SOPHIE'S POV Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-usap usap na kami na bukas na bukas ay uuwi na din kami. Tumawag kasi si ama dahil pinapauwi nya daw kami may kailangan daw syang sabihing importante. Mamimiss ko ang kama kong ito. Ang mansion. Ang mga mortal . Sila mommy at daddy. Ang daming nangyari saming masasaya at masasamang ala-ala dito sa mortal world. Parang kahapon lang nung bumalik ako dito sa mansion at nakipag-ayos ako kila clyde. Hayyss... Ipipikit ko na sana ang mata ko para matulog ng biglang bumukas ang pinto. Minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino yung nagbukas ng pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino yung nagbukas ng pinto. "Vanessa?? Yna?? Alexa?? Anong ginagawa nyo dito?? Diba dapat nasa kwarto nyo kayo?? Gabi na ah bakit di pa kayo n

