SOPHIE'S POV Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Medyo inadjust ko pa ng kunti ang paningin ko dahil sa liwanag. Nang maadjust ko ang paningin ko ay nandito pala ako sa kwarto ko. Teka- ano bang nangyari? Ang huli ko lang naaalala ay nung dinukot kami ni Zack tas sumakit yung ulo ni zack at may lumabas na kung anong itim na usok sa kanya na kamukha nya- Si Zack! Nasan si Zack? Okay lang kaya sya? Ano ba kasi yung itim na usok na lumabas sa kanya? Ano ba talagang nangyayari? Gulong-g**o na isip ko!! Kailangan kong makita at makausap si Zack! Kailangan ko ng kasagutan at sya lang ang makakasagot nun! Agad akong bumangon at baba na sana ako sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto. And then I saw Clyde. Nanlaki ang mata nya ng makitang gising na ko. Agad nya kong nilapitan. "What

