Kitang kita ko ang kanyang mukha, lumungkot ito dahil sa sinabi ko sa kanya. Napabunting hininga siya at napapikit ng mata. Nang buksan niya ito, tinitigan at ngumiti siya sa akin, isang ngiti na alam kong hindi totoo, isang ngiti na sa likod nito ay may lungkot. " Kung iyan talaga ang gusto mo, Jemuel, wala akong magagawa. Alam ko naman na iyan ang ikaliligaya mo, " sabi jiya sa akin na nakangiti. " Sino ba naman ako para pigilan iyang desisyon mo, hindi ba? " dagdag pa niyang tanong sa akin. Napabuntong hininga ako. " Pero bago ka umalis, pwede bang sulitin na nating ang araw na magkasama tayo? Alam kong hindi na tayo magkikita pa ulit kaya sana ay pagbigyan mo ako, " sabi niya sa akin. Napatango akong ngumiti sa kanya. Mas nilapitan pa niya ako. Inangat niya ang kanyang k

