“Look ito si mommy nung nasa miss Universe siya” sabi ni Jessica habang tinuturo niya yung isang litrato sa album. “Bakit ganyan itsura niya? Makulay yung mukha” sabi ni Enan. “Make up kasi yan” sabi ng kaibigan niya. “Si tita maganda pero pag makulay na mukha niya ang pangit na” sabi ni Enan kaya nanlisik ang mga mata ng kanyang kaibigan. “Hindi pangit ang mama ko” sabi ni Jessica. “Alam ko, pero bakit kasi may make up pa? Parang ikaw nung sumali ka last time ang pangit mo” sabi ni Enan kaya nagsimangot si Jessica. Kinurot ni Enan yung pisngi ng kanyang kaibigan, “Ganyan lang kasi Ikang, wag mo na kulayan mukha mo. Ang ganda ganda mo na nga na ganyan. Bakit mo pa lalagyan kulay mukha mo?” sabi ni Enan kaya napaniti si Jessica at kinagat ang kamay ng kanyang kaibigan. “Tignan mo si lola,

