WEIRD

1627 คำ
SOPHIA'S POV Naglalakad kami ngayon papuntang canteen dahil recess na bilis no? Well ganyan talaga w*****d eh. "Ako na ang oorder sating lahat okay?" sabi ko "Are you sure?" tanong nila "Yes" sabi ko at umalis na at hindi na hinintay yung sasabihin nila. Nung ako na yung mamili sh*t!! Nakalimutan ko pa lang itanong kung anong gusto nila!! Wahh!! Bakit ba ang tanga mo sophia?!! Bahala na nga lang instinct na lang ang gagamitin ko. Pare-parehas na cake and shake yung binili ko para samin magkaiba lang pagdating sa flavors. Ito ang mga binili ko para samin: VANESSA: Vanilla Cake and vanilla shake BLAZE & ALEXA: Apple Cake and Apple shake YNA: Blue berry cheese cake and Blue berry shake CLARENCE: Chocolate cake and chocolate shake CLYDE: Strawberry cake and straw berry shake DRAKE: Grapes Cake and grapes shake MINE: Mango Cake and Mango shake Yan po yung inorder ko para samin.Sana tama lang ang inorder ko para sa kanila. YNA'S POV Umupo na kami sa table namin "Nakalimutan palang itanong ni sophia kung anong gusto natin!!" sabi ni alexa Oo nga noh!! "Oo nga noh!! Pano na yan??" sabi ko "Hintayin na lang natin syang dumating" sabi ni blaze at hinawakan ang kamay ni alexa hayss naku dito pa naisip maglandian Tapos biglang may humawak ng kamay ko pagtingin ko si rence (rens) pala "Babe wag kang mainggit sa kanila.Gusto mo tayo din?" sabi ni rence Isa pa tong malandi eh!! Ano ba yan nagblu-blush tuloy ako!! "Ang cute mo talaga pagnag blu-blush babe" sabi ni rence at pinisil ang pisngi ko at hinalikan Maya-maya biglang dumating si sophia dala ang tray di pa namin nakikita yung inorder nya para samin dahil nakatakip ito. "Wag kayong magagalit kung hindi nyo favorite yung naorder ko ha. Nakalimutan ko kasing itanong sa sobrang excited ko" sabi ni sophie At binuksan nya na yung takip pagbukas nya. Nanlaki ang mga mata namin sa mga binili niya. Sabihin nyo ng oa kami pero kasi walang ibang nakakaalam ng kanya-kanya naming favorite flavors kundi ang mga sarili lang namin at si princess. "M-mga favorite namin to ah p-pano mo nalaman??" nauutal na tanong ko bigla syang yumuko "Alam ko na yan dahil sinabi nyo sakin yan noon noh!!" sabi ni sophie Nagulat kaming lahat maski si sophie mukhang nagulat din sya sa sinabi nya nakita ko yung itsura nya dahil pagkatapos nyang sabihin yun iniangat nya yung ulo nya. "A-ano ibig mong sabihin s-sophie??" nauutal na tanong ni alexa "Hindi ko din alam basta na lang yung lumabas sa bibig ko" sabi ni sophie Ang weird!! "Ahm pano mo nga ba nahulaan ang mga favorites namin??" tanong ni vanessa "Ahm instinct ko lang" sabi nya Parehas na parehas si sophie at si princess tama lagi ang mga instinct nila. "Kumain na lang muna tayong lahat" sabi ni blaze At kumain na nga kami. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami.sa classroom baka malate pa kami. 'Riiiiinnnggg!!!!' Yes!! Woooo!! Uwian na!! "Hey punta kayo bukas sa dorm ko sunday naman eh walang pasok. Magbabake kasi ako ng cake eh" sabi ni sophie "Ipapagbabake mo kami?? Are you sure??" paninigurado ni vanessa "Yes. Don't worry masarap ako magbake saka yung especialty ko yung iluluto ko para sa inyo" sabi ni sophie "Sure!!" sabay naming sabi at umuwi. Pagkadating ko sa dorm ay natulog agad ako. Good night readers. *********** SOPHIA'S POV Andito ako ngayon sa kitchen ko nagbabake ng cake para sa kanila. Sana naman magustuhan nila itong cake na ginagawa ko kasi ito na yung parang pasasalamat ko sa kanila dahil kinaibigan nila ako kahit hindi ako katulad nila na isang royalty. BLAZE'S POV Andito na kami ngayon sa dorm ni sophie kasi pinagbake nya daw kami ng cake. "Oh asan na yung cake?? Nagugutom na ko eh!!" sabi ni alexa hayyss naku patay gutom talaga tong kapatid ko "Hoy!! Mr. Kim hindi po ako patay gutom tandaan mo yan kung ayaw mong sunugin kita!!" asik nya sakin sabi ko nga nababasa nya iniisip ko!! Maya-maya dumating na si sophie na may dalang cake "Yun ang bango ah!!" sabi ni alexa "Oo nga amoy palang mukhang masarap na!!!" sabi ni Yna teka- bakit parang pamilyar yung amoy Pagtingin namin sa cake na binake nya ay halos lumuwa ang mga mata namin. DAMN! IMPOSSIBLE! "I-imposible" nauutal na sabi namin habang nakatitig pa din sa cake "Huh? Anong impossible?" nagtatakang tanong ni sophie pagtingin ko sa kanya Confusion is written all in her face. Di ako pwedeng magkamali itsura ng cake na ginawa ni sophie eh kaparehas ng itsura ng cake na laging ginagawa ni princess para samin. "Uhm bakit pangit ba ang itsura ng cake na ginawa ko? alam nyo ba first time ko gumawa ng cake na ganito ang itsura kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi nyo nagustuhan yung design" sabi ni sophie "Hindi. Nagkakamali ka.Ang totoo nyan ang ganda ng cake na ginawa mo" sabi ko Gusto nyo bang malaman ang itsura ng cake na gawa niya? It's a round chocolate cake na may dilaw crescent moon sa gitna na may bilog sa gitna na color blue at napapalibutan ng sign ng lahat ng elements like fire, water, ice and wind. Ang crescent moon na may bilog sa gitna ang favorite na design o shape ni princess dahil sabi nya ito daw ang sumisimbolo sa kanya nung tinanong namin kung bakit nya nasabi yun ang sabi nya hindi nya din daw alam nafefeel lang daw nya instinct kung baga. "Ah okay sige tikman nyo na!!" masayang sabi ni sophie at tinikman na namin ang gawa nyang cake at nagulat kami ng matikman na namin ang gawa niyang cake. WHAT THE F*CK?! Hindi lang sa itsura nagkaparehas kundi pati na din ang lasa walang pinagkaiba ang gawa ni sophie sa gawa ni princess. Pero teka- kanina ko pa napapansin na hindi nya man lang tinitingnan o kahit sinusulyapan man lang yung cake na gawa nya samin lang sya nakatingin at mukhang napapansin din ito ng iba. "Bakit hindi mo man lang tinitingnan yung gawa mong cake?" tanong ni drake Bigla naman syang namutla sa tanong ni drake "A-ah e-eh kasi b-basta wag na lang kayo magtanong" nauutal na sabi nya "Natatakot kaba na hindi maganda yung itsura ng cake na binake mo??" tanong ni clyde "H-hindi ah!! Basta!! Wag ka ng makulit!!" sabi ni sophie Tapos biglang nilapit ni clyde yung cake kay sophie "Ano ba clyde??!! Bakit ba ang kulit mo??!!! Ilayo mo yan sakin!!!" asik ni sophie at nakaramdam ako ng takot sa kanya nakakatakot pala syang magalit. Ito ang kauna-unahang nakita at narinig kong sumigaw si sophie at ayaw ko ng makita at marinig ulit dahil mas nakakatakot pa sya kay clyde at drake magalit!! Alam kong natakot si clyde sa ginawang sigaw ni sophie pero pinagsawalang bahala nya lang ito at patuloy pinapakita kay sophie yung cake alam ko namang dala lang ito ng curiosity nya. "Clyde itigil mo na yan!!" saway ni drake Pero di sya pinakinggan ni clyde Hanggang sa nakulitan na si sophie kay clyde at humarap na si sophie kay clyde ngunit imbis na mukha ni clyde ang makita ang cake ang nakita nya "AAHHHHH!!" sigaw ni sophie at nakahawak sa ulo nya "ANG SAKIT!!" sigaw ni sophie at tila nataranta sila vanessa sa sobrang takot sa maaring mangyari sa bagong bff nila "Sophie!! Anong nangyayari sayo?!" natatarantang tanong ni vanessa ngunit di sya sinagot nito at patuloy pa din siya pag-iyak Nung nakita kong nagkakaganun sya di ko alam kung bakit parang ang sakit. Ang sakit na nakikita ko sya sa kalagayan nyang iyon na parang sobrang malapit sya sakin. Nakita kong umiiyak na din sina vanessa nung tiningnan ko sila drake at clyde alam kong nararamdaman din nila ang nararamdaman ko ngayon. Maya-maya biglang hinimatay na si sophie malaglag na sana sya buti na lang nasalo sya ni clyde. "Halika na kayo!! Dalhin natin sya sa clinic!!" sabi ni clyde ar bakas sa kanyang boses ang pag-aalala. Agad naming dinala si sophie sa clinic at binantayan sya. Habang nagbabantay kami kay sophie nakita kong nakatingin lang ang lahat kay sophie at tila nag-aabang na magkaroon ito ng malay maski si clyde. "Nabasa ko ang iniisip nya kanina. Kaya sya nahimatay dahil nakita nya yung cake na gawa nya. Kaya ayaw nyang makita yung cake dahil numg sinubukan nyang tingnan yung cake sumakit ang ulo nya. Kaya nga sinabihan ko si clyde na tumigil na" sabi ni drake "Eh bakit sumakit yung ulo nya nung nakita nya yung cake??" tanong ni alexa "Yan ang hindi ko alam dahil di nya din alam kung bakit sumasakit ang ulo nya" sabi ni drake Maya-maya biglang nagising si sophie "Ugghhh" ungol nya at idinilat na nya ang mga mata nya "Uhm. Nasan ako??" tanong ni sophie "Nasa clinic ka" sabi ni vanessa "Huh? Bakit naman ako nandito?" tanong ni sophie "Wait- don't tell us that you don't know what happen to tou earlier??" tanong ni Yna "Huh?? Bakit may nangyari ba?? Ang natatandaan ko lang kasi ay nasa bahay kayo kasi pinagbake ko kayo tapos wala na kong maalala" sabi nya "Nahimatay ka kanina" sabi ni alexa At nung inaalala nya naman ang nangyari sa kanya "Aahh!" daing niya habang nakahawak sa kanyang ulo "Hey sophie wag mo ng piliting alalahanin iyon!! Lalo lang sasakit ang ulo mo!!" saway ni drake "O-okay" sabi ni sophie Maya-maya ay pinayagan ng umuwi si sophie kaya umuwi na din kami pagkatapos naming ihatid si sophie sa dorm nya. Nang makarating ako sa dorm ko agad akong nakahiga at naisip yung nangyari kanina. Isa paring misteryo para samin ang pagkatao ni sophie. Sino kaba talaga Sophia Sandoval?? Hanggang sa nakatulog na ako iyon lang ang tanging laman ng isip ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม