“Wow Jessica you look like a real princess” sabi ni Rosa nang makita ang magandang batang dalaga suot ang kanyang pink dress at may corona pa ito sa ulo. “Tita talaga nakalimutan yung always, I always look like a princess” pacute ni Jessica kaya natawa sina Rosa at Robert. “Happy Birthday Ikang” bati ni Enan sabay inabot ang kanyang regalo. “Andoy! Sabi ko naman sa iyo wag na mag gift e” reklamo ng batang babae. “E birthday mo e” sabi ni Enan. “Sige na nga, thank you Andoy…ay pahawak mo muna kay tita kasi kailangan ko yung escort ko…tara na Andoy” sabi ni Jessica. “Ganito apo” sabi ni Flora sabay pinayakap niya yung isang braso ng batang babae sa braso ni Enan. “Ganyan, teka lang kukunin ko yung camera” sabi ng matanda. Naglibot yung dalawang bata, si Enan naiilang pagkat nakasuot siya

