit siya? Its okay I wont get offended pero tama ba ako?” tanong ng binata. “Hindi naman, wala naman ako pakialam sa gusto ng iba. Kung doon sila masaya diba why not?” sagot ni Mikan. “What I am trying to say is that perhaps she saw something in you that she really liked. So who am I to judge her decision diba?” dagdag ng dalaga. “Magkaibigan na tayo diba? So you can be honest. Promise I will not get offended” sabi ni Enan. “Well..sige you want me to be honest then sige let me be honest. Dedma lang ako” sabi ni Mikan. “Weh? As in dedma lang nung kumalat yung news?” tanong ng binata. “I found out about it lang sa Internet no, alam mo naman an siguro schedule ko sa no time for TV. I saw a photo of you beside her photo tapos sabi nila ikaw daw boyfriend niya” “After that lumipat na ako sa ibang site” kwento ng dalaga. “Ikaw talaga sabi ko you can be honest with me e. Di ka man lang nagselos? Naglaway? Oh come on” sabi ni Enan kaya tawang tawa ang dalaga. “Seryoso, be honest with me” sabi ng binata. “I am being honest, di mo pa kasi ako kilala e. Wala ako karapatan mag comment or magbigay judgement sa buhay ng ibang tao kasi gusto ko ganon din gawin nila sa akin. Gets mo?” tanong ng dalaga. “Hmmm…I hope there are more people like you” sabi ni Enan. “Cristine was a super b***h” biglang bulong ni Mikan kaya nagulat ang binata. “True story, mainitin ulo niya, she just snaps basta basta. Okay naman siya actually, nakasama ko na at nagausap kami pero pag nasa set yan grabe yan” “Di mo aakalain yung mala anghel na mukha e magiging ganon na demonyita. Pero nung naging kayo I heard nagbago siya so sabi ko she found the guy who could change her. I found her to be lucky actually” sabi ni Mikan. “Mabait naman talaga siya e” bulong ni Enan. “Kaya nga, so I was not surprised about you two. To make people like her change takes someone special and that is you, its just so sad ang dali niyo natapos. So at this point lets stop because I don’t want you to go being emo again” pacute ng dalaga kaya napangiti si Enan. “E bakit ikaw wala ka atang prince charming?” tanong ng binata. “Too busy siguro pero nagkaroon naman na ako ng boyfriend noon. Tumagal kami ng nine months” sabi ni Mikan. “What happened?” tanong ni Enan. “He gave up on me kasi nga wala ako masyado oras. It was the peak of my career din kasi” “Ayaw ko mag judge pero sumuko naman kasi siya agad. Sana inintindi din niya yung mga pangarap ko. He kept complaining na wala ako time para sa kanya. I did my best talaga to make time pero like I said kanina, pataas karir ko non kasi” “Basta nalang tatawag manager, may gig ka dito, may gig ka don. Magbihis ka na kasi pupunta dito, may press con doon. May guesting ka dito…ayun he quit on me” kwento ng dalaga. “I can relate kasi ganon talaga ang artistahin, walang oras para sa sarili” banat ni Enan kaya natawa si Mikan. “I didn’t quit on her…baka sakaling itanong mo” bulong ni Enan. “Never planned to ask naman” sabi ng dalaga. “I did not quit on her, just so you know” sabi ni Enan. “So susunod na tanong mo siguro e bakit wala nang sumunod?” tanong ng dalaga. “Hindi, itatanong ko sana bakit ang tagal ng pagkain at nasan na si sir Bobby?” banat ni Enan. “Matagal talaga dito yung pagkain, may kaartehan sa pagluto pero promise masarap dito” sabi ng dalaga. “So bakit wala nang kasunod?” pahabol ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Sabi ko na nga ba e. Madami naman nag try pero di ko alam kung totoo sila” “May makikipag kilala sa bar after my set, magyayaya ng late dinner. May magyayaya na ihahatid nalang daw ako. Basted agad mga yon, I just find it improper. Madami naman pa sweet sweet pero mga mata nila iba naman tinitignan” “So I told myself, never to go out with guys who I met sa bar. Malas kasi buhay ko umiikot lang sa bahay at bar so in short no chance of getting to know mister right” kwento ni Mikan. “s**t! Sa bar tayo nagkakilala” banat ni Enan kaya nagulat si Mikan. “Uy teka nagpapatawa lang ako” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga at kinurot siya. Biglang bumalik si Bobby, “You two just eat okay? I have to go to the bar kasi dumating na yung extra tables and chair. Sayang din kasi kita, I got my food as take out so you two just eat and I will see you two later” sabi niya. Pag alis ni Bobby tinignan ni Enan si Mikan, “Ikaw talaga o, kung gusto mo ako idate di mo na kinailangan gawin pang tulay si sir Bobby” banat niya. Natawa ng husto si Mikan, pinagpapalo braso ng binata sabay pinagkukurot. “Baliw” bigkas niya pero si Enan nag beautiful eyes. “Hey Enan can we have dinner? Ganon lang kasimple no, ikaw talaga dinaan mo pa sa meeting kunwari tapos aalis din lang siya tapos tayo maiiwan para sa date” hirit ng binata. “Hay Enan, masisiraan ako ng bait sa iyo” sabi ni Mikan. “Do not worry Mikan, hindi ikaw ang naunang sumubok. As in ang dami na pero ikaw palang successful” sabi ni Enan. “Whatever Enan, oh there is the food” sabi ni Mikan. Paglapag ng waiter ng pagkain sa lamesa bigla siya kinalbit ni Enan. “Brod nasan yung kandila? Para naman romantic date namin” banat niya kaya napahiyaw si Mikan at inuga niya ulo niya. “Kuya nagpapatawa lang siya” sabi niya. “Teka lang sir kukuha ako” sabi ng waiter. “Hala tong si Enan” sabi ni Mikan. “Mikaela will you relax, nagpapatawa lang ako. Sabi mo kanina buhay mo umiikot lang sa bahay at bar, so para naman mabago at para mahasa narin socializing skills mo kaya eto simulation ng isang dinner date with someone you trust, well you trust me right?” sabi ng binata. Napangiti si Mikan at nagpigil ng kilig, “Bahay tapos bar, bahay tapos bar, so siguro inamag na o kinalawang real life socialization skills mo. You can trust me so you can let your guard down. Di tulad ng date with someone who you will still get to know na heavily guarded ka tapos babantayan mo bawat galaw niya” “Now you can enjoy your food without worrying what happens after. Alam ko naman natrauma ka siguro after your encounter with that dirty old man kaya di mo lang masabi na may trust issues ka na with guys. Medyo may talent ako sa pagbasa ng tao konti so Mikaela wala ka dapat katakutan sa akin except for my face” sabi ni Enan. “You don’t look bad…wag kang makulit” bulong ng dalaga. “Good, so let us just enjoy the free good food. Alam mo mga ka date ko usually hindi nakakakain kasi natututulala sila dahil sa aking artistahin presence. Please Mikaela kumain ka ha” “Pero alam mo kahit ilibre ko sila sa pangit na restaurant sinasabi nila masarap parin yung pagkain. Kasi pano naman bawat subo nila nakatitig sila sa aking artistahing mukha, sumasarap yung pagkain kahit wala naman lasa sa totoo. Yan ang kamandag ko, yung simpleng mapaklang adobo nagagawa kong lasang steak” banat ni Enan. “Ayaw ko Enan ang sakit na ng tyan ko” bulong ni Mikan sa tindi ng pagtawa. “Minsan sa good restaurant kami kumakain pero habang kumakain parang nasa desert stage na sila dahil sa aking mukha. Yung iba nakakatakot as in kasi kumakain palang kami parang ako na yung gustong isunod” banat niya kaya napahiyaw si Mikan. Hinaplos ni Enan likod ng dalaga, “Okay tama na kumain ka na. O yan may magpapatawa na sa iyo. Di ka na aasa sa Youtube funny videos kung gusto mo tumawa. Sige na kain na tayo…mata sa pagkain at wag sa akin” banat ni Enan kaya muling natawa ang dalaga. Nang matapos sila kumain lumabas na sila ng restaurant. “O wag ka na mahiya, sabi ko naman sa iyo social training skills. Its okay” sabi ni Enan kaya natawa si Mikan at game na game naman niya niyakap braso ng binata. Tumawid sila ng kalsada, mga mata ng dalaga titig na titig sa mukha ng binata at labis siyang napapangiti. Pagdating nila sa bar nagulat si Yvonne nang makita yung dalawa. Di na siya umimik at sumabay nalang sa pagpasok. Sila lang ni Mikan pumasok sa dressing room habang si Enan tumulong sa staff sa pag ayos ng mga lamesa. “What the hell was that?” tanong ni Yvonne habang sinasara yung pintuan. Si Mikan naupo, tinignan ang sarili sa salamin sabay ngumiti lamang. “Mikan, ano yung nakita ko?” tanong ni Yvonne. “Huh? Alin don? Yung extra tables? Kasi madami daw pupunta later” sagot ng dalaga. “Hindi yon, yung akbay, ano yon?” tanong ni Yvonne. “Wala, tumawid lang kami ng kalsada. Bakit?” sagot ni Mikan. “Close agad ang peg niyo?” landi ni Yvonne. “Gagi mabait siya no at ano bang mali e tumawid nga kami ng kalsada” sabi ni Mikan. “Tumawid, parang iba tinawiran niyo ata” sabi ni Yvonne. “Hay naku you were not there so you will never understand” sabi ni Mikan. “Tell me what happened then” sabi ni Yvonne. “Wala naman, we just ate dinner. He is such a nice guy I tell you” sabi ni Mikan. “I know he is a nice guy pero parang ibang klaseng nice guy naman na ata bigla” sabi ni Yvonne. “Like I said hindi mo maiintindihan kasi wala ka doon” sabi ni Mikan. “Mikan parang ang bilis naman ata masyado” sabi ni Yvonne. “Hala to, ano bang pinagsasabi mo? Ano ba sa tingin mo nangyayari?” tanong ni Mikan. “Masyado na kayo close bigla at I saw you were staring at him habang tumatawid kayo” sabi ni Yvonne. “E kasi he was saying something, wag ka nga magkokonek agad agad” sabi ni Mikan. “Oh okay…happy ka kasi e” bulong ni Yvonne. “Yan aamin ako happy nga ako…never felt this way before…hmmm butterflies” bulong ni Mikan kaya napatili si Yvonne at nakurot si Mikan sa braso. “Butterflies huh” sabi niya. “Ewan ko ba, you were not there kasi. Grabe..di ko alam ano nangyayari sa akin pero alam ko lilipas din ito. Di lang ako sanay siguro” sabi ni Mikan. “Sanay saan?” tanong ni Yvonne. “Sanay sa…guy na treating me really nice…I get it now why Cristine fell in love with him” sabi ni Mikan. “Share ka naman, ano ba talaga nangyari?” tanong ni Yvonne. “We just had dinner, sir Bobby was with us but he had to leave. Basta di ko maexplain but I got to really know him” “Basta ayaw ko na pag usapan. Lilipas din ito I know. Nabigla lang ako o di talaga ako sanay na may ganon talaga na lalake” sabi ni Mikan. “Curious na ako ha, mangungulit na ako talaga” sabi ni Yvonne kaya ngumiti si Mikan at nakwento na ang lahat ng nangyari. “Enan bakit ka nagbubuhat? Don ka na sa isang kwarto para maka prepare ka” sabi ni Bobby. “Okay lang sir, kesa naman kayo magbuhat baka masira pa poise niyo bilang boss” sagot ng binata. “Sige na Enan let them do it, magprepare ka nalang sa kwarto” sabi ni Bobby. “Sir wag kang makulit, pampatanggal din ito ng kaba sa dibdib ko. So let me help out. Pag ako sa iyo tumulong ka narin para mas madami matatapos” banat ni Enan kaya nagulat yung mga staff. Binulsa ni Bobby telepono niya sabay nakibuhat na kaya natulala talaga staff niya. Ilang minuto lumipas nagpunas ng pawis si Bobby, “O diba para mamaya pag tumabo ka ng madaming pera mas ramdam mo saya kasi pinagpawisan mo talaga” banat ni Enan kaya natawa si Bobby. “You are already a good person but if you sweat it out with your staff the more they are going to like you. Trust me” bulong ni Enan. “Madami ata ako matututunan sa iyo” sagot ni Bobby. “Hindi masyado, artista ako, ikaw manager ka lang. Magkaiba level natin” sabi ni Enan kaya lalong natawa si Bobby at staff niya. “Uy friends paki ayos nga pala yung stante sa stage, naka dress nanaman si Mikan kasi at masisilipan nanaman siya ng mga nasa harapan. Para di na siya mahirapan kumanta sa pag ayos lagi ng damit niya paki bloke nalang yung stante o” sabi ni Enan. Sakto naman nakasilip sina Mikan at Yvonne, pareho sila napangiti habang inaayos nila yung stante sa stage para di na siya masisisilipan. Naupo si Enan sabay umakting na babae, “Ayan nasisilipan pa ba aketch?” banat niya kaya laugh trip ang lahat. “Hindi na ano? Diyos ko mega hard kaya sumong bird habang lagi ko inaayos dress ko. Di ko na alam kung maganda kinakanta ko o maganda kulay ng panty na suot ko. Pagtingin ko sa baba makikita ko nalang na parang lawa na flooring so alam ko hindi boses ko yung maganda kundi panty ko. Ayan mababawasan na siguro mga m******s na uupo sa harapan no?” landi ni Enan. Napatawa niya ng husto ang mga staff, sina Yvonne and Mikan pumasok sa kwarto at nagbungisngis. “He is so different” sabi ni Mikan. “Too early Mikan” sabi ni Yvonne. “Sinasabi ko lang…I really am starting to like him..pero teka ha in a friendly manner yon” sabi ni Mikan. “Enan..”
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม