Maxine's POV
Grabe hindi ko kinakaya ang powers ni sir clarance, hindi ko alam kung ayaw niya ba talaga ng pagkain na ito o pinag tritripan na lamang ako.
"Sir, ito na po yung chocolate cake"
"Pababa na lang diyan, gusto ko ng juice"
"Po? Eh may juice kana diyan ah!"
"Ayaw mo kumuha? Edi umalis ka na lang dito, bukas ang pinto para sayo,nahihirapan kana? Go,umalis kana!"
"Napakasama mo!" at tuluyan ko na siyang tinalikuran, bahala na kung pagalitan ako ni Madam Scarlett dahil hindi ko sinunod ang utos ng anak niya.
•Flashback•
"Ikuha mo nga ako ng juice"
"Sir ito na po ang juice niyo"
"Ahmmm kuha mo naman ako ng tubig"
"Sir ito na po yung tubig niyo"
"Kuha mo naman ako ng fries"
"Eto na po sir"
"Ay bat walang ketchup? Ayoko na niyan! Kuha mo na lang ako ng spaghetti"
"Po? Spaghetti? Eh magluluto pa ho ako"
"Edi magluto kana!"
"Sir ito na po yung spaghetti niyo"
"Mukang masarap may kapares na chicken Yan!"
"Sir Ito na po yung chicken mo"
•End of flashback•
See? Diba pinag tritripan na ako? Sino ba naman di masusura doon diba?
"Maxine,bakit parang hagard na hagard ka naman diyan" dahil po sa anak niyo.
"Ah hehe ano po ganto po talaga pag tunay na maganda!"
"Haha, I know pinagtritripan ka ng anak ko?"
"Ahmm Madam"
"Ganyan talaga yan,nakaka 10 maids na kami pero lahat sumuko dahil sa kapilyohan niya!" iiling iling na sabi ni Madam.
"Madam may itatanong po sana ako kung hindi niyo po mamasamain"
"Ok lang ano ba iyon?"
"Bakit po kailangan may personal yaya si Sir Clarence? Bakit po ikaw lang ang nakikita ko dito, asan po yung daddy nila?"
"Bakit kailangan ng yaya ni Clarence? Dahil May sakit siya sa puso, 7 years old nang malaman namin na May sakit siya, ang Saya Saya niya pa noon dahil birthday niya nun, kompleto kami ate niya, at Yung daddy niya,at sa hindi namin inaasahan ay bigla na lang siya nahimatay, sinugod namin siya sa ospital at ang sabi nga ng doctor ay may sakit siya sa puso" pag kukwento ni madam na para bang binalikan ang nakaraan.
"Naging successful ang operation niya, pero ang sabi ng doctor dapat daw ay hindi siya mapagod, naging protective ako sa kaniya hindi ko na siya pinaglalaro,Hindi ko na siya pinapakilos, at bakit Wala Ang daddy niya dito? Dahil sa sobrang protective ko daw ay parang sinasakal ko na yung anak ko, lagi na kaming nag aaway, hindi na kami magkasundo, at sa nalaman ko na lang na may babae siya"
"M-madam" pagsasalita ko dahil kahit anong oras man ay babagsak na ang luha niya.
"Hanggang sa dumating yung oras na napagdisyunan na namin maghiwalay"