Pinuntahan ni Cavell si Djora sa apartment nito pero walang tao pala. Hindi naman nakalulusot ang tawag niya. Baka walang signal o kaya naman ay dead battery. O baka may interference lang. Tinawagan na lang niya si Tavi at tinanong kung may alam ito. Wala kasing text sa kanya ang nobya. “Ano? Nakipagkita siya kay Zikri ngayon?” Napabulyaw siyang hindi sadya sa kaibigan ng dalaga. “Eiii! Ba’t mo ba ako sinisigawan? Sinabi ko lang sa ‘yo kung nasaan siya. Puntahan mo kung wala kang tiwala. Jusko! Bye na nga! Busy pa ako! Kinukulit din ako ngayon ng best friend mong unggoy!” Napabuga nang marahas na hangin sa mukha ang binata. Naisip niyang puntahan na nga ang katipan sa sinabing restoran ni Tavi. Bakit kaya hindi ito ipinaalam sa kanya ni Djora? Naninibugho tuloy siya. Lalo na nang mak

